--- Jamie ---
Nandito ako ngayon sa may SM Mall of Arena. Pinapunta ba naman ako ni Dylan, buti na lang hindi ako busy today. Medyo nabigla nga ako at niyaya niya akog gumala eh busy pa naman siya ngayon, andami na atang reporters na nagbabantay sa galaw nila. Di nga rin ako makapaniwala sa nangyaring announcement ni Ms. Mia dun sa premiere night. Televised pa naman yun ng live, pagkatapos nun naputol naman agad ang broadcast. Tinext ko na din si Marco para kumustahin siya pagkaputol nung broadcast pero wala akong natanggap na reply. Tinawagan ko din pero ayaw magconnect. Sinubukan ko din namang tawagan at tanungin si Dylan pero ganun din. I grew frustrated at yun nga, nabigla ako nung matanggap ko itong text ni Dylan na gagala daw kami after a day. Kung bubuksan mo din yung TV, ganun din yung balita, halos minu-minuto, halos lahat ng channel ganun yung ballita, I mean seriously, wala na ba talaga silang ibang maibalita kundi yung pagiging mag-ama ni Sir Albert at ni Marco? Eh di pa nga naconfirm yun ah! Mga excited, at so far wala pang matinong interview na nanggagaling mula ni isa sa kanila, silent lahat at yung buong media naman nag-iingay dahil dun. Haaay, bakit kasi di pa umamin kahit isa lang dun sa kanila para matapos na diba? Haaaay, kaya di ako nagsho-showbiz eh, kakastress, maganda pa naman ako! hahaha.
"Andito ka na agad?"
Lumingon ako at isinara ko yung news article na binabasa ko sa cellphone ko. Di ko na binabasa yung article mismo, pare-parehas naman yung laman, dumideretso ako dun sa may discussions board para basahin yung mga comments like:
"Really? OMG, like, Oh my gosh!"
"Echos yan! Showbis talaga!"
"Promotion lang yan!"
"Ibasura ang pork barrel!"
"Bagong movie, teh?"
"Di rin naman sila hawig!"
"Yang Miaka na yan!"
"Basta Bading pa rin yung Chicser!"
"Mia-Lan Army pa din kami!"
"MiMar!"
"Pangit ang -ship niyo! hahaha"
"Pangit ka!"
"Mi-ko, Nic-co, Mi-Mar, Mia-co, Mar-iaka! Hahaha, ang papangit!"
"Pangit ka pa din po!"
"Ok! Yes! Finally! 7.50 na lang ang Ariel!"
Hahaha, sa mga ganitong panahon, ito ang source ng aking happiness! Pero kung iisipin, kung noon to ngangyari, siguro gasgas na din yung screen ng cellphone ko kakatype at pagbabash dun sa bagong love team, 'di ba nga corps commander ako nung Mia-Lan Army? Kaya nga magkamatayan na, ipagtatanggol ko talaga yun, Pero yun nga, noon yun. Madami nang nangyari na nakapagbago ng pananaw ko sa buhay.....haha, pananaw sa buhay, autobiography lang?
"Jamie!"
This time, sumagot na ako, "Oh, Dylan?"
"Were you ignoring me?"
"Ah? sorry, di kita napansin kaagad."
"Ganun? Parang nagshades lang ako ah."

BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...