TAMING BENNETH
C H A P T E R - 27
Date."Wierd ulit."
Napalingi ako sa driver's seat kung saan nakaupo si Bret. Nagtataka ko siyang tinignan.
"Huh? Bakit na naman?"
Saglit niya akong sinulyapan pagkatapos ay ibinalk ang mga mata sa kalsada. "I'm now going with you."
Napakunot ang nuo ko. "Oh. Anong weird doon? Hindi ba normal ang paglabas?"
Natawa siya. "Ang slow mo."
Hinampas ko ang hita niya. "Hindi kasi kita maintindihan."
"Lalabas ako kasama ang taong nabangga ko. At lalabas ka kasama ang taong nakabangga sayo."
Nang maintindihan ko siya ay tumawa ako. Oo nga naman, medyo weird. Pero totoo, niyaya niya akong lumabas matapos ang dalawang linggo. Ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos ng pangyayaring itinulak siya ni Benneth. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad dahil sa hindi ko na rin hawak ang cellphone ko, hindi ko na makita at hindi ko na rin iyon nahahawakan.
"Tangek. Ang astig nga eh."
Napatawa siya at kumanta kami bigla ng marinig namin ang kanta ni Charlie Puth na One Call Away. Hanggang sa makaratibg kami at lumabas ng sasakyan niya ay tawa lang kami ng tawa. Pinagtitinginan kami na para bang mga takas kami sa mental, pero wala kaming pakealam.
Umupo kami sa pandalawahang table at tumawag ng waiter. Kinakausap ni Brent ang waiter, ako naman ay pumupili pa rin. Hindi sinasadyang pagangat ko ng tingin ay may nahagip ang mata ko.
Si Benneth at Ayola.
Para bang tinatarak ng tinidor ang puso ko. Nakadikit lang mga mata ko sa kanila at hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon maialis. Kaya pala hindi na siya nagpupunta pa sa bahay. Kaya pala hindi na siya nagpaparamdam.
Pero ayos lang. Move on nga hindi ba? Napatingin ako kay Brent na bahagyang sumulyap sa akin at ngumiti. Bakit hindi ko subukan? Baka sakaling si Brent nga ang para sa akin. Ipasok na natin si Destiny. Kagagahan man, pero siguro may dahilan naman kung bakit ko nakilala si Brent diba? Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan. At malay niyo kami naman talaga ni Brent ang bida.
Ibinalik ko ang mata sa lamesa nila Benneth. Kasalukuyan silang naguusap, si Benneth ay hindi mapakali at pasulyap sulyap sa cellphone niya na para bang may hinihintay siyang tatawag ko magtetext. Napailing ako. Babaero talaga. Aalisin ko na sana ang mga mata ko sa kanila ng mapansin kong natigilan si Benneth at biglang humarap sa direksyon ko. Agad akong nagiwas ng tingin at kunyaring tinitignan ang menu.
Ngayon naman, ako ang hindi mapakali. Nararamdaman ko ang mainit na tingin ni Benneth. Hindi ko iyon inintindi at nagpatuloy lang. Nagusap kami at tawa ako ng tawa buong oras na nakaupo ako. Palabiro kasi si Brent at hindi corny ang mga banat niya, hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga kalokohan niya.
Sumulyap ako sa baaging pwesto nila Benneth at nakita kong nagtitipa siya sa cellphone niya. Kasama na niya si Ayola pero may katext pa siya? Gago talaga. Tinignan ko ang cellphone ko sa bag ng tumunog iyon, tinignan ko at mayroong nagtext doon. Bago itong telepono at ngayon lang nalaman ni Brent ang number nito. Ibigay sa akin ito ni Papa bago kami umalis kanina.
From: +639062534***
A date huh?
Nangunot ang nuo ko. Sino naman kaya ito? Ang tanging binibigyan ko pa lang ng number na ito ay si Brent. Bahagya akong nagisip at inisio kung sino kaya ito ng may dumating ulit na text. Lalong nangunot ang nuo ko.
From: +639062543***
Baka hindi ako makapagtimpi Alecz.
Para bang nagpagting ang tenga ko at may biglang pumasok sa isip ko. Sumulyap ako kay Benneth at nakita kong nakatingin rin siya sa akin. Nakayukom ang kamay niya sa taas ng mesa at gumagalaw ang panga niya sa gigil. So, ako pala ang hinihintay niya na magtext? Seriously? Habang kasama si Ayola?
"May problema ba?" Napatingin ako kay Brent na nagtatakang nakatingin sa akin.
"Wala. Ano ka ba. Kumain kana." Nginitian ko siya at pagkatapos ay ipinasok ang cellphone sa bag at hindi na pinansin ang tex.
Nakakailang subo pa lang ako ulit ng biglang may lumagabog. Maraming napasinghap at nagulat. Nang tignan ko iyon ay nagmamartsa ng lumabas si Benneth at mabibigat ang hakbang. Naiwan si Ayola na nakaupo pa rin at nakatulala na para bang gulat na gulat sa nakatumba na lamesa at nagkalat na pagkain sa sahig sa harapan niya. Dinaluhan siya ng mga staff at nilinis ang mga basag at inalalayan siya.
Napalunok ako at sinundan lang ng tingin ang likod ni Benneth. Narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita kong nagtext na naman ang number na nagtext kanina.
From: +639062543***
I'm fucking jealous right now. Damn it.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiction généraleClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...