TAMING BENNETH
C H A P T E R - 21
Hospital.Nang magising ako ay parang tinutusok ng malalaking karayom ang tagiliran ko ang agad kong radamdaman. Nang ilibot ko ang mata ko kung nasaan man ako nakahiga ay hindi ako nagkamaling nasa ospital nga ako. Hawak ang tagiliran ay dahan-dahan akong bumangon, nangunot ang nuo ko sa lalaking nakayukyok sa hinihigaan ko.
Boses ni Benneth 'yon. Narinig ko pa ng ang boses ni Benneth bago ako mawalan ng ulirat. Hindi pala siya ang nagdala sa akin. Kung ganon, sino ang lalaking 'to? Nang pumasok iyon sa isip ko ay sabay naman ng pagangat ng ulo ng lalaki. Papikit-pikit pa ito bago ako tinitigan.
"Uhm, Miss? Kamusta ang pakiramdam mo?" Aba? Sino naman kaya 'to? Ang gwapo ha.
Nang sabihin niya iyon ay natauhan ako sa kakatutok sa mukha niya. Ang gwapo! Bluish ang mata, perpekto ang ilong at mata, makisig at moreno. Pero fifteen percent lang ito ni Benneth. Si Benneth. Biglang sumakit ang ulo ko kaya na nahiga ako ulit.
"Teka lang miss. Tatawag ako ng nurse okay? Just stay here." Natataranta siyang lumabas.
Nakatitig lang ako sa lalaking inasikaso ako mula ng magising ako. Siya pala ang nakasagasa sa akin. Humingi siya ng tawad at syempre ay pinatawad ko siya. Mukha naman siyang mabait, dahil kung hindi ay baka tinakbuhan at hinayaan na lang ako nitong nakabulagta doon pagkatapos niyang sagasaan.
Inumang niya sa akin ang binili niyang pagkain at nang hindi ko ibuka ang bibig ko ay tinaasan niya ako ng kilay. "Kanina ko pa napapansin, lagi kang nakatitig sakin." Pagkuwan ay ngumisi siya. "Pogi ko ba?"
Tinaasaan ko rin siya ng kilay. "Ano ba ang lahi mo at ganyan kakapal ang apog mo?"
Tinawanan niya ako. "Ang astig mo ha. Nasagasaan ka na, ganyan ka pa?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ang sumagasa sa akin."
Ibinaba niya ang kutsarang may laman. "I'm sorry okay? Besides, kasalanan mo rin. Hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo."
Nagiwas ako ng tingin ng maalala ko kung bakit ako papaalis doon. "Nagmamadali kasi ako."
"Nagmamadali? Tapos nakayuko? Saan ka ba papunta?"
Malayo kay Benneth. Gusto ko sanang isagot iyon pero syempre wala naman siyang alam doon at hindi niya kailangan pang malaman 'yon.
"Basta! Ang dami mo namang tanong." Sumimangot ako.
Inumang niya ulit ang kutsara. "Kumain ka na nga."
Nakakailang subo pa lang ako ng biglang lumagabog ang pinto ng kwartong kinalalagyan ko. Nang tignan ko iyon ay agad kong nakita si Mama na umiiyak papalapit sa akin at si Papa na may pagaalala sa mukha.
"Ohmygod, my Alecz." Agad niya akong niyakap ng mahigpit. "How are you honey huh?"
Natawa ako nang bahagya ng magsimula na siyang umiyak. "I'm fine, Ma. Still alive and kicking."
Binitawan niya ako at sinamaan ng tingin. "It's not a good joke, Alecz. Nagalala kami sayo."
Si Papa naman ang yumakap sa akin at hinaplos-haplos ang buhok ko. "Kamusta Wonderwoman?"
Natawa ako sa itinawag niya sa akin. "I'm fine, Pa."
Nang bitawan niya ako ay napatingin kami kay Mama na nakatingin kay Brent. Nakalimutan kong nandito pa pala siya.
"Sino ito?" Tanong ni Papa.
"Uhm. Siya yung nakabangga sa akin."
"Ito? Ito?" Nanlalaki ang mga mata ni Mama.
Ngumiti ako ng pilit at tinignan si Brent. "Uhm, Yeah. Siya nga."
Sa tingin ko ay kailangan nila ng mahaba-habang usapan. Lalo na at nakatingin sa kanya ng masama ang mga magulang ko.
Goodluck.
***
AN: Araw-araw na ang update.
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...