TAMING BENNETH
C H A P T E R - 28
Intruder.Natapos ang paguusap namin ni Bret at masasabi kong masarap talaga siyang kasama. Hindi ka maiinip dahil palabiro siya at kwela. Papalabas na kami ng restaurant pero daldal pa rin siya ng daldal at ako naman ay tawa lang ng tawa. Nagkekwentuhan kami habang naglalakad papunta kung saan ipinark ni Bret ang sasakyan niya ng biglang magring ang bago kong cellphone at nakaregister doon ang number ni Papa.
"Hello pa? Pauwi na ak---"
"Susunduin kita anak, hintayin mo ako."
Nagtataka kong tinignan ang cellphone ko. Hindi pa man ako nagsasalita ay ibinaba na iyon ni Papa. Susunduin niya ako? E hindi niya nga alam kung nasaan ako. Pero, hindi naman siguro siya magpepresintang sunduin ako kung hindi niya alam kung nasaan ako hindi ba? Napapailing kong ipinasok ang cellphone ko sa bag.
"May problema?"
"Ahm, wag mo nakong ihatid."
Nangunot ang nuo ni Bret. "Bakit naman?"
"Tumawag si Papa. Susunduin niya raw ako."
Tumango tango si Bret at ngumiti. "Sige. Hintayin na lang natin ang Papa mo."
Nagtataka ko siyang tinignan. "Huh? Natin? As in, me and you?"
Natawa siya at ginulo ang buhok ko. "Yeah. Me and you. Alangan namang iwan kita ritong naghihintay. Baka mamaya, masagasaan ka na naman."
Ngumiwi ako sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Kung ganito ba namang lalaki ang makikilala mo, bakit pakakawalan mo pa? Pogi, mabait, tapos gentlemen pa! Aba. Bibihira na lang ang ganito ngayon. Pero yung mga katulad ni Benneth? Ayan. Naglipana ang katulad niya ngayon. Kaya kayo? Magiingat kayo. Baka matulad kayo sa akin, malas niyo.
Magkakalahating oras na pala kaming naghihintay at nakasandig lang sa likod ng kotse ni Bret pero hindi na namin namalayan dahil sa kung magkwentuhan kami ay parang wala ng bukas.
"Ihatid na lang kaya kita?"
Nagtaas ako ng tingin kay Bret habanng kinukuha ang cellphone sa bag ko. "Wag na. Ang sabi ni Papa, hintayin ko raw siya. Baka magkasalidi lang kami."
Tumango-tango lang si Bret at pagkatapos ay nagpaalam na magbabanyo lang. Pumasok siya ulit sa restaurant habang ako ay kinocontact si Papa. Pero nakakatatlong ring pa lang yata ng bigla na lang may humigit sa kabilang palapulsuhan ko at kinaladkad ako. Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako nagpumiglas pa at nagpatianod na lang. Pero nang magbalik sa tamang kinalalagyan ang utak ko ay nagsimula na akong magpumiglas.
"Hoy! Sin-"
"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses niya. Si Benneth! Hindi ko siya nakilala dahil sa nakajacket siya at nakasombrero. Hindi ito ang suot niya kanina.
"Bitawan mo ako Benneth!" Napakahigpit ng hawak niya sa pulso ko. Sakam na sakam niy iyon dahil sa malaki ang kamay niya.
"At ano? Babalik ka sa lalaking 'yon ha?" Lalong humigpit ang hawak niya. Bumibilis lalo ang lakad niya at dahil nga kakagaling lang ng binti ko ay mrdyo kumikirot iyon sa bawat hakbang ko.
"Wala ka ng pakealam doon! Bitawan mo na ako at uuwi na ako!"
"Hindi!" Tumigil siya at hinarap ako habang hawak pa din ang pulso ko. "Sasama ka sa akin."
Napasinghap ako ng bigla niya akong buhatin na parang sako ng bigas sa balikat niya. Bumaliktad ang paningin ko at nahihilo ako sa bilis ng lakad niya. Hindi ako nagpumiglas pa dahil sa takot na baka bitawan niya na lang ako bigla. Nagsisisigaw ako pero walang pakealam si Benneth ns naglalakad lang dirediretso papunta ng kotse niya kahit na pinagtitinginan kami.
"Ibaba mo ako sabi!" Hinahampas ko ang kaliwa kong kamay sa likod niya habang ang isa ay nakakapit sa damit niya.
"Hindi kita bibitawan." Narinig ko ang pagbukas niya ng pinto at buong ingat niya akong pinasok sa loob ng kotse niya. Tumigil siya saglit at pagkatapos ay nakayuko akong tinitigan habang nakatayo sa labas ng kotse. "Naiintindihan mo?"
Himihingal ako at nakayukom ang kamay na nakaupo doon. Sinubukan kong buksan ang pinto pero sarado iyon at kahit na ang bintana kaya nanahimik na lang ako dahil baka mabigwasan ko siya. Sumakay siya sa driver's seat at binuksan niya ang suot niyang jacket at pagkatapos inihagis niya pabalibag ang sumbrero niya.
Hinarap ko siya at hinampas ng bag ko. "ANO BANG PROBLEMA MONG GAGO KA HA?!"
Hinuli niya ang dalawang kamay ko at pagkatapos ay tinitigan ako. "Tinatanong mo?" Tumaas ang dalawang kilag niya at dumiin ang panga niya. "Ikaw ang problema ko Alecz."
Aba. Ako? As in ako? Nakakainsulto naman. Nakakahiya na pinoproblema niya pala ako kahit na wala naman akong ibinibigay na problema sa kanya. Ang kupal. Gago talaga.
"Tangena mo pala eh! Ako ang problema mo? Ako pa talaga ha?" Naghahamon ko siyang tinignan.
Hinampas niya ang manibela at pagkatapos ay mariin iyon na hinawakan. "OO PUTANGENA IKAW!"
Tumigil ang mundo ko sa sunod niyang ginawa. Dinakma niya ang likod ng ulo ko at pagkatapos ay hinalikan ako sa labi. Bumilis ang tibok ng puso ko, para bang lahat ng ugat ko ay gumana. Tumigil ang paligid ko at hindi ko alam ang gagawin ko.
Bullshit.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Narrativa generaleClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...