TAMING BENNETH
E P I L O G U ENaalala ko nang una kong marinig ang pangalan niya, why are they always talking about the Alecz girl? Kesa ako ang bigyan nila ng atensyon, sa iba nila ibinibigay.
Until I met her, unang beses kong pumunta ng pagtitipon na 'yon. Gusto ko lang na pagbigyan si Mommy, kung hindi dahil sa kanya hindi naman talaga ako pupunta. I was bored and sitting in one of the chairs near the mini stage, may dumating at excited na excited na umalis si Mommy para lapitan iyon. Pinaglalaruan ko ang pagkain habang inililibot ang mata, baka sakaling makakita ako ng babaeng pwedeng maihotel. Inilipat ko ang mata sa ibang direksyon, nagtama ang mga mata namin ng babaeng nakaupo doon at nagiisa. Nakatitig lang siya sa akin at nakangisi. Ngumisi ako pabalik, kapag ganito. Alam ko na ang gusto niya.
I was about to stand when Mom called my name. "Benneth!"
Napabuntong hininga ako at tamad na lumapit sa kung saan sila nakaupo. Walang pakealam na umupo ako doon at hindi nagabalang tignan ang iba pang taong mga nakaupo sa mesa. Ipinakilala ako ni Mommy, at sa tingin kong kaibigan ni Dad ay mataim na nakatingin sa akin. Itinaas niya ang kupitang dala at ngumisi, ngumisi ako pabalik. Hindi naman pala mga puro pera at negosyo lang ang mukha ng mga kaibigan ni Dad.
"Alecz! Iha!" May lumapit sa aming babae, simple lang ang suot niya pero iba ang gandang tinatangi niya. Sa tingin ko ay kakatapos niya lang na kumuha ng pagkain dahil may dala dala siyang pinggan at punong puno iyon ng pagkain. So, this is Alecz huh. Bigla kong naalala ang mukha niya, minsan ay nakakasama ito ni Ayola dati.
Ngumunguya siya sa harapan naming lahat at nagtatanong na nakatingin kay Mommy. "Yes po?"
Nangunot ang nuo ko. Babae ba talaga 'to?
"This is my son..." Ipinulupot ni Mommy ang braso sa aking braso. "Benneth."
Nang magtama ang mga mata namin ay alam kong iba siya. Iba siya sa lahat ng babaeng nakita ko na. Kaya siguro bigla na lang naisip ng mga magulang ko na ipagkasundo ako sa kanya, at dahil mababait ang mga magulang niya, kahit na alam nila kung gaano ako kagago, pumayag sila. Ewan ko ba, napakarami nilang alam. Hindi ko naman kailangan ng iba, may hinihintay lang ako. Alam ko, babalikan niya rin ako.
Nang una niya akong puntahan sa unit ko ay may babae akong kasama noon, basta ko lang na nakita sa party at inuwi. Bwesit na bwesit siya sa akin, nagulat ako dahil sa hindi pa naman kami ganoong nagkakausap pero eto siya at nakapamewang habang malalim ang gatla sa nuo, binubungangaan ako dahil sa kalat ng unit ko at may inuwi raw akong babae. Simula 'non, ang gusto niya, siya lang ang babaeng nakakapasok sa unit ko, respeto ko na kang daw sa kanya. Kapag maghahasik raw ako ng kalibugan ay sa motel ko dalhin ang mga babae ko.
Nagsimula ang ganoong set-up namin. Lahat ng pupuntahan at ginagawa ko dapat ay alam niya. Ganoon lang kami. Hindi namin gusto ang isa't isa, at napipilitan lang din kami para sa lahat. Ang sabi niya, ayaw niya lang daw na biguin ang Mommy at ang tiwala ng mga magulang namin. Pakiramdam ko ay napakabigat kong pasanin, bakit hindi na lang nila ako pabayaan? Wala naman silang pakelam sa akin.
Pero hindi. May tao pa palang may pakealam sa akin. Ilang buwan ko na siyang nakakasama, at sa ilang buwan na 'yon nagsimula akong dumipende sa kanya. Hindi ko kayang wala siya sa tabi ko, gusto ko palagi ko siyang kasama, at ayaw na ayaw kong may nakakahati ako sa atensiyon niya. Hindi ko alam. Hindi naman ako ganito dati.
Umabot kami ng taon, lalong tumindi ang kagustuhan kong lagi lang siyang nasa tabi ko. Hindi ako makatulog at tinatamad ako kapag wala siya, wala akong ganang kumain kapag hindi siya ang nagluluto ng pagkain ko at gusto kong ako lang ang inaasikaso niya. Hindi ako mapakali. Lagi ko siyang hinahanap.
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...