S p e c i a l c h a p t e r 2
Mahimbing na mahimbing na ang pagkakatulog ni Benneth ng mapadako ang braso niya sa kabilang pwesto ng kama, akma niya sanang yayakapin ang naroon dahil alam niyang doon nahiga ang asawa ng wala siyang makapa.
"Sweetheart?"
Iminulat niya ang mata pero nang makita niyang walang nakahiga sa tabi niya ay parang nawala ang antok niya. Agad siyang tumayo at inilibot ang paningin sa paligid ng kwarto, pero hindi niya nakita si Alecz. Tumayo siya sa kinahihigaan at bumaba ng bahay, baka naghahanap lang ng pagkain ang kanyang asawa at hinahalungkat lang ang ref nila. Pero nang magpunta siya doon ay wala pa rin, at walang kahit na sinong tao bukod sa kanya sa loob ng bahay nila.
Nasan ang asawa niya?
Kaagad niyang chineck ang kanilang pinto, at dumagungdong ang dibdib niya ng makitang nakaawang iyon ng kaunti. Lumabas siya at nakitang wala rin doon ang kanilang kotse. Umalis si Alecz? Saan naman pupunta iyon? Umupo siya sa sala at kinalikot ang telepono, hindi siya mapakali. Nawawala ang asawa niya, anong oras na at buntis pa! Sinong tao ang kakalma?
Matapos ang ilang tawag niya may sumagot sa kabilang linya sa numero ni Alecz. "Sweetheart?"
"Hmmm?"
Nabawasan ang kabog ng kanyang dibdiv sa pagaalala, akala niya kung nasaan na ito. Masyado siyang nagaalala para asawa. "Nasaan ka ba? Alam mo bang disoras na ng gabi?"
Nakakatawang siya na ngayon ang nagagalit sa sitwasyon nila, samantalang noon, gawain niya ito at si Alecz ang nangungunsumi sa kanya.
"Hmmmm?"
Nangunot ang nuo niya ng hindi niya maintindihan ang sinasabi bi Alecz, parang may minumual ito sa bibig at puro ganoon na lang ang sagot nito. "Pwede bang umuwi ka na? Ngayon na, Alecz."
"Hmmmm!"
Nagpalakad lakad siya habang hinihilot ang sintido. "Ano? Umuwi ka na utang na loob lang. Nagaalala ako."
"Bahammm ka diyam!"
Pagkatapos 'non ay bigla na lang naputol ang tawag, hindi niya man lang natanong kung nasaan na ito para pupuntahan niya na lang kung nasaan man ang asawa niya at makauwi na ito. Hindi sapat na sinagot lang nito ang tawag niya, ni hindi nga sila magkaintindihan, ang gusto niya ay umuwi na ito.
Naghintay pa siya ng ilang oras, pero sa bawat patak ng minuto ay nangangati ang kanyang paa na hindi mapakali sa paglakad. Merong tinawagan niya muli si Alecz pero hindi na nito sinasagot ang tawag niya. Mababaliw na siya sa kakaisip!
Maya maya ay narinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay, agad siyang lumabas ng pinto at tinignan kung sino iyon. "Alecz?" Alam niyang narinig iyon ng asawa niya, pero hindi siya nito pinansin o binigyan man lang ng tingin. "Saan ka ba galing, ha?"
At nang tignan siya ito ay nanlilisik ang mga mata nito kung makatingin sa kanya, padabog nitong sinara ang pinto ng kotse at inunahan siya sa pagpasok ng bahay dala dala ang isang malaking supot. Nangunot ang niya sa pagtataka habang magisang nakatayo doon, hindi ba dapat ay siya ang magalit dahil sa ginawa nito? Eh bakit ngayon ang asawa niya pa ang galit?
Sinundan niya ang asawa sa kusina dahil doon iyon paniguradong dumiretso. Hindi nga siya nagkamali, nandoon ang asawa niya. "Bakit ka lumabas ng ganitong oras? Alam mo bang delikado sa labas? Ang baby natin saka ikaw baka mahamug–" Nagulat siya ng biglang kumuha si Alecz ng kutsilyo at inihagis iyon sa direksyon niya. Buti na lang at nakaiwas siya! "Jesus Christ, Alecz! Ano ba?!"
Maluha luha naman itong nakaingin sa kanya ngayon. "Kung ibinili mo lang sana ako, edi sana hindi ako lumabas!"
"Sweetheart, dapat ginising mo ako..." Malumanay niyang kinausap ang asawa.
"Ginising kitang panget ka, pero naalala mo ba ang sinabi mo sa akin? Ha?" Napailing naman siya dahil sa papalapit si Alecz sa kanya at kutsara naman ang dala nito ngayon. "Nagalit ka pa! Hinayupak ka! Pagkatapos mo akong buntisin, 'ni paglilihi ko tinatamad ka na?!"
Nanlalaki naman ang mata niya ng ihagis sa kanya ni Alecz ang kutsara at tumama iyon sa nuo niya. "H-Hindi 'yon ganoon! Sorry na!"
"Ikaw pa ang may ganang magalit?! Hali ka rito! Sasaksakin kita!"
At sa alas dos ng gabi, naghabulan sila ng parang pusa at daga. At syempre, si Benneth ang daga.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiksi UmumClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...