Chapter 38

30.2K 493 19
                                    




TAMING BENNETH
C H A P T E R - 38
The talk.









Ilang beses ko nang narinig na bumukas ang pinto ng entrance ng café kung saan naghihintay ako, pero hindi pa rin dumadating ang hinihintay kong dumating. Lumalakas lalo ang ulan, napupuno ng patak nito ang tuyong kalsada. Nakakatawang isipin, sumasabay ang panahon sa lumbay ng aking nararamdaman.









Ilang minuto pa ang aking hinintay nang maramdaman kong may naupo sa aking harapang silya. Hindi ko ito agad na nilingon, alam kong dumating na nga ang hinihintay ko.







"Alecz..."






Nang tawagin niya ang pangalan ko ay saka lamang ako tumingin sa kanya. Ngayon ko na lamang ulit siya nakita pagkatapos ng huli. Malaki ang ipinagbago niya, bahagya siyang pumayat at parang napapabayaan na ang sarili.








Ngitian ko siya. "Ayola."






Yumuko siya dahil sa hindi siya makatingin ng diretso sa akin. "Salamat at dumating ka."






"Wala 'yon." Hinugot ko ang malali kong hininga. "Bakit mo nga ba ako kailangang makausap?"







Nang magangat siya ng tingin ay nagiba ang aura niya. Kung kanina ay hindi siya makatingin sa akin ng diretso, pero ngayon ay naging matapang ang mukha niya. "Tungkol ito kay Benneth."








Natigilan ako ng banggitin niya ang pangalan ni Benneth, pero hindi ko iyon ipinahalata. "Ano ang meron tungkol sa kanya?"






"Alam kong engage kayo ni Benneth---"




"Hindi kami engage." Itinaas ko ang aking kamay.



Inilagay niya ang mga braso sa mesa at ipinatong doon. "Maaaring walang singsing. Pero alam ko ang kung anong mayroon kayo."






"Walang---" Pinutol niya ang sasabihin ko.




"Nang magpunta ako sa unit niya. Nandoon ang ilan sa mga gamit mo." Hindi ako nagsalita dahil sa alam kong totoo. "Sa mismong kwarto niya, mga larawan niyong dalawa." Lumagpas ang tingin niya sa akin, nakatulala siya habang nagsasalita.







"Nagsimula iyon, buwan, pagkatapos mong umalis." Napayuko ako ng magsalita. Naalala ko nang una kong makita si Benneth.





"Ayaw ko siyang iwan 'non. Nagkaproblema ang pamilya ko at tanging solusyon lang na naisip ng pamilya ko ay lumipat sa ibang bansa. Paano ako pupunta ng ibang bansa kung maiiwan ko si Benneth? Hindi ko alam ang gagawin ko 'non. Nakikita ko ang paghihirap ng pamilya ko dahil sa paglubog ng mga ari-arian namin. Hindi ko alam kung sino ba ang pipiliin ko. Si Benneth ba? O ang sarili kong pamilya? Pero pinili ko ang pamilya ko, sumama ako sa ibang bansa." Tinignan niya ako sa mata, at nakikita kong katulad ko ay nahihirapan rin si Ayola. "Ipinangako ko sa sarili kong babalikan ko si Benneth. Babalik ako para sa kanya. Pero isang buwan pa lang pagkatapos naming dumating, naramdaman ko ang sintomas ng pagbubuntis... bumalik kami ng anak ko para kay Benneth. Bumalik kami dahil kailangan namin siya." Tumulo ang luha niya. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang mga kamay ko, nagmamakaawa, nakikiusap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Kailangan namin ng anak ko si Benneth, Alecz..."










Nakatitig lang rin ako kay Ayola. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon sa sinasabi niya, dahil ako mismo, ay nahihirapan din. Alam kong sa pakiusap niya pa lamang, alam kong gusto niyang lumayo ako kay Benneth.





Pinilit ko ang ngumiti. "Walang ano ang mayroon kami. Walang kami." Tinitigan ko siya, higit sa akin, sa amin, si Ayola ang nahihirapan. "Wag kang magalala. Isa pa, aalis na rin naman na ako."







Lumamlam ang mata niya. Inabot niya ako at niyakap kahit na nakapagitan sa amin ang lamesa. "Salamat Alecz. Salamat."






Tinapik ko lamang ang likod niya, nang magbitiw siya ay ngumiti ako at nagpaalam na.













Salamat? Para saan? Sa paglayo? Sa pagsasakripisyo? Sa paglayo kay Benneth? At muli. Muli akong umiyak habang naglalakad at hindi alam ang pupuntahan.





Bago niya pa man ako makilala ay mayroon ng sila, may involve pang bata. At alam ko. Alam na alam kong labas ako sa litrato nila.







I guess, kailangan ko na ngang umalis.






***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon