TAMING BENNETH
C H A P T E R - 13
Sorry.Pagkarating namin sa building ay hirap na hirap akong bumaba ng sasakyan, siguro ay dahil iyon sa impact kanina sa sasakyan tapos ay nakaseatbelt pa 'ko.
"O-Okay ka lang ba?" Tanong ni Benneth, pero hindi ko siya pinansin.
Nang makapasok na kami ng lobby at sumakay nang elevator ay nasa likuran ko lang siya at hindi umiimik, nararamdaman niya sigurong hindi maganda ang timpla ko at dagdag pa sa ginawa niya. Nang makapasok na kami ng unit niya ay huhubarin ko na sana ang sapatos ko pero pagyuko ko ay naipit ang tiyan ko.
Napangiwi ako sa naramdamang sakit. "Aray!" Bigla akong napatayo ng deretso at napasandig sa pader dahil sa sakit.
"Bakit? Anong problema?" Natatarantang lumapit sa akin si Benneth.
"Wala." Tangi kong sagot.
Ganon pala kabilis ang takbo niya para magkaroon ako ng lakra? Napakabilis nang takbo niya tapos bigla na lang siyang nagpepreno, sa lakas ng impact para akong titilapon pero pinipigilan ako ng seatbelt kaya masakit ang dibdib at tiyan ko, ewan ko nga kung nagkabukol ako eh.
Pumunta ako ng kwarto niya at humarap sa salamin, itinaas ko iyong damit ko sakto lang para makita ang tiyan ko. Nakita kong kaya pala ganoon dahil sa nagkapasa na. Madali lang mahala dahil maputi ang balat ko, siguro pati ang dibdib ko ay may ganito. Habang tinitignan ko ang pasa sa salamin ay biglang bumukas ang pinto, hindi na 'ko lumingon dahil kilala ko naman kung sino yon. Hindi ko siya narinig na nagsalita, hindi ko rin narinig ang yapak niya.
Ibinaba ko na ang damit ko at umikot para makaharap siya. "Magbihis ka na. Magluluto na ako." Lupaypay ang balikat ko dahil sa iniinda kong kirot at pagod.
"Wag na, magpapadeliver na lang ako." Malambot ang dating ng tingin niya sa akin.
"Ikaw ang bahala. Matutulog na ako."
Dumiretso ako nang banyo pero bubuksan ko pa lang sana ay may humigit ng braso ko. Natigilan ako pagkatapos ay nagbaba ng tingin para tignan ang kamay na nakahawak sa braso ko, agad niya iyong ibinaba. Tinignan ko siya.
"Hi-hindi ka ba k-kakain?" Mahina ang boses niya na halos hindi ko na marinig.
"Hindi."
Nagangat siya nang tingin. "Nakita ko." Siguro ang tinutukoy niya ay ang mga natamo kong pasa.
"Ngayon?"
Nagulat ako nang hinay-hinay niya akong niyakap. "Sorry Alecz, hindi ako nagisip. Tapos nasaktan pa kita, sorry na. Baka iwan mo na 'ko." Narinig ko siyang sisinghot-singhot sa balikat ko.
Bumuntong hininga ako. "Ben, hindi naman lahat ng lalakeng kasama ko ay may malisya na. May alam ka pa bang inaasikaso ko? Inuuwian ko, inaalagaan ko katulad mo?"
"S-sorry na." Narinig ko siyang suminok. "Hindi ko na uulitin, wag ka nang magalit."
Hinaplos ko ang buhok niya. Kahit na ba ganito si Benneth, kahit na mukha siyang matapang, umiiyak rin siya. Pero syempre, ako lang ang nakakakita 'non.
"Oo na. Wag kang magalala, malayo sa bituka ang pasa. Hindi pa 'ko mamamatay." Bahagya akong tumawa.
Bigla siyang bumitaw sa pakakayakap sa akin at tinignan ako nang masama. Ano bang nasabi ko? "Hindi nakakatuwa yung huling sinabi mo."
"Joke lang 'yon. KJ naman." Niyakap niya ako ulit.
"Ayoko nang kumain. Gusto ko nang matulog."
"Nagugutom pala ako."
"Sabi mo kanina hindi. Saka kanina pa kita hinihintay rito." Sumimangot ang mukha niya ng itaas niya ang kanyang ulo.
"Anong magagawa mo eh nagugutom na 'ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh inaantok na 'ko eh."
"Edi matulog ka, kakain muna ako."
Bunutaw siya sa yakap. "Kakain na nga lang rin ako. Hindi naman rin ako makakatulog, hindi kita katabi eh." Napakamot siya ng ulo.
"Bahala ka." Natatawa kong sabi.
Habang kumakain kami ay bigla siyang nagtaas ng tingin.
"Saka pala wag ka na talagang lalapit kay Kyle ah." Eto na naman siya, bumabalik ang pagiging hudas.
"Bakit naman? Kaibigan mo naman 'yon ah." Sumimangot ako.
"May gusto siya sa'yo. Kaya hindi na 'ko sumasama sa kanya."
"Pano mo naman nalaman na may gusto sakin si Kyle?" Nangunot ang nuo ko. "Ikaw talaga, kung ano-anong iniisip m---"
Sumubo siya at nagsalita kahit na may laman ang bibig niya. "Sinabi nang gago na 'yon sakin." Aba! Inirapan pa ako ng tukmol!
Pinalo ko ng mahina iyong bibig niya. "Wag kang magmura, kumakain tayo."
"Sorry."
Nako Benneth.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiksi UmumClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...