Prologue

87.7K 1.1K 43
                                    

TAMING BENNETH
P R O L O G U E







"Benneth! May balak ka pa bang umuwi? Umuwi ka na ngayon din kung ayaw mong lahat ng gamit mo rito ay itapon ko lahat sa labas! Bilis-bilisan mo lang! Kundi gigilitan kita!" Sabay baba ko ng telepono.



Ang lalaki talagang 'yon! Anong oras na, kung saan saan pa nagpupunta? Siguraduhin niya lang na maganda ang irarason niya dahil baka gilitan ko talaga siya nang wala sa oras. Kung hindi pa ako humabol para tignan ang kalagayan niya hindi ko malalaman kung saang lupalop na naman siya ng daigdig umalis sa disoras ng gabi.




Maya-maya lang ay narinig kong bumukas na ang pinto ng unit. Malamang sa malamang ay siya na iyon. Pero nanatili lang akong nakaupo sa sala hanggang sa nasa harapan ko na siya.



"Bakit ka nandito?"


My eyes narrowed at him. "At bakit ka nagtatanong? Saan ka galing?"




Wala akong pakealam kung nagmumukha akong nanay. Mas masahol pa nga ang gawain ko rito kaysa sa pagiging nanay. I'm all in one here.




"I was just with my friends, Alecz."



"Mga kaibigan mong—tsk." Umiling-iling ako. "Magbihis ka na nga."



Tinignan niya lang ako ng mataim. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya, at nangati pa ng ulo na para bang mayroon siyang malaking problema. Nang makaalis siya sa harapan ko ay naalala kong hindi pala ako magtatagal.




"Ben! Kailangan kong umuwi. Hindi ako dito matutulog!" Pahabol kong sigaw pagkatapos ay dumeretso na sa kusina at inihanda ang kakainin niya.


Nakita ko siyang paparating sa kusina ng walang pangitaas. Dinidisplay na naman niya ang katawan niya.


"Nasaan ang damit mo?" Tinaasan ko sia ng kilay.

"Mainit." Maikling sagot niya pagkatapos ay naupo na siya sa harap ng mesa.

Muli akong napailing sa kanya. "Uuwi na ako, babalik ako bukas. Saka yang mukha mo ha? Kapag may galos yan ay tutuluyan ko ng sira yan. Maging goodboy ka naman." Ginulo ko ang buhok niya, nahinto siya sa pagsubo. "Oh, bakit? May kailangan ka pa? Sabihin mo na hanggat nandito pa ako." Nakatitig lamang siya sa akin. Ito talagang lalakeng 'to hindi ko malaman kung ano ang iniisip.



"Bakit ka pa uuwi? Gabi na ah, dito ka na matulog." Giit niya.


"Hindi pwede, may kailangan akong tapusing project. Bukas na ako matutulog dito. Tandaan mo yung sinabi ko kanina ha! Be a goodboy!"


Napakati siya ng ulo. Sa loob-loob ko ay nangingiti ako. Ang cute niya kasi. Kahit na siraulo itong 'fiance' ko kuno, walang kasa sa akin 'yan. Sa akin lang siya nakikinig dahil ako lang ang nakakaintindi sa kanya. Matagal na kaming ganito, ganito na ang set namin araw-araw.



"Aalis na'ko." Naglakad na'ko papuntang pintuan. Naramdaman ko namang sinundan niya ako.



"Paano ako makakatulog niyan? Wala ka rito." Nakasimangot niya akong tinignan.




"Yakapin mo na lang yung unan ko. Dito ako matutulog bukas. Saka may ulam pa sa ref, initin mo 'yon sa umaga at 'yon ang ulam mo. Magkita tayo sa canteen sa school bukas, tapos sabay tayong uuwi. Okay?"


"Oo na 'nay." Bagot niya akong tinitigan. "Unan na naman." Rinig kong bulong-bulong niya.



Hindi ko napigilan ang mangiti.


"Bye. Walang babae ha! Lagot ka sa akin! Makikita mo!" At deretso na akong lumabas.



"Magingat ka!" Tinanguan ko lang ang sigaw niya.





Hays Banneth.






***

AN: Wala akong ilalagay na cast. Kayo ang magimage kung sinoman si Benneth para sa inyo.

ImpefectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon