Chapter 32

32.6K 541 36
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 22
Reciprocated.












Tinapik ko ang balikat ni Bret. "Salamat at isinama mo na naman ako sa kung saang lupalop ng iyong adventure."







"Anytime, Alecz." Ngimiti siya at tumango.



"Ingat."




Bumaba ako ng sasakyan niya at hinintay na mawala ito sa paningin ko  bago ako humakbang para pumasok ng bahay. Pero hindi ko pa nabubuksan ang gate ng bahay namin ng bigla na lang na may nagtakip ng bibig ko mula sa likuran.







Napakabilis ng tahip ng dibdib ko na para bang lalabas ang puso ko sa sobrang kabog. Gusto kong sumigaw dahil sa takot pero walang makakarinig 'non dahil sa mahigpit ang pagkakatakip ng kamay sa aking bibig. Dahan dahan niya akong hinila paatras at ang sunod ko na lang na alam ay nasa loob ako ng isang kotse. At kilalang kilala ko kung sino ang mayari ng kotseng 'to.



"Walang hiya ka!" Pinaghahahampas ko siya ng bag ng makapasok na rin siya ng sasakyan at umupo sa driver's seat. "Walang hiya ka talaga!"



Hinawi niya ang hood ng suot na jacket at pagkatapos ay pinigilan ang dalawang kamay ko sa kakahampas sa kanya. "Alecz."



"Oh ano? Ha? Putangina mo talaga eh!" Muli akong nagpupumiglas. "Ano bang kailangan mo?! Ano pa bang gusto mo?!"



"Isa lang ang gusto ko!"


Napatigil ako. Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay. "Ang ano? Ang guluhin ako?"


"Hindi." Pinaandar niya ang makena ng sasakyan at pagkatapos ay pinaharurot.


Nataranta ako dahil sa gabi na at kailangan ko ng umuwi. Lowbatt na ang cellphone ko at baka nagaalala na si Papa. Isa pa, si Benneth ang kasama ko. "Hoy! Saan mo ako dadalhin ha?! Ihinto mo to! Pababain mo ako!"


"Pwede bang tumigil ka muna kung gusto mong wag tayong madisgrasya at mawala tayong dalawa?"


Nginisihan ko siya. "Ayos lang na mawala ka. Wala akong pakealam." Sinungaling Alecz.



Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang lalamunan at paghigpit ng pagkakahawak niya sa manebela. "Kapag si Bret ba nawala. Anong gagawin mo?"


"Iiyakan ko siya, panghihinayangan."


Bigla bigla na lang na huminto ang sasakyan niya sa kawalan. Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil sa madilim na at tanging ilaw lang mula sa kotse ang maaninag. Hindi pa ako tapos sa pagkakagulat ng mapaatras ako ng hampasin ni Benneth ng buong lakas ang manebela.



"Ano bang mayroon ang Bret na 'yan at hindi mo siya malayuan ha?!"



"Simple lang." Mahinahon kong tinignan si Benneth. "Hindi mo siya katulad."Nagiwas siya ng tingin at tumingin sa bintana sa bahagi niya.

Katahimikan.



Nang hindi ko na alam ang gagawin at hindi ko alam kung ano ba ang itinatagal namin doon ay dapat na bubuksan ko na ang pinto ng magsalita siya.



"I just want us to be like before. I want us to be okay."

"Okay naman tayo hindi ba? Ako, wala akong problema. Ayos lang---"

"I--"

"Alam mo Benneth. Hindi na tayo magiging tulad ng dati." Nagkibit-balikat ako. "Saka, yung dati? Wala lang naman 'yon. Hindi naman iyon totoo hindi ba?"



Napailing siya ay tinitigan ako. "Akala ko ba mahal mo ako. What now Alecz? Where is it now?" Halos pabulong na ng itanong niya iyon sa akin.




Nagiwas ako ng tingin. Gusto kong sumabog. Gusto kong ipagduldulan sa kanya na isa siyang malaking gago para magising naman siya. Na sana tumigil na siya sa panggugulo. Mahal ko nga siya. Mahal niya ba ako? Hindi naman hindi ba? Sabihin na nating ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Pero paano si Ayola?







"It's always here, Ben." Hinawakan ko ang aking dibdib kung nasaan ang lokasyon ng aking puso. Tumulo ang luha ko ng halikan niya ang kamay ko. Pero agad ko ring binawi at pinakatitigan siya.







Napayuko siya. Hindi siya mapakali at kung saan tumitingin. Naging tahimik ulit ang pagitan namin. Pagkuwan ay hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Nagtitigan lang kami. Hanggang sa...












"Mahal kita."









Nang halikan niya ako ay napapikit na lamang ako dahil sa matinding pagalpas ng kung anong nararamdam ko para sa kanya.





***

ImperfectPiece

AN: Oh. Hindi pa tapos ha. Hahaha

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon