Chapter 30

35.6K 555 24
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 30
Strangers.





Umuwi ako ng basa sa ulan.







Napakadrama naman ng mga pangyayari sa buhay ko. Gusto kong iuntog ang ulo ko at pagkatapos ay ting! Tigok. Ang dali lang hindi ba? Pero hindi pa ako desperado. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, siguro ng kaunti pero hindi pa naman ganoon kalaki ang damage ng kokote ko para gawin ang bagay na 'yon. Naguguluhan kasi ako eh. Naguguluhan ako sa lahat lahat ng mga kalandiang ipinapakita ni Benneth. Oo, kalandian. Nananalaytay yon sa dugo niya at nanunuot sa bawat kalamnan niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang ipakitang may kung ano siyang dararamdaman para sa akin, na ako ang espesyal para sa kanya pero pagkatapos lang pala 'non ay bigla na lang niyang babawiin at mayamaya ay iba na ang ikinikilos niya.








Alam mo yun? Yung pakiramdam na pinagmunukha kang tanga ng isang tao? Na paniniwalain ka niya, na magsasalita siya pero hindi naman 'yon ang ginagawa niya? Hanggang salita lang. At ako naman itong si gaga paniwalang paniwala. Kung ako ang pinakaespesyal para sayo Ben, sino si Ayola? Ano ito? Kapag hindi ka niya kailangan sa akin ka, at kapag kailangan ka na niya iiwan mo ako bigla sa ere?







Pero syempre gaga lang naman ako. Hindi super. Kaya, tama na. Wag na tayong team asa! Tara at humanap tayo ng bagong lovelife! Napakahaba ng oras mo, hanapin mo ang nararapat sayo at kung pwede panindigan na natin ang salitang move-on. At ako syempre ay magsisimula ngayon.




"Wooo!"





Mukhang tangang sumasayaw si Bret sa harap ko at hindi ko malaman kung steps ba ni Tsonggo ang isinasayaw niya. Tawa lang kami ng tawa, pero hindi pa kami lasing. Inaya niya akong lumabas kasama ang iba niyang kaibigan, pero hindi naman ako naOP at hindi naman mapapakla ang ugali ng mga kaibigan niya. Lahat kami ay napagpasyahang pumunta lahat rito sa Theresa.






Mayamaya ay nagbago ang daloy ng kanta. Napalitan iyon ng malamyos na kanta at nang malaman ko kung ano iyon ay napatigil ako. Bakit sa lahat ng kanya yun pa? Yung mga pangemo emo na ewan ko ba.





Nagtatakang tinignan ako ni Bret. "Okay ka lang?"




Napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti at tumango. "Oo."




Napalitan ng pagaalala ang kislap ng mata niya at hinawakan ang dalawang braso ko. "Sigurado ka? May problema ba?"




Imiling ako at ngumiti ulit. Ihinalod ko ang kamay sa dibdib niya paakyat sa kanyang leeg at ipinaikot iyon doon. Bahagya ko siyang niyakap, naramdaman kong napatigil siya. "Wala. Sayaw na lang tayo."




Nakahilig lang ang ulo ko sa dibdib niya at nakapalibot naman sa bewang ko ang isa niyang braso, samantalang ang isa ay nakahawak sa likodng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay inaantok na ako sa pwesto ko at gusto ko na lang na matulog. Tinapik tapik ko ang likof niya at pagkatapos ay tinignan niya ako, sumenyas akong ibaba niya ang ulo niya kaya yumukod siya ng kaunti at inilapit ang tenga sa akin.




"Inaantok na ako."





Tinawanan niya ako at pagkatapos ay ibinalik niya ang pwesto namin kanina. Hindi na ako nagreklamo at medyo iniba ang pwesto ng aking ulo kung saan nakikita ko ang mga sumasayaw sa likod ni Bret.






Ngumiti ako ng matamis ng mamataan ko si Benneth. Tadhana nga naman, hindi mo maasahan.








Gusto kong ipakitang isang biro lang ang sinabi ko. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Napakalaking katangahan talaga, at ewan ko kung bakit ba sa lahat ng pwedeng sabihin at 'yon pa ang lumabas sa bibig ko. Kagagahan.






"Sorry." Bigla akong nagangat ng tingin ng biglang may bumangga sa bandang likuran ko at maring ko iyon.







At si Tadhana na naman. Nandito rin pala si Ayola.







"Ayola." Ngumiti ako ng pilit. Paano ba magpakatotoo sa harap ng isang taong ipinalit sayo?







Nanlaki ang mata niya at bumitaw kay Benneth ng malaman niyang ako pala ang nabunggo niya. Humalik siya sa pisngi ko at pagkatapos ay kumapit sa braso ni Benneth. Napakasweet nga naman. Hindi ba? Inilipat ko ang tingin kay Benneth ng maramdaman kong nanunuot ang titig niya sa akin.





"Oh. Nandito rin pala kayo." Kunyari ay ako itong si gulat at masayang masayang makita sila sa hindi inaasahang panahon. "Nandito ka rin pala Benneth."







Hindi siya sumagot at pinakatitigan lang ako. Hindi ko malaman ang iniisip niya dahil sa kawalan ng emosyon sa kanyang mukha. Tinignan niya rin si Bret at bigla na hinila na lang bigla si Ayola at tinahak nila ang daan palabas ng bar.






"Anong nangyari don?" Tanong ni Bret. Itinuro niya ang likod ng dalawang papalabas.






Sa kabila ng hindi ko malaman kung ano ba ang mararamdaman, nagkibit balikat ako habang nakatingin sa kanila. "Hindi ko alam."








Hindi ko na talaga alam.




***

ImperfectPiece





CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon