--- Marco ---
"Chronic Lymphocytic Leukemia.", umugong sa ulo ko ang salitang leukemia, yun lang naman ang naintindihan ko sa sinabi ng doktor eh.
"Sandali doc, pwedeng paki-spell?"
"This is no joke Mr. San Juan."
"Hindi rin po ako nagjo-joke. Leukemia lang talaga ang naintindihan ko dun sa sinabi ninyo."
The doctor looked at me for a moment, tapos bumalik na dun sa pagtingin ng records niya at nagsalita, "How do you want to hear it?"
"May choice pa po ba ako doc?"
"Do you want to hear it in a good or bad way?"
"Hmmmmm. Mag-iiba po ba yung result?"
"Hindi.", sabi niya.
"Then, I want to here it in your most honest way of saying it."
He looked at me again. This time, parang nanghihinayang siya.
"Doc naman, sa tingin niyong 'yan parang alam ko na kung saan tayo papunta.", sabi ko.
"Ok, when it comes to this, I'll just say it."
"Ok po."
"Chronic Lymphocytic Leukemia is one of the specific types of leukemia that affects adults mostly. There are many adult but abnormal leukocytes ---"
"Doc, nosebleed, pwede po bang honest pero sa language na naiintindihan ko din?"
"I'm sorry Mr. San Juan, but please, let us take this matter seriously."
"Sige po. Please continue."
"This is usually hereditary, meaning, namana mo ito from either one of your parents."
"Doc, sorry pero adopted po ako. Wala akong alam sa biological parents ko."
"Anyways, maraming white blood cells sa dugo mo. Dahil sa sobrang bilis na pag produce sa kanila, usually ay nagiging abnormal sila at nakakaapekto sa immune system."
"Kaya pala medyo abnormal din ako. hahaha."
"Again, Mr. San Juan. After this talk, I don't know how much I may be of help. Please listen well to what I have to say."
"May tanong lang po ako.", sabi ko sa kanya.
Tinitigan ako nung doktor. Pakiramdam ko naiinis na 'to sa akin. "Ok, go on.", sabi niya.
"Gaano pa po katagal bago ako mamatay?", sabi ko, and this time, I'm serious.
"I can't say that."
"Sa experience niyo po."
"With my patients?"
"Ay, hindi po doc, kayo po mismo. May leukemia kayo?"
"Mr. San Juan!"
"Sorry po.", at nanahimik na ako. Valid naman ang question ko ah?!
"Theoretically, there is a 75% chance that you will last for at most 5 years."
"So may five years pa pala ako. Matagal-tagal din yun."
"Mr. San Juan."
"So kung magpapagamot pa ako doc hahaba pa naman yun. OK na, magpapagamot ako."
"I admire you being cheerful on this matter but Mr. San Juan, Chronic Lymphocytic Leukemia is an incurable disease."
Tinignan ko muna yung doktor, nagseseryoso ba 'to?
"Mr. San Juan, CLL is an incurable disease with our present equipment. Wala pang known cure para sa sakit na 'to. May radiotherapy tayo at iba pang medication but in theory, there is doubt na gagaling ka. All we could do is prolong your life, at most 5 years, I'm sorry Mr. San Juan."
Sa sandaling yun, parang tumigil ata ang pag-ikot ng mundo ko. Nabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tinitingnan ko na lang yung doktor na panay ang salita pero wala din naman akong naririnig. Ah, OK, so ganito pala yun. Mamatay din naman pala ako.
"Doc, mauna na po ako.", sabi ko.
"Mr. San Juan! Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?"
"I heard enough."
"Mr. San Juan, there is a fair chance na mapahaba pa ang buhay ninyo. We just need to observe the cancer cells for a few days para madetermine ang pinakaeffective na treatment."
"But in the end of it, mamatay pa rin po ako hindi ba?"
"But we can make you stay a little longer."
"Sa tingin ko po, mas mabuti na ang ganitong alam ko na. I will make no efforts of prolonging my agony."
"Mr. San Juan, please, let us help you."
"Salamat po, pero OK lang."
"Ok then, take this. Pain reliever yan and I recommend bed rest. Wag magpapagod."
"Sige 'ho.", sabi ko tsaka pumunta na sa pinto para lumabas.
Bago pa ako umalis, lumingon muna ako sa kanya, "Doc, punta po kayo sa premiere night ng movie ko ha, first time ko 'to eh kaya sana marami ang manood."
"Ok, Mr. San Juan, I wish you well."
--------------------
Ngayon ko lang na realize na mali ata ang desisyon ko 'nun nang di ko tinanggap ang pagpapagamot na pinagpupumilit ng doktor ko. Nagkausap kami ilang beses pa haban nagte-taping kami ng movie naming 'Crazy, Beautiful Me' tungkol sa mga nararamdaman ko. Ilang beses din akong bumalik para sa iba pang test bago niya ako pinatawag nun, ilang linggo bago ang premiere night ng movie namin.
That time nagmatigas pa ako, bakit? Natural naman ang reaksyon ko ah. Feeling ko ok pa naman ako kaya di ko kailangang magpagamot. Naalala ko din yung araw na 'yun na nasa ospital ding yun si Jamie pero di ko siya pinuntahan kasi ayokong sabihin na mamatay na ako. Ako lang sana makakaalam at the moment pero naging madalas na ang pananamlay ko, tsaka napupuyat ako lagi dahil hindi ako makatulog kakaisip. Di ko alam na matagal na palang nagsimula ang countdown ko na five years at masyado nang malala ang sakit ko para ipagamot pa.
Sayang 'no? Pero at least naging ok naman ang aking 19 years of existence. Yun nga lang, madami akong maiiwan at gusto pa sanang gawin. Haaay, Ok lang, iiwan ko na lang lahat sa bestfriend kong si Dylan.
Ewan nasaan ba 'yun, umalis kasi siya kaninang umaga bago pa ako pumunta ngayon dito. Ay, sorry, kung di pa po obvious, pumunta ako ng ospital. Mabuti nga't wala nang reporters sa labas ng condo. Ewan sa mga 'yun, basta, nakarating ako dito ng maayos at sa tingin ko, eto na yung huling lugar na pupuntahan ko.
Ang lungkot ko ata ngayon, gusto kong umiyak, hindi dahil sa sakit ng mga karayom na nakatusok sa 'kin kundi dahil sa dahilang mas pinili kong ilihim lahat 'to kaya tuloy wala akong kasama ngayon.
Wala akong mapagsabihan.
Wala akong mapagkwentuhan.
Mamatay akong malungkot at mag-isa.
------------------------------
BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...