TAMING BENNETH
C H A P T E R - 49
A blessing."Kailangan ko nang pumunta ng university ngayon!"
Magtatatlong linggo na ang nakakalipas, pero hindi pa rin ako nakakapunta ng university dahil sa palagi akong pinipigilan ni Benneth. Baka raw mapagod ako. Bakit naman ako mapapagod? Malapit nang lumipas ang isang buwan pero wala pang nangayayari na pagusad sa pagaaral ko dito.
"Mapapagod ka lang. Dito na lang tayo." Pilit niyang hinihila ang braso ko.
"Bakit naman ako mapapagod aber?"
Napahinto ako ng biglang umikot ang aking paningin. Bigla akong nahilo at para bang hinahalukay ang kailaliman ng sikmura ko. Hinawakan ko ang ulo gamit ang dalawang kamay, para hindi tuluyang mabuwag.
"Oh. Bakit?" Kaagad na tumayo si Benneth sa pagkakaupo sa sofa at inalalayan ako. Bakas sa kanyang mukha ang saya.
"Nahihilo ako." Iniupo niya ako at iniwan para kumuha ng tubig.
Excited siyang bumalik at tumabi sa akin. Hinilot hilot niya ang aking braso. "Ano pang nararamdaman mo?"
Nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit ang saya mo?"
"Bawal bang maging masaya?
Isinawalang bahala ko na lang ang kabaliwan ni Benneth, pagkuwan ay napahikab ako. Tumayo ako para pumunta ng kwarto para saglit na umidlip. Hahawakan ko na sana ang siradora ng pinto para buksan iyon ng may malaking kamay ang maunang hawakan iyon. Nang lingunin ko ay si Benneth na may mainit na nakangiti ang sumalubong sa akin.
"Akala ko ba pupunta ka ng university ngayon?"
Tamad ko siyang tinignan. Sumimangot ako at lumabi. "Inaantok ako."
Bahagya niya akong tinawanan. Hinawakan niya ang aking mukha at pagkatapos ay hinalikan niya ang aking noo. "Tara. Matutulog na lang tayo."
Puwesto siya sa aking likod at niyakap ako. Paunti-unti kaming humakbang papunta ng kama at sabay na humiga, bahagya niya akong iniangat at inilagay sa kanyang itaas, inihilig ko ang ulo sa kanyang dibdib.
"I love you Ben..."
Naramdaman kong hinimas niya ang aking ulo at inamoy ang aking buhok. Iniyakap niya ang dalawang braso sa akin. "I love you too baby."
Nagising ako dahil sa biglang gusto ko na lang na kumain ng pagkaing maraming cheese. Hinanap ko si Benneth dahil sa wala na siya ng magising ako. At dahil hindi ako mapakali, lumabas ako ng kwarto. Nang makalabas ako ay agad kong hinawakan ng mahigpit sa pamamagitan ng dalawang daliri ang aking ilong ng makalanghap ako ng mabaho. Ano ba iyon? Nagpunta ako ng kusina at nakita kong nagluluto si Benneth. Kelan pa 'to natutong magluto?
"Hindi ka naman marunong magluto ah."
Humarap siya akin ng hubad baro. Kinuha niya ang towel na nakasabit sa kanyang balikat para punasan ang pawis sa nuo. "Kunyari lang 'yon. Para ikaw lagi ang magluto para sa akin."
Napanganga ako, at dahil doon nabitawan ko ang ilong. Muli kong nalanghap ang mabahong amoy. Hinawakan ko ko kaagad ang aking bibig dahil sa pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng aking kinain at gustong bumulwak niyon sa bunganga ko. Nasusuka ako!
"Hmmmnnn...."
Padaskol na inihagis ni Benneth ang kanyang towel at nagmamadali sana akong lalapitan, pero hindi ko na kinaya kaya't tumakbo ako at hinanap ang banyo. Sumalampak ako sa sahig at niyakap ang bowl pagkatapos ay nagsususuka. Naramdaman kong hinihimas ni Benneth ang aking likod at hinahawakan niya ang aking buhok.
Wala na akong maisuka pero nasusuka pa rin ako kaya nang matigil ako ay parang maging an lakas ko ay naisuka ko na rin. Lupaypay akong sumandig sa tiles na pader ng banyo, pumikit ako ng sandali at pagkatapos ay dumilat. Nangunot ang nuo ko ng makita kong masayang masaya si Benneth.
"B-Bakit ka ba masaya?"
Nginisihan niya ako at pinunasan niya ang aking bibig. Umupo siya sa aking tabi, binuhat niya ako at inilipat sa kanyang kandungan. Nakasandig siya sa pader habang ako naman ay nakasandig sa kanya.
"Wala lang. Masaya lang ako."
"Masaya kang nagkakaganito ako? Kasi baka malapit na akong mamatay? Makakahakot ka na naman ng babae m---"
Nanlalaki ang mata at nakanganga niya akong hinarap sa kanya. "Magkakaanak na nga tayo tapos iniisip mo nambababae pa rin ako?"
Nagpagting ang aking tenga ng marinig ko ang sinabi niya. "Magkakaanak?" Hinampas ko siya ng hinampas. "Walang hiya ka! Nakabuntis ka na naman ano?! Gago ka talaga!"
"A-Ano b--- B-Bakit ka umiiyak?"
"Gago ka talaga.... babaero ka pa rin."
Hinawakan niya ang aking mukha at iniharap sa kanya. "Ikaw yung nabuntis ko."
"Ano?!"
"Itry mo 'to." Inilahad niya ang kamay at iniabot sa akin ang isang pregnancy kit. Hindi na ako nakaalma pa ng itayo niya ako at isinarado ang kurtina ng shower.
At nang makalabas ako...
"P-Positive."
Nagsimula ng umiyak si Benneth.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...