TAMING BENNETH
C H A P T E R - 42
Leaving.Mabigat sa loob ang umalis.
Lalo na't marami kang iiwan. Mga mahahalagang tao at mahahalagang alaala.
Tinignan kong muli ang unit ni Benneth sa huling pagkakataon. Nagawa ko pang dumaan bago magtungo ng airport, gusto ko sanang puntahan ang lugar kung saan nabuo at nalaman kong may pagmamahal pala akong nararamdaman para sa kanya. Gusto kong makita ng sandali ang lugar kung saan nakasama ko siya, kung saan naging masaya ako.
Pero hindi pa ako nakuntento, naglibot pa ako. Natatawa ako kapag naalala ko ang mga senaryong nagbabangayan kami dati, ang mga senaryong nagiging isip-bata siya. Naglakad ako at pumasok sa kanyang kwarto, maayos iyon at nasa lugar ang mga gamit. Naaalala ko, kapag gabi minsan ay nagiging maharot siya, minsan naman ay sinusumpong ng topak kapag inaantok. Nahagip ng mata ko ang librong pinagmulan ng selos niya dati, naalala kong inihagis niya iyon dahil sa iyon na lamang daw ang inaatupag ko. Nakakatawang isipin ang mga alaala ko rito.
Pero dapat kapag nakakatawa ay natatawa ka hindi ba? Pero bakit umiiyak ako?
Puro alaala. Mga alaalang kailangan ko nang iwan na at ayusin ang sarili ko. Malay ko, nandoon lang pala ang taong para sa akin, nandoon lang pala ang soulmate ko at abalang naghahanda rin siya sa university na papasukan niya. At malay ko rin kung baka pareho lang pala ang papasukan naming university, doon kami magkakakilala at magiging magkaibigan. Pwede ring baka hindi ko na siya kailangan pang hanapin, baka kilala ko na siya at naghihintay lang ang panahon. Ay basta. Bahala na si Tadhana, tutal, siya naman ang bida ng buhay ko.
Napabuntong hininga ako at inilibot ang mga mata sa kabuohan ng kwarto ni Benneth. Tinignan ko ang relong pambisig ko at sapat pa naman ang oras para hindi ako mahuli sa aking flight. Nagangat ako ng tingin ng malanghap ko ang paborito niyang pabango, kapag naamoy ko ang pabango niya rati ay alam kong dumating na siya, tatawagin ko ang pangalan niya para siguraduhin kung nandiyan na ba talaga---
Nandito siya?
Nanlaki ang mga mata ko. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at dali-daking umabas ng kwarto. Pero wala namang bakas na may iba pang tao maliban sa akin, pero ang pabango niya ay nalalanghap ko sa buong bahay. Imposible namang nandito rin siya, 'ni hindi niya nga alam na aalis na ako. Siguro, kasama niya ang anak niya ngayon. Gusto ko ring sana ay maging mabuti ang lahat para sa kanya, sa anak niya at kay Ayola. Hangad ko ang kasayahan para sa kanila.
Natawa ako ng bahagya, aalis na nga lang ako kung ano ano pa ang kadramahang naiisip ko. Lumabas ako ng unit at siniguradong nakalock iyon. Palabas na sana ako doon ng tawagin ng gwardya ang aking pangalan.
"Ma'am Alecz?"
"Uy kuya. Kamusta 'ho?"
"Mabuti naman po. Ngayon ko na lang 'ho kayo nakita Ma'am ah. Lumipat na po ba kayo ni Sir Jordan?"
Napangiti ako ng mapait at yumuko. Nang muli akong magangat ng tingin ay nangunot ang nuo ko ng may mahagip ang mata ko sa likod ni Manong, pero nang tignan kong mabuti ay wala nang nakatayo doon.
Si Benneth ba iyon o namamalikmata lang ako?
"Alecz! Tara na! Malelate na tayo!"
Nilingon ko si Brent na nakatayo sa labas ng kanyang kotse sa di kalayuan at kinawayan. Hinarap ko si Manong guard at nginitian. "Hindi po kuya, may tinignan lang ako. Aalis na 'ho ako."
"Ah, sige po ma'am. Ingat po."
Tumango lamang ako bilang sagot at nilapitan na si Brent. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay siya sa tabi ko sa harap ng manibela.
"Handa ka na ba?"
Nilingon ko si Brent. Nakangiti siya pero hindi ganoon ang nakasalamin sa kislap ng kanyang mata. Hindi ko na lamang iyon pinansin at ngumiti sa kanya.
"Tara na."
***
AN: Hindi pa 'ho tapos.
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...