#Chapter 41: Miaka's Eyes.

19 0 0
                                    

--- Miaka ---


I can still remember that night when I saw him in the Condo building. He was talking on his phone and I am never mistaken, it was Mr. Albert Pardilla.

I don't know why I hid in the first place. Siguro nahihiya ako dahil tatay siya ni Dylan, the guy I just dumped, but I got the feeling that he was doing something secretive that he didn't want anyone to know, certainly not me.


-----> Chapter 20.

"Everything's arranged."

Napatigil ako bigla sa pag-iisip ko ng marinig ko ang boses na yun.

"Yes, that was cancelled, I'm asking why.", sabi niya sa kausap niya.

Nagtago ako sa isang sulok at nakinig.

Anong ginagawa niya dito?

Sino yung kausap niya?

Anong pinag-uusapan nila?

"Yeah,..what? Are you sure? We had a deal."

Sabi niya na parang nakikipagtalo dun sa kausap niya.

Tapos katahimikan.

"Yes, you will not regret this. Thank you for accepting. Yes, Marco will be there. Bye."

Marco? Anong?

Tumakbo ako papalayo.

Nagtago ako dahil narinig ko yung mga yabag niya, papalapit sa akin.

Nung makita kong nakasakay na siya ng elevator, tumakbo ako dun, papasok sa kwarto ko at nagkulong.

Hindi pwede.

Cancelled?

Wala ng iba pang pwedeng ipakiusap ang taong yun sa kung sino man ang kausap niya kung 'di yung movie deal.

Si Marco? Papalitan si Dylan?

----------

That time nung una kong marinig ang usapang yun nina Sir Albert at kung sino man yung kausap niya sa kabilang linya, hindi talaga ako makapaniwala. But looking at how things are turning out now, I am most thankful.

Nagpapasalamat akong napili ako para sa lead role ng "Crazy, Beautiful Me.". Nagpapasalamat akong nagagawa ko ng maayos ang mga pinagkakatiwal sa aking trabaho. Nagpapasalamat ako na OK na ako ngayon, na may pera na kami ng nanay ko at napatunayan kong 'di namin kailangan ang tatay ko. Nagpapasalamat ako na kahit wala si Dylan at ang Mia-Lan, patuloy pa rin ang pagsikat ko.

Pero yung mga bagay na sinuko ko?

Matapos ang lahat, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao. 'Di niyo maalis sa akin na maguilty dahil sa alam ko naman talaga na mangyayari ang lahat ng ito, pero mas pinili kong manahimik. Wala akong ginawa. Si Dylan ang nagsakripisyo para sa lahat. Sa huli, siya pa rin ang kawawa. At itong awa na nararamdaman ko, hindi lang para sa sarili ko. Naaawa din ako kay Dylan dahil wala siyang alam at hindi niya naihanda ang sarili niya. Ang alam niya lang ay kinuha sa kanya ang dream role niya sa pelikulang ito, ang alam niya lang ay ipinassa sa bestfriend niya ang papel na ito, ang alam niya lang ay nakansela ang sana'y pinakamalaking concert niya para sa promotions ng pelikulang 'yun. Naaawa ako parang lahat ay kinuha na sa kanya ni Marco. Natutuwa ba siya na sa wakas, matapos ang lahat ng paghihirap nilang magkaibign ay narating na ni Marco ang pinapangarap niya, o galit ba siya dahil siya naman ang bumagsak kapalit ng lahat ng 'yon?

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon