TAMING BENETH
C H A P T E R - 35
Don't know you.Ano ba ang dapat kong gawin?
Nakaharap sa babasaging pader ng kwarto at nagiisa. Nakatanaw sa mga gusali sa ilalim ng makulimlim na langit habang pumapatak ang butil ng tubig ng ulan.
Gusto kong takbuhan ang katotohanan. Ayokong maniwala. Pero nakita ng dalawang mata ko, nakaharap ko ang anak ni Benneth. Halo halong emosyon ang naramdaman ko ng panahong tumapak ako sa loob ng kwarto ng bata. Lungkot dahil sa sitwasyon niya, pagkaawa sa sarili ko, galit sa panandaliang saya at sa magulong pangyayari. Saan nga ba mahahanap ng isang katulad ko ang kaligayahan? Saan ko pa nga ba kailangang magtungo?
Dumagsa ang mga taong nakapayong, kay gandang pagmasdan ang mga makukulay nilang payong na dumaraan sa isang daang abala. Nakatitig lamang ako doon ng may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Anong iniisip mo?"
Napapikit ako ng umihip ang hininga niya malapit sa tenga ko at maamoy ko ang pabango niya.
"Wala naman."
Dahan dahan niya akong iniharap sa kanya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at itinagilid ang ulo niya habang nakatitig sa akin.
"Sinungaling."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Nang iangat ko ang mukha ko para silipin ang mukha niya ay hindi si Benneth ang kaharap ko. Kakaibang Benneth, isang Benneth na kailanman ay hindi ko pa nakikita.
"Benneth..."
Marahas niyang binitawan ang kamay ko, napalunok ako dahil sa gulat at natulos lang sa kinatatayuan ko. Humakbang siya papalayo sa akin. Tinitigan niya ako, titig na para bang isa akong estranghero, na para bang hindi pa niya ako kilala.
"Sinungaling ka. Hindi ba?" Muli ay napalunok ako. Napayuko ako at hindi sumagot. "Ano 'to?"
Nagangat ako ng tingin at nakita ko siyang may hawak na puting sobre, at nang makita ko ang tatak ng sobreng iyon ay nanlaki ang mata ko. Itinago ko ang bagay na iyon ng mabuti! Bakit hawak hawak niya iyon ngayon?
"Sa-saan mo... nakuha yan?"
Ibinaba niya ang kamay kung saan hawak niya ang sobre. Pagkuwan ay nginisihan ako. "Nagulat ka ba Alecz?"
Dahan dahan niya akong nilapitan, huminto siya sa harap ko at laking gulat ko na lang ng hablutin niya ang braso ko ng napakahigpit. Napaigik ako sa sakit ng maramdaman kong bumabaon ang kuko niya sa balat ko, nang tignan ko siya ay galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Purong galit.
Hinawakan niya ang panga ko at pahigpit din iyong hinawakan. Nagsisimula ng magluha ang mga mata ko. Natatakot ako dahil sa alam kong kaya niya akong saktan.
"Be-B-Benneth..."
Pinakatitigan niya ng malapitan ang aking mukha. Mula labi pataas sa mata. "Katulad ka lang nila, Alecz. Hindi ka naiiba sa kanila. Iiwan mo lang din ako!"
Itinulak niya ako. Tumama ang likod ko sa kanto ng kama at sunod ay natumba ako sa sahig. Narinig ko ang hakbang niya, pagkuwan ay nakita ko ang maahan niya sa mismong nakahiga kong pwesto sa sahig. Umupo siya at tinitigan lang akong umiiyak.
Hinaplos niya ang mukha ko. "Akala ko ba kilala mo ako? Na kabisado mo ako? Bakit hindi mo alam na ayaw ko sa mga katulad mong sinungaling at magaling lang mangiwan?" Dinukot niya ang bulsa at inilabas ang puting sobre, inihagis niya iyon sa akin. "Sige. Umalis ka. Hindi ka naman kawalan." Tumawa siya ng patuya at tumayo. "Madali ka lang palitan, Alecz."
Kulang pa ang ginawa niya. Sana ay binugbog niya na lamang ako kaysa sabihan ng mga salitang ikakawarak ko.
Naiwan akong nakahiga lang doon hawak hawak ang sobre. Tumihaya ako at napaigik muli ng maramdaman ang sakit ng likod ko. Tinitigan ko ang puting kisame, paulit ulit na ibinabato ang tanong....
Nasaan ba si Benneth?
***
ImperfectPiece
AN: Ohmygod.
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...