Chapter 9

42.5K 827 36
                                    


TAMING BANNETH
C H A P T E R - 9
Atensyon.





"Alecz, nagugutom na ako."



Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro dahil wala akong magawa at nabuburyo na ako sa apat na sulok na unit ni Benneth. Ayaw niya kasi akong palabasin. Hindi ko naman alam kung bakit. Para talagang may sira sa utak ang isang 'to. Kung ano-ano na lang ang maisipang gawin.



"Edi kumain ka doon! Dala-dala ko ba yung rice cooker?" Sigaw ko habang patuloy sa pagbasa at hindi nagangat ng tingin.

Palibhasa, gusto niya iyong pinagsisilbihan siya. Ayon nga ang purpose ko dito, hindi diba? Hindi naman ako nandito para bumisita lang. Mayamaya ay nagulat na lang ako nang may humablot ng librong binabasa ko. Nagangat ako ng tingin at nakita kong nasa kamay iyon ni Benneth.



"Benneth ano ba?! Akin na nga yan!" Tumayo ako para abutin ang libro pero nilayo niya sa akin, at syempre dahil matangkad itong hudas na 'to ay asa pa 'kong maabot ko 'yon.



"Kanina mo pa 'ko hindi pinapansin ah! Puro na lang itong libro mo! Akala ko ba babawi ka sakin?!" Sigaw niya sakin. Bigla akong napaatras dahil sa gulat pero hindi ko pinahalata. Alam kong galit na talaga siya.

Nangunot ang nuo ko. "Nandito naman ako diba? Diba 'yon yung gusto mo? Ano pa bang gusto mo? HA?!" Sigaw ko pabalik.

"OO! NANDITO KA NGA! PERO ITONG LIBRONG 'TO!" Hinagis niya ang libro ko. "'YON ANG PINAGTUTUUNAN MO NG PANSIN!" Nagugulat ako sa inaakto niya ngayon.


"ANO NGA ANG GUSTO MO?!"

"IKAW! YUNG ATENSYON MO!" Bigla akong natahimik.

"N-Nagseselos ka?" Tinuro ko iyong lugar kung saan napunta yung hinagis niyang libro. "...doon sa libro?" Di makapaniwala kong tanong.

"Oo. Gusto ko ako lang ang bibigyan mo ng atensyon. Alam mo ba Alecz, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag binabalewala mo ako. Kapag hindi mo ako pinapansin." Biglang lumambot ang mukha niya.

Binabalewala? Libro lang naman iyon. Hindi ko siya pinapansin dahil nayayamot ako sa kanya. Hindi lang pinansin naghysterical na.

Huminga ako nang malalim. "Benneth, nagbabasa lang ako. Okay? Hindi kita binabalewala. Dito ba 'ko matutulog kung wala akong pakealam sayo? Tingin mo ba nandito ako kung hindi kita pinagtutuunan ng pansin?"

Bigla siyang napayuko. "Sorry." Pagkatapos ay tumalikod na siya at dumiretso sa kwarto niya.

Sensitive si Benneth. Naiintindihan ko kung bakit siya ganon. Kaya nga siya nagrebelde dahil hindi siya napapansin ng magulang niya hanggang sa nakalakihan niya na, at lalo pa yung lumala nang biglang literal na itaboy siya sa amin ng pamilya ko para tumino. I mean, bakit hindi na lang sila ang gumawa ng paraan? Yun bang mas makakabuti kay Benneth. Bakit kailangan ibang tao pa ang gumawa? Hindi naman sa sinisisi ko sina Tita Bon, pero ito talaga ang totoo at sinasabi ko lang ang totoo.


Magkaibigan ang pamilya namin noon pa, pero hindi agad kami nagkakilala ni Benneth dahil hindi siya sumasama sa mga pagtitipon. Lagi kong naririnig ang pangalan niya kapag naguusap ang mga magulang namin. Naririnig ko kung ano ang ginagawa niya at kung ano ang ugali niya. Lagi siyang pinoproblema ng pamilya niya, gusto nitong tumino siya pero wala silang magawa hanggang sa napagkasunduan nila yung 'fiancé' thing na iyon at doon na nagsimula kung bakit ganito ang set up namin ni Benneth.

Bumuntong hininga ako pagkatapos titigan ang pintong pinasukan niya tapos ay umunta ako ng kusina at naghanda ng pagkain niya, inilagay ko ang mga 'yon sa tray. Balak kong suyuin na naman siya.

"Ben?" Kumatok ako pero hindi niya binubuksan ang pinto. "Ben, uuwi na 'ko ha?" Ilang segundo lang bigla nang bumukas ang pinto. Kitam, gumana. Walang pasabing pumasok ako at umupo sa kama. Siya naman ay nakatayo pa rin doon sa pinto at nakasimangot. "Halika dito." Tinapik ko ang kama niya, pwesto sa tabi ko. Sumunod naman siya.


Inayos ko ang hinanda kong pagkain niya at inumang ang kutsarang may kanin at ulam sa bibig niya. Nakayuko lang siya sa harap ko.




"Benneth, nganga. Nangangawit ako ha. Uuwi talaga ako. Sige, maiwan ka dito."



"Tsk." Bigla niyang inilapit ang bibig sa kutsara at kinain ang isinubo ko.




"Dito muna ako, mga isang linggo." Bigla siyang napatingin saken. Sus! Tuwang tuwa ang kumag. "Bayad 'don sa araw na wala ako rito."




Tumango siya at maganang kumain habang sinusubuan ko.




Okay. Bati na siguro kami.




***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon