TAMING BENNETH
C H A P T E R - 23
Home.A/N: Benneth at the upper corner.
"Tara na."
Sabay nilang sinabi iyon. Papalit-palit ang mata ko sa kanilang dalawa habang nakaupo sa kama. Kay Brent na nakahanda ang kamay para alalayan akong lumakad, at kay Benneth na hawak hawak ang bag ko laman ang mga gamit. Nakatingin rin sila sa akin at hindi ko alam kung sino ang dapat kong tugunin, kaya mas minabuti kong tumayo ng magisa. Pero hindi ko pa pala kaya. Kaya nataranta silang dalawa at nilapitan ako para tulungan pero nauna si Brent at agad ko siyang kinapitan.
"Ayos ka lang?" Tumango ako bilang sagot ng makatayo na ako ng maayos. Agad akong nagangat ng tingin at lumanding ang mata ko kay Benneth.
Hindi siya nakatingin sa akin. Mahigpit ang kapit niya sa hawakan ng aking bag at matigas ang ganyang panga. Nangunot ang nuo ko kung saan siya nakatingin, sinundan ko iyon at nalaman kong nakatingin siya sa bewang ko kung saan nakapakibot ang braso ni Brent at sa kamay nitong kinakapitan ko. Nang magangat siya ng tingin ay tinitigan niya ako, nagiwas siya ng tingin at bahagyang yumuko ay pagkatapos ay lumabas na.
"Ahm, tara na?" Tanong ko kay Brent na nakatingin rin sa pintong nilabasan ni Benneth. Ngisi lang ang isinagot niya sa akin at pagkatapos ay naglakad kami habang inaalalayan niya ako palabas.
Nang makalabas kami at mabayaran ang bill ko ay nakita ko si Benneth na nakasandal sa kanyang sasakyan at naninigarilyo. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko at naglakad papunta sa kanya kasama si Brent na nakaalalay pa rin. Dahil nakayukyok siya, ang una niyang napansin ay ang paahan ko. Nang magangat siya ng tingin ay agad kong hinablot ang sigarilyo sa kamay niya.
"Anong sinabi ko tungkol dito?" Tanong ko sa kanya. Nakatingala ako at diretsong nakatingin sa kanyang mata. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa tibok ng puso ko. Biglang naging abnormal ang tibok nito at parang tumakbo ako ng ilang kilometro kung tumibok.
Bahagyang lumunok si Benneth. "Na tumigil na ako." Pumungay ang kanyang mata habang nakatingin sa akin, frustration at pagod ang nakikita ko sa kanyang mukha.
Ihinagis ko sa kung saan ang sigarilyo niya, kasabay ng pagring ng cellphone. Agad na dinukot ni Ben ang kanya sa kanyang bulsa at pagkatapos ay tinignan lang iyon, at pagkatapos ay tinignan ako. Para bang nagdadalawang isip siya sa kung ano ang gagawin.
Sa huli ay sinagot niya iyon. "Ayola?"
Napayuko ako at humigpit ang kapit ko kay Brent. Hindi pa nga ako magaling, kakalabas ko pa lang ng ospital at hindi pa kami nakakaalis pero eto na naman, nasasaktan na naman ako. Ano pa bang dapat kong iexpect? Syempre uunahin niya si Ayola. At ako?
Wala lang ako sa kanya.
Humakbang ako papalayo kay Benneth, agad naman akong inalalayan ni Brent papunta sa sasakyan niya. Habang nasa byahe ay lumilipad ang isip ko. Mayamaya ay tinanong ako ni Brent habang nagmamaneho.
"Hindi ka ba naoo-awkward?"
Napatingin naman ako sa kanya. "Huh? Bakit naman dapat kong maramdaman yon?"
Bahagya siya sumulyap sa akin at tumawa. "Nakasakay ka mismo sa sasakyang nakasagasa sayo."
Napatawa ako sa sinabi niya. "Okay lang. Nakasama ko na kaya ng ilang araw ang lalaking nagmamaneho ng sasakyang nakasagasa sa akin."
Nagtawanan kami na para bang isang biro lang na nasagasaan niya ako. Katangahan ko naman talaga kung bakit ako nagkaganito. Umuwi kami at pagkatapos ay kumain kasama sina Mama at Papa na sinalubong kami pagdating. Okay na sila simula ng magusap sila ng malaman nilang si Brent ang nakasagasa sa akin, sinabi ko ring kasalanan ko naman talaga. Pagkatapos ay nagpaalam na rin si Brent. Nang pumasok ako sa aking kwarto pars magpahinga na ay nangunot ang nuo ko nang sumalubong sa akin ang pabango ni Benneth. Pumasok ako at dumiretso sa harap ng bintana.
Tinignan ko ang butil ng tubig ulan na dumadausdos sa babasaging bintana ko. Naalala ko, kapag umuulan gusto ni Benneth ng cookies at ulam na may repolyo. Hindi ko alam kung bakit, basta yun ang hinahanap niya sa akin kapag umuulan. Pero ngayon at umuulan, wala ng magtatanong pa 'non. Wala ng hihingi pa 'non at wala na akong bibigyan pa 'non.
Kapag nasanay ka nga naman.
Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa kakaisip sa kanya. Kaya naman nahiga na lang ako. Pero hanggang sa pagtulog ko, siya pa rin ang nandoon.
"Alecz..."
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiksi UmumClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...