--- Marco ---
Bed Rest daw, edi OK, eh tutal nakakatamad naman talaga ang araw na 'to.
Kakatanggap ko lang ng text ni Dylan na dito raw siya matutulog mamayang gabi. Sabi na eh, 'di yun tatagal sa tatay niya.
Di ko na inayos pa ang condo, as is na 'to, parang sino ba yung dadating eh si Dylan lang naman. Mahihiya pa ba ako?
rrrrrrrrrrrrrrr.
(SFX: Vibration. Nakasilent mode kaya walang ringtone, haha.)
"Oh bro?", bungad ko.
"Pagbuksan mo nga ako."
"Ngayon na?"
"Ngayon din!"
"Opo kamahalan, hahaha.", narinig kong tumawa din siya. Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag at pinagbuksan siya.
"Good Evening, sir welcome.", bati ko.
"Ba, formal event pala 'to, di mo man lang ako nainform."
"Baliw, pumasok ka na nga."
Di man lang sumagot, dumiretso na agad sa kusina, "Bro, may pagkain ka ba dito?"
"Ay, nahiya naman ako, walang good evening?"
"Good Evening. Oh ano? May pagkain ba?"
"Wala."
"Nasayang lang good evening ko."
"Tae ka, magluto ka diyan kung gusto mong kumain."
"Bro, alam mo namang may depekto ang parte ng utak ko na may kinalaman sa pagluluto. Ewan ba, pakiramdam ko nagkakaroon ng sariling buhay ang mga isinasalang ko sa apoy."
"Pwede kang makata, Dylan."
"Simple tagalog pa lang yun! Hahaha."
"Ako na nga!"
Lumapit ako dun sa kusina, "Umupo ka na lang at magluluto ako ng specialty ko."
Abot langit naman ang ngiti ng tukmol. Sayang-saya siyang bumalik sa sala at naghintay ng aking "Specialty".
Makalipas ang sampung minuto.
"Dylan! Ihanda ang lamesa!"
"OK!"
Halos takbuhin niya ang mesa at naglagay ng pagkakainan namin. "Eto na ang aking special..............noodles!"
"Tae naman oh!"
"Hahaha! Magpasalamat ka, nag-effort ako niyan!"
"Akin na nga!"
Wala din siyang nagawa kundi i-enjoy na lang ang inihain kong noodles. Wag siyang maarte, kahit naman noodles lang ito ay imported 'to from Japan. Yung Nissin at Yakisoba? Diba? Pangalan pa lang tunog porener na! hahaha.
"Kawawa naman mapapangasawa mo niyan.", sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?"
"Hindi ka marunong magluto."

BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...