Chapter 5

44.4K 913 34
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 5
Unan.



"Punyemas. Gabi ba ah! Tawag ng tawag!"

Nagising ako dahil sa ring ng ring ang telepono ko. Para bang naghihingalo dahil sa hindi matigil kakaring. Hindi ba alam nang taong ito kung anong oras na at nanggagambala pa? Kanina pa ako naiirita eh. Ayoko pa naman nang nagigising kapag masarap na ang tulog ko.

Sinagot ko na, para matigil kung sino mang hudas ito. "HELLO! SINO BA 'TO?!" Sigaw ko. Sinigurado kong matatanggal ang tutule niya!

Walang sumagot mula sa kabilang linya. Tanging paghinga lang ang naririnig ko. Kita mo 'to. Tatawag-tawag tapos hindi naman sumasagot! Ginagago ata ako nito eh. Prank call ba 'to?

Pero mamaya sumagot rin. Si Benneth.

"A-alecz..."

"Ikaw pala. Bakit?"

"Puntahan mo naman ako oh, hindi kasi ako nakatulog." Mahina ang boses niya.

"Hindi ko na problema yan. Sanayin mo na 'yang sarili mo dahil hinding-hindi na ako pupunta pa diyan."

"Alecz naman, maawa ka naman sakin. Umuwi kana." Napabuntong-hininga ako.

"Inaantok pa ako Benneth. Wala akong oras para sa kadramahan mo, kaya tigilan mo 'ko." Binabaan ko siya ng tawag.

Sa totoo lang ay naawa ako ng sabihin niyang hindi siya makatulog. Mukhang pagod na pagod siya sa tono ng pananalita niya pero kasi laging pumapasok sa kokote ko iyong nakita ko kanina.

Itutulog ko na lang muna ito.
Makakatulog din ang kumag na iyon.

Kinaumagahan ay tadtad ng text na puro kay Benneth ang nakasampak sa cellphone ko. Bahala na siya sa buhay niya, hindi ko talaga mataim na makita ang pagmumukha niya lalo na ang unit niya. Sarado pa ang isip ko ngayon, nasaktan ako e.

Oo, nasaktan ang hearty-heart ko. Kahit naman na hindi kami 'no, may usapan kami. Ang usapan ay usapan. At dapat ay tinutupad 'yon. Saka kung ikaw sa lagay ko, siguradong masasaktan ka rin.

Pumasok ako at iniwan ko ang cellphone ko sa bahay. Kaya lang naman nagagamit 'yon dahil kay Benneth. Panay kasi ang tawag 'non at text.

Hindi siya pumasok ngayong araw, siguro naglulumlom pa sila ng babae niya roon! Magsama sila!

Ayoko na ngang isipin 'yon, nakakasira lang ng araw.


LUMIPAS ang tatlong araw na sarili ko lang ang iniintindi ko. Walang Benneth. Hindi ko rin naman siya nakikita sa school, baka nagdrop na. Mas mabuti.

Nakalimutan ko na nga siguro iyong hinayupak na 'yon. Ewan, ayaw ko lang siyang intindihin, sumasakit lang ang kalooban ko. At dahil sabado ngayon, hayahay! Nanunood ako ng TV sa kwarto ko ng biglang magring ang cellphone ko, meron pala ako nito? Nakalimutan ko na.

Si Tita Bon? Ano kayang kailangan nito? "Tita Bonita? Napatawag po kayo?"

"Magandang umaga, Alecz. Iha? Alam mo ba ang problema nitong si Benneth? Umuwi siya rito noong thursday. May dala-dalang unan at parang wala sa sarili. Pagkatapos 'non hindi na siya lumabas ng kwarto niya."

Benneth.

"Hindi ko po alam tita e. Pupuntahan ko na lang po diyan."

"Hindi ba brokenhearted ang isang 'to? Sige, pumunta ka na rito. Alam mo namang sa'yo lang siya sumusunod kaya tinawagan kita. Hihintayin kita iha."

"Sige po. Papunta na po ako."


Nang makarating ako sa bahay nila Benneth ay agad akong sinalubong ni Tita Bonita. Syempre minsan lang naman kami pumunta rito ni Benneth kaya nagkamustahan muna kami. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita.

Maya-maya ay inakyat ko na ang kwarto ni Benneth, 'yon naman talaga ang pinunta ko. Idinikit ko muna sa pinto ang tenga ko sa pinto para malaman kung ano ang ginagawa niya, pero wala akong narinig. Binuksan ko na lang agad ang pinto at hindi na kumatok pa.

Agad kong nakita si Benneth. Nakahiga ito sa kama niya at nakatalikod sa gawi ko. Nilapitan ko siya ng dahan-dahan.

Natutulog siya at mahigpit na yakap ang unan. Unan ko. Ito siguro ang sinabi ni Tita na dala-dala niya nang umuwi. Bakit niya naman dala ang unan ko imbis na ang babae niya? Akala ko nga itapon niya na 'to.

Nasanay na kasi siyang katabi ako kaya hindi siya makatulog kapag wala ako. Minsan kapag kailangan ko talagang umuwi ay unan ko ang niyayakap at inaamoy-amoy niya. Siguro hindi pa rin siya makatulog.

Kawawa naman ang Hudas.

Dahan-dahan kong kinuha ang unan, pero lalong humigpit ang yakap niya doon. Maya-maya sa kakaattemp kong makuha iyong unan ay nalimpungatan siya.

"Alecz!" Bigla na lang niya akong hinila kaya natumba ako sa ibabaw niya. Niyakap niya ako. Yakap na nakakapatay. Hindi ako makahinga!

"Benneth, wag mo 'kong patayin! Utang na loob!" Sigaw ko.

Niluwagan niya lang ang kapit sa akin. Pero hindi niya ako pinakawalan. Maya- maya, hindi ko na siya naramdamang gumalaw. Nasa ibabaw niya pa rin ako, payapa na ang paghinga niya.

"Ben? Ben?! Benneth!"

Putragis! Nakatulog na siya!


***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon