#Chapter 37: FOUR

13 1 0
                                    

(A/N: Wala po itong kinalaman sa One Direction.)

------------------------------

--- Jamie ---


"Dylan."

"Oh?", sagot niya,

"Anong Magic?"

"Magic......yung impossibility."

"Magic?"

"Oo, Magic."


Hindi ko mainitindihan kung anong gustong sabihin sa 'kin ni Dylan. Pero Di na niya dinagdagan pa ang sinabi niya. Tumahimik na lang at nakangiting tumitig sa 'kin, which by the way is already creeping me out.

"Ok na?", tanong niya.

"Anong OK na?"

"Naalala mo na ba ako?"

"Nakalimutan ba kita?", yun yung sagot ko. That was a stupid question to ask, paano ko siya makakalimutan eh kanina pa kami magkasama, drugs ba kuya?


Tumahimik na naman siya at ngumiti lang.

"You're starting to freak me out Dylan, di ka na nakakatuwa.", sabi ko.


Pero wala, wala akong reaksyon na nakuha mula sa kanya.

"Dylan, ihahampas ko sa'yo 'tong baso ko. Umimik ka nga!"


Napatawa siya sandali at tumitig na naman sa akin.


"Hindi ako magdadalawang isip na ihampas sa'yo 'to, ISA!"

"Bayolente ka.", yun lang ang sabi niya at bumalik na ulit sa pagtitig sa akin.


"Dalawa!"

"Sige Jamie, aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako.", tumayo siya at umalis na.



Wow, dramatic exit lang ang peg? Kung kanina'y parang tuta siyang namumula sa hiya, ngayon naman para siyang........ewan, walang bagay na pwedeng i-describe sa kawirduhan niya ngayon.


"Dylan! Sandali!", tinawag ko siya ng tinawag ngunit di siya lumingon hanggang sa makalabas siya ng kainan.

Tumayo na ako tsaka lumabas na din para habulin siya. Lecheng lalaki yun.


Pagkalabas ko ay natuluyan na ang pagka imbiyerna ko...andaming tao! Of all the days ngayon pa nagka-caravan si Buko Martin! Andameng tao dito sa mall at halos mag-apakan na kakadumog. Parang artista lang eh! First-time makakita ng tao? Kainis.


Linibot ko ang paningin ko para hanapin si Dylan pero nahirapan ako. Ba't ba kasi umalis agad! Nag-uusap pa eh!



"Ayun!", napasigaw ako ng makita ko siya na siya namang paglingon ng lahat.

"Nasaan si BUKO?!", sigaw nung isang beki.

"Ay sorry po, hindi po si Buko...", sagot ko at umalis na para habulin siya.



"Ay imbiyerna aketch."

"Dramatic scene ang bruha?"

"Skemerlooo?" (Ewan? ahahahah)

"Maka eksena, Chaka naman ang fess."

(A/N: Pagpasensyahan niyo po, wala akong training sa language na ito, hahahaha)



Dinig kong sabi ng mga mahaderang beki. Pasalamat kayo wala akong oras makipag churvahan chuk-chak chenes sa inyo. Tumakbo ako ng mabilis, "Dylan!", sabi ko sabay hingal, "Dylan, sandali! May sasabihin ako!"

Hindi pa rin siya lumingon. "Dylan!"

Nang medyo malapit na ako ay tumigil siya, siguro naman ay naramdaman na niya na kanina pa ako habol ng habol sa kanya, "Teka Dylan, may sasabihin ako."


"Oh, Jamie?"

"Dylan."

"Ano yun?"

"May sasabihin ako."

"Ano nga?"

"Ha?"

"Yung sasabihin mo?"



Natigilan ako. Ano nga ba yung sasabihin ko at hingal na hingal ako para lang maabutan siya?

"Ano yun Jamie?"

"Dylan...may sasabihin ako."


















At nagising ako hawak ang Dreamcatcher na ngayon ay sira-sira na.

Dylan, sorry pero may dapat kang malaman.

------------------------------

(A/N: Effect! hahahaha)

------------------------------

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon