TAMING BENNETH
C H A P T E R - 26
Tension.This day looks gloomy.
Kasalukuyan akong nakatingin sa bintana at nakatingin sa labas. Tinitignan ang mga taong nagtatakbuhan dahil sa lumalakas na ulan. Inilabas ko ang kamay at hinayan na unti-unting mabasa iyon ng malamig na tubig ng ulan.
Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Walang alam si Benneth sa kung ano man itong nararamdaman ko, pero hindi niya ba nararamdaman? Hindi niya ba nahahalata? Pero paano naman niya mahahalata kung nasa iba ang atensyon niya? Kung may laman na ang puso niya?
Si Kupido pana lang ng pana. Ito namang si Tadhana sige lang ng sige.
Ganito ba magmahal? May happy ending ba talaga? May happy ending ba ako? Mabuti sana kung nasa loob lang ako ng isang pelikula, magrereklamo talaga ako sa direktor kung bakit hindi ako ang taong mahal ng bida. Pero nasa totoong buhay ako, imposibleng magreklamo ako dahil hindi ako ang itidhana para kay Benneth. Nakapakaunfair ng buhay. Bakit hindi na lang sa akin si Benneth? Tapos katulad ng normal, magiging kami, tapos magpapakasal kami, at bahala na. Kung ganoon lang sana kasimple. Kung ganoon lang sana.
Siguro nagtatanong kayo, kung hindi naman pala siya para sa akin bakit kailangan ko pang mamroblema at umasa kay Benneth? Hindi mo alam. Kaya ka nagtatanong kasi hindi mo alam. Hindi mo alam na hindi 'yon basta-basta na ganon. Hindi mo alam na hindi iyon madali. Hindi mo alam dahil hindi ka pa nasasaktan, hindi ba? Dahil kung madali lang? Pinili na ng lahat ng tao ang choices kung paano makawala sa sitwasyong ganito. Pero walang madali. Wala.
Napabuntong hininga ako at binawi ang kamay na nakalabas sa bintana, dahan-dahan akong naglakad papuntang pinto para bumaba at tignan kung ano ang ginagawa nina Mama at Papa sa baba. Dahil nga naaksidente ako, napaaga ang uwi nila galing sa trip, babalik na lang daw sila ulit kapag maayos na ang kalagayan ko. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nawala ang emosyon sa mukha ko, pero hindi pa rin maitatago ang matinding bilis ng puso ko.
"Alecz..."
Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya. Bakit pa siya bumalik? "Oh. Bakit ka nandito?"
Nsgkibit-balikat siya. "Para kamustahin ka, alagaan ka, bantayan k---"
"Ben, hindi mo na kailangan na pumunta pa rito para doon. Kaya ko ang sarili ko."
"Pero gusto kong ako ang gumawa 'non."
"Pero ayoko."
Napakagat siya sa ibaba niyang labi ng sabihin ko ang huli kasabay ng pagiling. Siguro, kailangan ko na talagang idistansiya ang sarili ko. Dapat ko nang baguhin ang nakasanayan. Yun ang dapat.
Bumaba ako kahit na nahihirapan, kahit na sa bawat hakbang ko ay kirot ang sukli. Iniwan ko si Benneth dahil hindi ko alam kung ano pa ang dahilan para kausapin ko siya. Nakakailang. Nang lapitan ko si Papa ay saglit kaming nagusap, pero biglang naputol ng may marinig kaming sasakyan na huminto sa harap ng bahay. Pumara iyon sa likod ng sasakyan ni Benneth. Nagkatinginan kami ni Papa pero nagkibit balikat lang siya at nagpresentang siya na lang daw ang titingin. Pero nagulat ako ng sa pagpasok niya ulit ay kasama na niya si Brent.
"Brentot!" Nahinto siya sa paglapit sa akin at napangiwi ng tawagin ko siyang ganoon. Narinig ko namang natawa si Papa at nagpaalam na pupuntahan lang si Mama sa kusina.
"Sounds like bantot." Humakbang siyang muli at lumapit sa akin. "Don't call me like that."
"Ang kyut nga eh." Tinapik ko ang katabing espasyo para senyasang umupo siya.
Napailing siya pagkatapos tumabi sa akin. Inilagay niya ang kamay sa tuhod ko at bahagyang hinimas iyon. "Kamusta ang binti mo?"
Napangiti ako. Kung hindi dahil sa aksidente hindi ko siya makikilala. Kahit na hindi naman na kailangan pang alalahanin niya ako ay nandito pa rin siya.
"Ayos lang. Ako pa. Pagaling na."
"So..." Bahagyang tumaas ang dalawang kilay niya. "Pwede kang sumama sa ak--"
Napatingala ako patingin sa hagdan ng makarinig kami ng ingay ng tsinelas pababa. Malakas iyon at halatang sinasadya. Tumikhim si Benneth ng marating niya ang dulo ng hagdan at tinignan kami. Nakita kong dumiin ang panga niya ng makita ang kamay ni Brent sa tuhod ko.
"Hindi siya pwede. Nakikita mo bang hindi pa siya magaling?" Pabalagbag niyang sagot kay Brent sa paalam nito.
"Ang sabi niya--" Sasagot sana si Brent pero pinutol iyon ni Benneth na unti-unting lumalapit sa amin.
"Sabi niya lang."
Tumayo si Brent ng nasa harapan na namin si Benneth. Napatingala naman ako sa dalawa dahil sa nakaupo ako sa sofa.
"Tinatanong ko pa siya." Nagkatitigan sila ni Benneth.
"Wala akong pakialam." Kumuyom ang kamay ni Ben. Dinuro niya gamit ang kaliwang hintuturo ang dibdin ni Brent. "Sino ka ba huh? Ang lakas ng loob mong pumunta rito. Eh ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito siya!"
Nanlaki ang mata ko ng itulak niya si Brent at ang huli ay napaupo ulit sa sofa. Binuhat ako ni Benneth bago pa makatayo si Brent at inakyat ako sa kwarto ko. Iniupo niya ako sa kama ko at pagkatapos ay isinara niya ang pinto.
"Bakit mo ginawa 'yo--"
Itinulak niya ako pahiga at pagkatapos ay idinagan niya ang itaas na bahagi ng katawan sa akin. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at niyakap ang braso sa bewang ko ng mahigpit.
"Dito lang tayo. Tayo lang."
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiction généraleClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...