#Chapter 32: That's the best I could do.

29 2 0
                                    

(A/N: Hi, Pasensya na po kayo sa madalang na pag-update, busy-busyhan ang peg ng author.)


---------------


-- Jamie --


Mga past 11 na rin akong inihatid ni Marco sa bahay. Ansaya lang. Kalog kasi. Kahit minsan na iniinis niya ako na alam ko namang enjoy na enjoy din naman siya, di ko pa rin mapigilang ngumiti. Ganun siya eh, ganun siya kabilis magtanggal ng inis, ganun siya magpasaya.


Ilang linggo matapos nun,at eto, pinapatawag na naman ako sa school. It only took 3 seconds para masira ang araw ko. What's the use of summer vacation if you're continuously being called back to school. Haaaaay, wala ring magawa, nahiya naman ako, hindi sa mga co-scholars ko, kundi kay daddy. Alam kong magiging excused din naman ako pero dahil my father is a man of values, kailangan kong mag 'reach out' sa iba, magkawang-gawa daw. So ayun, it's either I do this or I get grounded, again.


-----


"This is an advanced VIP Welcome Party for the new scholars. Your job is to give them a warm welcome just like what the others did when you were welcomed. This party shall be held on Saturday. Do your best scholars.", sabi nung Scholarship director sa amin. Nakakabingi man yung sounds eh naintindihan naman namin ang dapat gawin. We're throwing a party!


"So guys ano ba yung idea this year?", taong ko dun sa Org President.

"Philippine Festivals Jamie, ganito lang yan, idi-divide namin yung auditorium sa iba't-ibang festivals....Dinagyang, Manggahan, Pahiyas, Pinagbenga, Lanzones, Sinulog, at iba pa, so by group yung bawat part.", sagot niya..

"Ah, ok, so ano po yung group ko?"

"Sumama ka sa group na in-charge sa Pahiyas. Dun sa F wing."

"Sige, salamat po."


Naglakad na ako papalayo sa kanila. Di na ako magtatanong pa about sa materials dahil as I can see, yung iba, almost nangangalahati na sa kanilang parts, eh 'yung Pahiyas, yung sa amin, di pa masyado nasisimulan. Mg-eeffort pala talaga ako.. hahaha.


-----


"Yan dun, tsaka pakikabit nito dyan", sabi ko sa mga teammates ko. Kaya hindi kami natatapos eh, kasi naghihintay na may mag-utos. Haaaay, hectic, makakalbo ako nito pag palagi nalang silang aasa sa utos.

"Ah...Jamie, eto pong mga ito?", sabi nung kagrupo kong babae.

"Yan? Ano ba yan?", tanong ko.

"Mga banderitas po."

"Bande ano?"

"Banderitas po, yun pong ikinakabit sa may poste o puno nang pahorizontal pag may pista."

"Wow, alam naman pala nagtanong pa! haha.. Please pakikabit na lang. Pwede ba?"

"Eh, kasi, Jamie, ah,...nakapalda ako."


Tiningnan ko ang suot. Aba, nakapastel na skirt ang bruha! Hahaha.

"Pakibigay nga dun kay Melissa, kay Erich o kay Maja, pakikabit sa kanila at tatapusin ko pa itong pinipinturahan ko."

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon