TAMING BENNETH
C H A P T E R - 31
Transparent.From: Bret Lagunzaga
Labas tayo?
Muli kong tinignan ang text ni Bret. Nitong mga nakaraang araw madalas ang paglabas namin. Madalas kaming umalis ng kaming dalawa lang. Ako, kumportable ako sa kanya kaya sumasama ako kapag nagyayaya siya. Bakit ko naman siya tatanggihan hindi ba? Sa bait at magandang pakikitungo niya sa akin, bakit hindi?
Dahil wala naman akong ginagawa, tumayo ako sa kama ko na kanina ko pa nilulubugan. Napagpasyahan kong sumama na naman sa kung saan siya pupunta o saan niya ako dadalhin. Masyadong masayahin si Bret, masyado din siyang adventurous na kahit hindi niya alam ang lugar na pupuntahan niya ay pupuntahan niya talaga para malaman kung may nakakainteresado bang bagay doon. Minsan nga, isinama niya ako at pumunta kami sa isang skwaters area at naglibot libot sa gitna ng madilim at maulan na gabi. Kitam?
Nagsuot lang ako ng maong shorts at t-shirt na pinaresan ko ng highcut rubber shoes at nagsumbrero habang nakalugay ang buhok. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa para replyan si Bret, dapat ay isesend ko na ang mensahe ng biglang may lumitaw na unknown number at tumatawag ito. Nangunot ang nuo sa isiping may tumatawag na unknown number na naman. Bago na naman ang number ko kaya hindi ko talaga alam kung sino na naman ito. Pero kahit na ganoon, sinagot ko ang tawag.
"Hello?" Walang sumasagot sa akin at tanging paghinga lang ng nasa kabilang linya ang naririnig ko. "Hello? Sino 'to?"
Pero wala pa ring sumasagot. Ibababa ko na sana ang telepono ng mayroon ang marinig na ingay sa kabilang linya kaya hindi ko naituloy ang pagpindot para sa endcall. Nang hindi pa rin siya nagsalita ay nagsalita akong muli.
"Hello?"
"I miss you."
Kumabog ang dibdib ko sa isang iglap nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya. Napasinghap ako at tinignan ang screen ng cellphone ko. Nang ibalik ko ito sa tenga ko ay endcall tone na lamang ang narinig ko. Agad na pinatay niya ang tawag. Natulala ako at laylay na ibinaba ang kamay.
Ano na naman ba ito Ben?
Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto ng marinig ko ang tunog ng sasakyan. Muli kong tinignan ang cellphone ko at nakita kong nagmessage pala si Bret, sinasabing nasa labas na siya. Eto na naman ba ako? Magpapaapekto na naman ako kay Benneth?
Napailing ako. Ano na naman bang stunt 'to? Ano namang trip 'to? Ginugulo niya ang bawat himaymay sa utak ko. Hindi ko alam ang gusto niyang mangyari. Pero pinipili kong wag na siyang intindihin dahil hindi makakabuti para sa akin. At wala akong matinong mapapala kundi sakit lang sa dibdib. Inayos ko ang sumbrerong suot at lumabas ng kwarto at bumaba para magpaalam kay Papa dahil siya lang ang kasama ko ngayon sa bahay.
"Pa. Alis muna ako ha?"
Natigil siya sa kung anong binabasa niya ng marinig niya ako. "Sino ang kasama mo?"
Nagtaka ako kung bakit pa siya nagtatanong. "Si Bret, Pa. Why?"
Nagtataka niya rin akong tinignan. "Bakit siya? Si Ben? Nasaan si Ben?"
Naglikot ang mata ko ng sabihin niya iyon. Wala naman kasi silang alam sa kung anong ginagawa ni Ben at sa kung anong nangyayari. Siguro ay nagtataka siya kung bakit si Bret ang lagi ko na lang na kasama simula ng maaksidente ako hanggang ngayon.
"Busy 'yon Pa. Alis na ako ha?" Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na ng bahay. Hindi ko na hinintay na magsalita siya at baka tungkol na naman kay Benneth 'yon. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."
Napalingon ako kay Bret. Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Nakaupo lang kami sa harap ng sasakyan niya at nakatingin isang seaside. Napakapayapa ng paligid. Masarap ang simoy ng hangin.
"Wala 'to." Nginitian ko siya at muling tinignan ang mga nagkikislapang ilaw mula sa mga gusali tawid ng dagat.
"Ako ba yan?" Tinawanan ko siya at muling tinignan. Pero hindi ko nakita ang mapagbiro niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Muli niyang ibinalik ang mata sa katubigan habang ako ay nakatingin pa rin sa kanya. "Gusto kita."
Hindi ako nagpakits ng kahit na anong reaksyon. Nakatingin pa rin ako sa kanya at siya ay nakatingin pa rin sa dagat.
"Alam ko Bret. Alam ko."
Gulat niya akong tinignan, pagkuwan ay naging malikoy ang kanyang mga mata hanggang sa hindi na siya makatingin pa sa akin. "Pano mo naman nalaman? Ganoon ba ako kahalata?"
Bahagya akong natawa. "Masyado ka kamong halata."
Tumingi siya sa akin at ngumiti. "Hindi naman siguro masamang magustuhan ka, kahit na nandiyan si Benneth. Hindi ba?"
"Si Benneth?" Paanong nasali si Ben?
Matagal niya akong tinitigan. "Alam ko ang tungkol sa inyo. Alam kong enggage ka na. Alam ko lahat." Natigilan ako. "Alam ko ring mahal mo siya."
Masyado rin ba akong halata?
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...