TAMING BENNETH
C H A P T E R - 11
Walang forever.Papasok ako ngayon.
Pero yung bag ko nawawala! Sinong walang'ya naman ang kukuha 'non? Edi syempre si Benneth lang naman. Kami lang namang dalawa ang nandito eh. Nakabalik na kami ng unit niya dahil bumalik na ang kuryente.
"Ilalabas mo o ilalabas mo?" Banta kong tanong.
"Wala akong ilalabas kasi wala naman sa akin ang bag mo." Tuloy pa rin siya sa paglalaro ng gadget niya.
"MAY EXAM AKO NGAYON! TAPOS HINDI PA KO PUMASOK KAHAPON! IBIGAY MO NA!" Sa inis ko ay napasigaw na ako. Yung para bang puputok na iyong ugat ko sa ulo sa lakas.
"Wala nga sa akin." Napaghahalataan ko na 'to eh. Masyadong relax itong ungas nato.
"EH INONG HINAYUPAK ANG KUKUHA 'NON? INIWAN NATIN 'YON DITO KAGABI! PINAGLOLOLOKO MO BA KO?!" Full Volume na ito. Naiinis na talaga ako at wala na akong mahanap na pasensiya pa. Please pasensiya pa!
Tinignan niya ako pero hawak niya pa rin ang ipod niya habang nakalubog siya sa sofa. "Wala talaga sakin." Balik ulit si Hudas sa laro.
Napakagat ako sa labi ko sa inis. Anong oras na! Putragis talaga. Alam ko talaga nasa kanya yon eh. Kapag hindi talaga lumitaw iyong bag ko lilipad lahat ng gamit dito. Swear.
"Ben, hindi naman pwedeng dito lang ako. May buhay rin ako." Nagtaas siya ng tingin ng maulininigan niyang seryoso ako. "Kailangan kong pumasa. Last year ko na 'to. Hindi pwedeng dito lang tayo hanggang sa mabulok na lang tayo rito." Pagpapaliwanag ko.
Umupo siya ng maayos. Inilagay niya ang dalawang siko niya sa tuhod niya. Binitawan niya ang ipod niya at deretso ang tingin niya sa akin, seryoso ang mukha niya. "Kung magkasama naman tayong mabubulok, bakit hindi? Diba?"
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Hindi tayo pwedeng ganito lagi! May mga responsibilidad ako at obligasyon, Ben. Hindi habang buhay magkasama tayo."
"Ayaw mo bang ako ang makasama mo habangbuhay?" Tumaas ng bahagya ang kilay niya.
Bakit biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko? Hindi naman siguro ako kinakabahan ano? Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Nagulat rin ako sa biglang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang meron sa mga sinasabi ni Ben ngayon?
"Walang forever, Ben." Iniikot ko ang mata ko.
"Merong Forever."
"Sa panginoon lang may forever."
"Sa pag-ibig din meron." Giit niya pa.
Okay. Teka? San ba kami papunta nito? Sa bag tapos napuntang forever?
"Yung bag ko?" Pagiiba ko ng usapan. Nakita ko ang bahagyang pagpusyaw ng mata ni Ben pero agad ding nawala.
"Nasa taas ng cabinet." Pagkatapos ay tumayo na siya dala ang ipod niya papuntang kwarto.
Kita niyo. Kita niyo. KITA NIYO! Nasa kanya talaga! Letchugas! Anong oras na pala?
9:34
Paktay kang bata ka. Late nako!
Agad akong pumunta ng kwarto niya at nakita ko siyang nakasandal sa headrest ng kama at tutok na tutok sa ipod niya. Dumiretso ako sa cabibet niya, tumingkayad ako at kinapkap ang taas ng cabinet para mahugot ko ang bag.
Pero hindi ko maabot.
Narinig ko siyang pigil na tumatawa. Aba! Pinagtatawanan ako ng kumag!
Porket na maliit ako at dambuhala siya sa tangkad.Hinarap ko siya. "Hoy Hindot! Tutal ikaw naman ang naglagay nito dito, ikaw ang kumuha! Bilis!"
"Makautos ka ah. Edi abutin mo. Kaya mo na yan." Iniinis talaga ako ng gunggong na 'to.
"Kapag naabot ko ang bag, hindi ako uuwi rito mamaya. Tandaan mo yan Benneth." Naggigitgitan na ang ngipin ko sa inis. Tinalikuran ko siya at tumingkayad ulit.
Pero hindi ko pa natataas iyong kamay ko para abutin ulit yung bag bigla na lang may umabot 'non.
"Eto na." Inabot niya sa akin ang bag nang humarap ako.
Nagkatitigan kami, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko dahil nakayuko siya. Eto na naman yung puso ko, parang sasabok sa bilis ng tibok. Ano ba 'to? Wala naman siguro akong sakit sa puso diba? Bigla akong ninerbyos, kaya nagmamadali kong inabot yung bag at tinalikuran na siya. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng unit ay sumigaw siya.
"MAY FOREVER! UUWI KA RITO MAMAYA HA?!"
Gunggong talaga.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...