Chapter 19

34.9K 636 39
                                    




TAMING BENNETH
C H A P T E R - 19
Changed.









May nagbago.



Pakiramadam ko ay may nagbago pagkatapos ng gabing 'yon. Ganon na nga ba kalala ang nararamdaman ko para masaktan ng sobra dahil sa isiping hindi na ako kailangan pa ni Benneth? Pero mabuti na iyon. Atleast, panatag ako na bago ang lahat may makakasama pa rin siya. Yung hindi basta-basta isang araw lang sa kanya, yung kaya siyang ihandle. Ayos na sa akin 'yon.





Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa aking kama. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na kung paano siya magtampo. Namimiss ko na kung paano siya mangulit. Namimiss ko na kung paano siya mangasar at kung paano siya manlambing. Siguro, masyado akong nasanay. Masyado akong nagpadala na sa sobrang dala ko na, nadala na niya pati ang puso ko.






Ito ang problema kapag nasanay ka. Kapag natigil, hindi mo na alam ang gagawin mo. Para bang kulang ang araw-araw ko. Kulang kapag wala siya.





Kulang kapag wala si Benneth.




Isinawalang bahala ko na lang ang nararamdaman at hinalukay ang aking bag. Nang hindi ko makita ang aking notebook kung saan ko sinusulat ang mga notes ko ay nagsimula akong kabahan. Importante iyon! Nandoon ang mga dapat na ireview ko. Lahat na ng sulok ng kwarto ko ay hinalukay ko na, pero hindi ko pa rin makita. Late na ako, pero eto pa rin ako't naghahanap.





Kinuha ko ang aking bag at saglit na tinignan ang aking mukha sa salamin. Medyo malalim na ang mata ko dahil paputol-putol ang tulog ko simula ng umalis ako sa unit ni Benneth. Siguro, nasanay na akong katabi siya.




Masyado akong nasanay.




Umalis ako ng bahay at pumasok. Sa bawat klase, at buong araw pakiramdam ko ay lumulutang ako. Para bang wala ako sa sarili. At hindi ko alam kung bakit. Nang break ko kanina ay hindi ako kumain, nanatili ako sa library at hinahalungkat ang mga pictures sa cellphone ko. Mga wacky pictures at video ni Benneth ang puro laman noon, lagi niya kasing pinapakelaman ang cellphone ko. Baka daw, nakikipagtext ako sa kung sino-sino kahit na ang laman lang naman ng contacts ko ay number nina Papa, nina Tita Bon at syempre ang kanya.





Nang matapos ang klase ko ay nagpunta ako ng parking lot. Pero parang tanga lang akong nakatayo doon at nakatingin sa space na laging pinagpaparkingan ni Benneth. Iba ang sasakyang nandoon at wala ang sasakyan niya. Siguro ay hindi siya pumasok, baka nagkahangover iyon kakainom kagabi. Para pa namang bata iyon kapag nalalasing.




Nang maisip iyon ay agad akong bumili ng gamot at agad na sumakay ng taxi para puntahan siya. Baka nandoon din ang hinahanap kong notebook dahil doon ko lang naman iniiwan ang iba kong gamit.





Nang makarating ako ay agad akong dumiretso sa supermarket na malapit lang sa building ng unit niya, baka wala nang stack ang gunggong na iyon at sa labas lang na kumakain. Hindi pa naman marunong magluto iyon at tamad. Napapailing ako habang kumukuha ng mga kailangan ni Benneth at pagkatapos kong bayaran ay nilakad ko na lang ang papunta ng building ng unit niya. Binati ko si Manong guard na nagtatakang nakatingin sa akin at pagkatapos ay sumakay na ng elevator.





Habang nasa elevator ay hindi ako mapakali. Kamusta na kaya ang ugok na 'yon? Baka dinadaga at iniipis na iyon. Hindi siya marunong maglinis, marunong lang siyang magkalat. At baka ang labahan non ay tambak-tambak na. Naalala ko dati, tinry niyang maglaba pero nasira lang ang washing machine dahil sa nilagyan niya ng limang bar ng bareta ang machine. Gago talaga.






Nang mahinto ay tinahak ko kaagad ang daan papuntang unit niya, at nng mahinto ako sa harap ng pinto 'non ay walang pasubali akong kumatok. Sabik akong makita siya, kahit na nagkita naman kami kagabi at hindi nagusap. At kahit pa narinig ko ang mga sinabi niya.





Pero parang gumunaw ang paligid ko. Para bang kinuhanan ako ng napakaraming dugo. At parang tinapaktapakan ang puso ko. At sa oras na 'to, pakiramdam ko ay namanhid ako.




Si Ayola ang nagbukas ng pinto.



Siya ang nagbukas suot ang t-shirt ni Benneth. At sa pagkakaalala ko, ako pa ang pumili ng damit na iyon kasama siya. Pero eto at iyon lang ang tanging suot-suot ni Ayola. Nagulat siya ng makita ako at maski ako rin ay nagulat. Gulat na gulat.




"Oh, hi Alecz! 'San ka nagpunta kagabi? Umuwi kana ba--" Naputol ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Benneth sa likuran niya at inakbayan siya.






"Alecz?" Nakangiti at patanong na bati ng gago na para bang kung sino lang akong kaibigan na hindi niya inaasahang dadating.





Lumubog ng husto ang puso ko. At kahit ang buo kong pagkatao ay gusto ko na lang din na ilubog sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na parang nawawala.



"Naiwan ko pala ang notebook ko." Walang emosyon ang aking boses habang nakatutok ang mata kay Benneth.





Pero bakit ganoon siya makatingin?
Ano na lang ba ako? Gusto kong humalakhak ng pagak. Wala nga lang pala ako. Wala lang ako. Kaya wala akong karapatan sa kanya. Walang kahit na ano.





***

ImperfectPiece




CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon