Chapter 45

35.9K 552 17
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 45
Clear.







Nakaupo si Benneth sa pwesto malapit sa bintana habang nakakandong ako sa kanya. Nakasandig ang aking ulo sa kanyang dibdib habang ang isa niyang kamay ay nasa likuran ko, at ang isa naman ay nakaalalay sa mga binti ko.




Pwede bang dito na lang Ako? Si Benneth? Kaming dalawa? Wala akong madinig kundi ang tibok lang ng puso niya, sumasabay iyon sa ritmo ng pagtibok ng puso ko. Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang dibdib at hinaplos haplos iyon.

Hinalikan niya ang aking nuo at hinawakan ang aking kamay na nasa kanyang dibdib. Niyuko niya ako at nginitian. "Isang oras na lang."

Tumango ako at sinuklian ang kanyang ngiti. Pinakatitigan ko siya habang nakatingin siya sa harapan. Hindi ko alam kung bakit naiinlove ang isang tao, katulad ng iba, hindi rin ako naniniwala sa ganoon. Ang dipenisyon ko sa Pagibig ay ilusyon, ilusyon na nasa utak lang ng tao. Si Ben, nang tanungin ko siya dati kung naniniwala pa ba siya doon dahil sa masyado siya babaero at kaliwa't kanan ang babae niya noon, hindi raw siya naniniwala. Kalibugan lang daw iyon. Gago talaga. Pero tignan niyo naman kami ngayon. Hindi ko alam na sa Pagibig din lang pala kami babagsak.

Napansin niya sigurong may nakatitig sa kanya kaya't niyuko niya ako. "Oh, bakit?"

Bahagya akong bumangon at iniyakap ko ang isa kong braso sa kanyang leeg. Niyakap ko siya at hinamas naman ng kabila kong kamay ang kanyang buhok. Inalalayan niya ako, at niyakap rin. "Kamusta ka naman?"

Humigpit ang yakap niya na para bang nanggigigil, inamoy-amoy niya ang aking buhok. "Muntikan ng mabaliw."

Bahagya akong tumawa. "Bakit naman?"

"Ang sabi mo... hindi mo ako iiwan. Alam mo bang pinahirapan ako ni Tito? Iniligaw niya ako sa kung saan saan. Pero dahil gusto kitang mahanap, pinanuntahan ko ang lahat ng mga sinabi niyang lugar."

Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya't napabitaw ako sa kanya. "Ginawa ni Papa 'yon?"

"Oo kaya. Kahit na alam kong boto sa akin si Tito, alam kong ayaw niyang masaktan kita." Inilagay niya ang hibla ng buhok na natumakas sa aking pagkakatali. "Pero hindi ko naman gagawin 'yon."

"Wala ka ngang ginagawa. Pero nasasaktan ako."

Lumamlam ang kanyang mata. "Alam kong nasasaktan ka, at hindi ko gusto 'yon. Gusto kitang makasama kahit na may anak ako---"

Nang banggitin niya ang anak ay, parang napaso ako. Dumistansya ako at akma ng baba sa kanyang kandungan.

"Kamusta nga pala ang anak mo?"

Pinigil niya ako sa pagalis. "Hindi ko siya anak."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya't kinurot ko ang tagiliran niya. "Anong hindi mo anak 'yon? Eh kamukha mo nga eh! Walang hiya ka pa rin talaga!"

Napanganga siya. "Masakit 'yon ha!"

"Wala ka pa ring pinagbago. Gago ka pa rin!" Binatukan ko siya ng binatukan. "Anong hindi mo anak yon?!" Batok. "Anak mo 'yon! Itinatanggi mo?!"

"Ano ba?!" Hinawakan niya ang dalawa kong palapulsuhan para pigilan ako. "Hindi ko nga anak."

Tumalim ang mata ko habang nakatingin sa kanya. "Gago."

"Hindi nagmatch ang dugo namin."

Napatigil ako. Nanlaki ang mga mata ko. Paanong hindi nagmatch? "P-Paanong hindi---"

Binitawan niya ako. Lupaypay ang balikat na isinandig niya ang likod sa kinauupuan. "PinaDNA ko rin ang bata." Umiling si Benneth. "Hindi rin nagmatch."

"H-Hindi mo anak si Zen?" Tumango si Benneth. "Kung ganon, sino ang ama ng bata?"



Tumingin siya sa bintana. "Kinailangan ng bata ng dugo, of course, I know that i'm the father, i'm more than willing to give my blood for my son. But when they examine my blood, it's type O." Tinignan niya ako. "And Zen's blood type is AB."


"Ibig sabihin... Niloko ka ni Ayola?"

Tumango si Benneth. "Nasaktan ako. Hindi dahil sa nagsinungaling si Ayola sa akin, kundi dahil sa bata. Mahirap ang sitwasyon niya pero masyadong mataas ang pride ni Ayola at ayaw niyang ipaalam sa ama ng bata ang totoo, at dahil daw... Mahal niya pa rin ako. Nagkausap kami ng komprontahin ko siya. She's sorry and she's begging."

Nangunot ang aking nuo. "Begging for what?"

"Na ako raw muna ang tumayong ama ng bata." Hinaplos niya ang aking mukha. "Pumayag ako. Pumayag ako dahil napamahal na sa akin ang bata, pero hindi ako nangakong mapapangatawanan ko." Yumuko siya at ibinagsak ang kamay. "I was worried that time. Pagkatapos mong umalis sa unit ng walang kahit ano mang sinasabi, hindi na kita macontact. I can't reach you, so, I called tito. Tinanong ko kung nasa inyo ka ba pero ang sabi niya ay wala ka. Then I panicked."


"Nasa bahay lang ako." Malambing kong hinaplos ang buhok niya.

Benneth chuckled. "Ang galing ni Tito magdrama. Kung saan saan ka niya pinahanap, yun pala nasa sa inyo ka lang."


"Paano mo nalamang paalis ako ngayon?"

"Siya rin ang nagsabi sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh, hindi kita mahanap. At iba na ang iniisip ko."

"Ano naman yun?"

"Iniwan mo na ako."

Niyakap ko ang dalawang braso sa kanyang leeg habang nakakandong pa rin sa kanya. Isiniksik niya ang mukha sa aking leeg ng maigi. "Sana..."

"Tito told me kung bakit ka aalis. Kung para naman pala sa pagaaral mo, I'm willing to be with you there. Kahit na saan pa, wag ka lang malayo sa akin." Idinampi niya ang labi sa aking balat. "Hindi mo kailangang magsakripisyo. Just be with me, you'll be my strength. You're most important than anyone, Alecz."


Tumango ako. "I love you."



"I love you too, Alecz. Too much."




***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon