SP 5

41.3K 656 25
                                    


S p e c i a l c h a p t e r






Pansamantalang umalis ng bahay si Alecz.







Oo, wala siya sa bahay nila ng asawa. Mga ilang araw na rin siyang namamalagi sa pamamahay ng mga magulang. Alam niyang nagtataka ang mga ito sa biglaan niyang pagdating, pero hindi naman ito nagtanong pa.




"So... kamusta?"



Nagtaas siya ng tingin sa ama. Gusto niyang tumawa, nang dumating siya, hindi niya iyon narinig sa ama. Pero ngayong ilang araw na siya dito ay saka lang ito nangangamusta?



"Okay lang, Pa."



"Anak?... Mayroon ba kayong problema ni Benneth?"








Humigpit ang hawak niya sa kubyeros. Hindi siya nagabalang magtaas ng tingin sa ina, ayaw niyang magsalita. Ayaw niyang sabihin ang nangyari dahil alam niyang kapag narinig iyon ng mga magulang niya ay baka kamuhian nito si Benneth.








Sa bawat minutong lumilipas, kahit ni minsan man, hindi nawala sa isip niya si Benneth. Oo nga at may galit siya dito, pero alam niyang hindi niya kayang iwan si Benneth. Mayroong maliit na umaasa sa kanyang puso,Ul umaasa siyang baka bigla na lang na sumulpot ang asawa niya at sunduin siya nito, pero wala. Walang naghahanap na Benneth o dumating na Benneth. It pained her.





"Sa tingin ko, dapat kayong magusap anak. Kasal na kayo ni Benneth, dapat ay lahat ng problema o saya man ay magkasalo kayo." Tumango lamang si Alecz sa ina.







"Hindi ka na rin nagiisa. Kailangan mo ng karamay para sa batang nasa sinapupunan mo anak." Ngumiti siya sa ama.





Pagkatapos niyang kumain, dumiretso siya sa kanyang lumang kwarto para magisip-isip. Isang linggo na rin siyang nasa bahay ng mga magulang niya, alam niyang kailangan niya ng umalis dahil may sarili na siyang bahay at buhay. Kailangan niya itong ayusin, kung hindi man gagalaw si Benneth, pwes siya ang unang gagawa ng hakbang. Kailangan niyang makausap ang asawa niya.





Nang makapagdesisyon ay agad niyang inayos ang gamit na dala dala niya ng umalis. Nagpaalam siya sa mga magulang at hinatid siya ng kanyang ama. At ngayong nasa harapan na siya g mismong pinto, pakiramdam niya ay hindi niya maihakbang papasok ang kanyang paa. Paano kung galit pa rin si Benneth at bigla na naman siya nitong saktan?




Sa huli ay dahan dahan diyang pumasok gamit ang kanyang susi. Naulaninigan siguro ni Benneth na may dumating kaya't patakbo itong nagpunta sa direksyon niya. Nang magtama ang mga mata nila, huminto si Benneth.



"Alecz..." Nakahubad baro ito at nakasweatpants lamang.


Nagiwas siya ng mga mata. Hindi niya kaya ang titig ni Benneth. Pakiramdama niya ay hinahalukay nito ang kung ano ang nararamdaman niya. "Gusto kong magusap tayo."


Tumango si Benneth at umupo sa sofa, maging siya ay umupo rin ngunit naglagay si Alecz ng distansya sa pagitan nila. Alam niyang nakatitig si Bennetj sa bawat galaw niya dahil nararamdaman niya ang init ng tingin nito. Nanaig ng saglit ang katahimikan.





"N-Nasaan ka?"


"Sa kanila papa lang."


Yumuko si Benneth at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang ulo. "I-I wasn't able to get you. I can't."



"Ayos lang. Nakauwi rin naman ako." Hindi niya ako masundo? Bakit? Dahil wala na siyang pakealam? Ganoon ba kalalim ang galiy niya sa akin?




Nabasa niya siguro ang kung anong tumatakbo sa aking isip dahil agad siyang nagslita. "Hindi kita masundo dahil nahihiya ako." Tumingin sa kawalan si Benneth. "Remember?... I promised on that day of our wedding, at the altar in front of everyone and God that I'll protect you. Pero anong ginawa ko? S-Sinak-"





I look at him. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya na para bang hindi niya kayang banggitin ang huling sinabi. Yumugyog ang kanyang balikat. And I know, Ben is crying.





Yumuko ako. "Kahit ako, nagulat rin. I want to talk to you about things that day, I waited for you but then you came home drunk. Gusto kong magexplain tungkol sa iniisip mo kay Brent. He's now happy on his own, alam mo ba? May nililigawan na siya." I smiled. "And I'm happy for him. Wala na siyang nararamdaman pa sa akin, and it's good cause I won't be able to give him the love that he wants. Cause I only love you Ben. Just only you." The tears I'm holding begin to flow down on my cheeks. "And yeah. Siya ang bumibili ng mga pinaglilihian ko, nakakausap ko dahil siya lang ang pwede kong tawagan. You are so engross on your work, Ben. And that you forget that you are now have a wife that is waiting for you to be home. A wife that wants your time."






"I'm sorry, honey. I'm sorry." Lalong yumugyog ang kanyang balikat. Kinain ko ang distansiy namin at ipinalibot ang aking mga braso sa kanya. We are both crying. "You know, when I saw you packing your clothes, I just closed my eyes." Niyakap ko ni Benneth. "I can't see you leaving on that door, leaving me. It aches my heart, love. I can't bear it."



Oh, my Benneth.





Niyakap ko rin siya at pinunasan ang kanyang basang pisngi. Isiniksik niya sa aking leeg ang kanyang mukha. "I resigned on work. Plano kong ibigay ang lahat ng oras ko para sayo at para sa anak natin. I'm all yours, hon."






Bumitaw ako sa kanya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko si Ben. "You resigned? Kaya pala-kaya pala hindi ka na umaalis..." Tumango siya. "P-Pero mahal mo ang traba-"




Inilagay niya nag hintuturo sa aking bibig dahilan para tumahimik ako. "Mas mahal kita. I'm sorry, hindi ko man lang naisip ang mga bagay na 'yon. But I'm now here to make it all up to you." He smiled and touch my belly lovingly. "I love you."






Minsan, hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko siya. Hindi ko masagot. Hindi ako makahanap ng ssgot.





I kissed him. "I love you, Benneth."



***

AN: Last special chapter.

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon