TAMING BENNETH
C H A P T E R - 17
Timing.Hapon na hapon pero eto ako at nakatulala. Nakatunganga. As in nganga.
Hindi ako makapaniwalang magugustuhan ko si Benneth. Hindi naman sa hindi ko matanggap ha, ang ganda ko naman kung ganon. Kung tutuusin nga nasa kanya na ang lahat. Gwapo siya tapos mayaman. Babaero at babaero. Saka babaero ulit. Pero kasi bakit si Benneth? Bakit kay Benneth ko 'to kailangan maramdaman? Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit siya? Bakit siya? Bakit siya pa? Nakakagago nga naman. Pinagtitripan ba ako ni Tadhana at Kupido? Tandem pa?
Pero naramdaman ko na nga si Pagibig. Dati pa pala pero ngayon lang naregister ni utak. Sana naman may warning. Hindi yung agad-agad na lang. Bigla-bigla. Gora kung gora! Parang time bomb na pagkatapos ng panahon na binabalewala ko lang ang mga senyales ng nararamdaman ko, hindi ko namalayan sumabog na pala ang ralehasisasyon na mahal ko siya. Nawiwindang ang pagkatao ko sa mga nalalaman ko.
Baka naman crush mo lang siya? Napasimangot ako sa boses ng aking isip. Crush? Ano ako? Teenager?
Gumulong-gulong ako sa aking kama. Nasa bahay na ako't hindi muna umuwi sa unit ni Benneth. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko ang gagong 'yon. Siguro ay nagsasaya iyon sa piling ni Zif. Dalhin niya na ang mga babae niya doon! Kahit na sinong kurdapya pa. Ngayon ko lang naisip na, bakit ko nga ba siya kailangan na pagbawalang magdala ng babae doon? Eh kanya naman ang unit na 'yon at wala akong karapatan.
Tinignan ko ang puting kisame ng aking kwarto. Pero unti-unti kong nakikita ang pagmumukha ni Benneth kaya tumagilid ako. Nagtagal ang tingin ko sa picture naming dalawa na nakaframe sa taas ng aking drawer, mayamaya ay nakaramdam ako ng takot.
Simula pa lang, hindi kailanman pumasok sa isip ko ang bagay na 'to. Kailaman ay hindi ko nakita ang mahalin siya. Paano na? Hindi ko dapat na maramdaman ang ganitong bagay kay Benneth. Hindi normal ang kung ano mang meron kami. Alam namin kung ano lang dapat kami at dapat ay hanggang doon lang ako. Hanggang doon lang. Kung sana ay nasa ibang sitwasyon lang sana kami ni Benneth ay pwede pa sana. Nakakatakot isipin na, nagmamahal ako ng katulad niya. Katulad niyang kayang manakit ng isang babae sa isang pitik lamang. Pero sabi nga nila, minahal mo ang isang tao dahil sa kung ano siya. Hindi siya ang siya kung hindi niya paguugali o katangian iyon. Ibigsabihin ay, tanggap mo ang taong iyon kahit na ano pa siya. Tanggap mo ang taong iyon dahil mahal mo siya. Tanggap ko kung ano man si Benneth kaya ko siya minahal.
Pero hindi maalis ang takot sa akin. Takot para sa mangyayari at takot para sa puso ko.
Duwag ako. Oo, isa akong malaking duwag. Natatakot akong masaktan katulad ng mga nakita ko. Ayaw kong matulad at malinya sa mga babaeng naloko ni Benneth. Ayokong lumuha ng halos dugo dahil sa isang babaero ang minahal ko. Kilala ko siya. Kilalang kilala. Kilala ko kung paano siya at kung ano siya makitungo sa isang babae. Ipaparamdam niya na para bang ikaw ang pinakamahal na bulaklak sa buong mundo, pero pagtapos non ay wala na. Ilalaglag ka niya sa ire. Kumbaga, sa una lang siya magaling. Nakakatakot hindi ba? Natatakot ako sa kanya. Kung sa bagay, sino ba namang hindi tutuka sa katulad ni Benneth? Walang aayaw na babae sa katulad niya. Kita niyo nga oh. Pati ako nalason niya. Bwesit.
Napabuntong hininga ako at tumayo, napagpasyahan kong maligo kaysa sa isipin si Benneth at itong tampururot kong nararamdam sa kanya buong araw hanggang sa mamaho ako at mabulok sa kwarto ko. Dala-dala ang tuwalya ay papasok na sana ako sa banyo na nasa loob ng aking kwarto ng magring ang cellphone ko sa drawer na katabi ng aking higaan. Nangunot ang nuo ko sa isiping sino kaya iyon, pero kinuha ko rin at tinignan ang nakaregister na pangalan. Pero walang nakaregister at unknown number ang nakalagay. May pinagbigyan ba ako ng number?
"Hell-"
"Alecz! Ohmygod, I missed you!" Yeah. What the hell.
Is this Ayola? The Ayola Gomez? Ang kaisa-isang babaeng hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ni Benneth na magbalik?
What a great timing dear. Great timing.
Tangena. Tangena three times a day.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...