Chapter 6

44.8K 916 46
                                    


TAMING BENNETH
C H A P T E R - 6
Crybaby.




Nang makawala ako sa pamatay na yakap ni Benneth ay hinayaan ko muna siyang matulog, mukhang ilang araw na rin siyang hindi nakakatulog ng maayos. Ako ang magluluto ng dinner ngayon, syempre request ni Tita Bon. Papano ko ba tatanggihan 'yon? Parang pangalawang ina na ang turing ko sa kanya. Napakabait niya kaya sa akin.

Maglalagay sana ako ng asin sa niluluto ko ng biglang may magsisisigaw. Sa gulat ko kaya nabuhos ko lahat! Jusmiyo marimar!

"NASAN SI ALECZ?! ALECZ?!"

Sino ba 'yon? Umaalingawngaw sa buong bahay ang boses niya kaya naririnig ko kahit na nasa kusina ako. Paano na 'tong niluluto ko? Baka magkasakit sa bato ang kakain nito! Uulitin ko na nga lang. Sayang naman.

Nagluluto ako ulit ng biglang may yumakap sa likod ko. "Ay bayag!" Naku! Ang bunganga ko!

"Alecz, sorry na. Sorry talaga." Gising na pala ang ungas.

"Benneth, bitawan mo nga ako! Nagluluto ako eh." Bigla siyang bumitaw, hinarap ko siya. "Oh, 'bat ganyan yang itsura mo? Hindi ka ba inaalagaan ng babae mo?" Kunyari ay inosente ako.

"... Wala naman talagang nangyari eh. Kasi pinigil ko, kasi naalala kita." Nakayuko siya sa harapan ko.

"Sus. 'doon ka na nga. Estorbo." Tinalikuran ko siya. Napaismid ako. I don't want to be rude, pero ayokong makarinig ng kahit na anong paliwanag ngayon. Kung hindi lang dahil kay Tita Bon ay nunkang pupunta ako rito.

Pero hindi siya umalis, umupo lang siya sa dining table at alam akong nakatingin lang siya sa lahat ng kilos ko. Nang matapos akong magluto ay bigla siyang tumayo.

"Alecz..."

"Oh?" Walang gana kong tanong.

"Mageexplain ako. Pakinggan mo naman ako." Nagsusumamo niya akong tinignan.

"Wag na. Ayoko. Tawagin mo na si Tita. Kakain na tayo. Pauwi na ba si Tito? Si Kuya Luke?"

Biglang sumalampak ang balikat niya sa narinig. Ayoko muna ng drama, may oras para diyan at hindi ngayon ang oras na 'yon. Saka ano pa bang kailangan niyang ipaliwanag sa nakita ko? Mas malinaw pa ang mata ko kesa sa tubig na mineral. Mayamaya ay dumating rin si Tito, saka si Kuya Declan galing sa kumpanya kaya naman sabay-sabay kaming kumain. Tahimik lang naman si Benneth.

Pagkatapos naming kumain ay sinabi kong uuwi ako at hindi na magpapalipas pa ng gabi. Wala akong balak na doon matulog. Sa susunod na dalaw ko na lang siguro.

"Ako rin." Second emotion ni Benneth.

"Kayo ang bahala." Nakangiti si Tito.

Nang nakasakay na kami sa kotse ay alam kong gustong magsalita ni Benneth, pero pinili niyang hindi na lang. Kapag ganito dati, nangungulit siya at nagiingay. Ngayon, nagpapakiramdaman lang kami.

Nang huminto kami sa harap ng building ng unit niya ay hindi pa rin ako nagsasalita. Bababa na sana ako para umuwi sa sariling bahay nang bigla siyang magsalita.

"Pwede bang samahan mo 'ko, kahit saglit lang."

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Sige."

Wala eh. Kahit naman ganito ako ay may awa pa rin naman ako. Sa isip-isip ko ay, napakabait ko naman.

Ang awkward namin sa elevator. Naalala ko tuloy iyong nakaboxer lang siya habang hinahabol niya ako. Nang makarating kami sa unit niya ay dumiretso kami sa kusina. Pero nanatili lang akong nakatayo roon.

Ang tahimik. Bigla siyang umupo sa dining table kaharap ko ang likod niya.

Katahimikan.

"Pwede bang pakinggan mo 'ko kahit ngayon lang?"

"Alam mo, Benneth. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Bahay mo naman ito. Unit mo. Kaya may karapatan ka sa kung sino ang papapasukin mo. Wala na sakin yon." Labas sa ilong kong sagot.

Dumeretso ako sa ref niya para kumuha ng tubig, pagkatapos ay binigyan ko rin siya.

"Hindi ka na galit?" Narinig ko ang pagsigla ng boses niya.

"Hindi naman ako nagalit." Sinungaling ka Alecz. "Wala naman na akong pakelam pa."

Kinagat niya ang labi niya pagkatapos kong sabihin iyon. Yumuko siya at saglit na tumahimik.

"Pwede bang bukas ka ng umuwi?" Mahina ang boses niya.

Hindi ko na siya kinikibo pa. Tinalikuran ko na siya, pero bago iyon ay nahagip ng mata ko ang pag-alpas ng luha sa mata niya. Nakita kong ipinahid niya ang likod ng palad niya sa pisngi niya. Hindi niya siguro alam na nakitingin pa rin ako.

Napailing ako. Wala na. Hindi ko na kayang magpigil pa.

Binalikan ko siya at tumayo sa harapan niya. Nagulat siya, tiningala niya ako at nakita ko ang pamumula ng mata niya. "Dito ako matutulog." Pagkatapos ay ngumiti ako.

Bigla niya akong niyakap sa bewang at isinubsob ang mukha niya sa tiyan ko. "Namimiss na kita." Bulong niya.

Hinaplos ko ang buhok niya.
"Tumahan ka na nga, bakla ka ba?"

"Hindi ah." Sisinghot-singhot niyang sagot.

Benneth... Benneth.

***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon