Chapter 43

32.3K 531 31
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 43
Salisi gang.











"Nandito na tayo."









Bumaba ako ng sasakyan at akmang kukunin na ang gamit ko sa likod ng sasakyan ng pigilan ako ni Brent.







"Ako na." Iniangat niya ang braso at hinawi ang sleeve ng kanyang suot na pangitaas. "Wala ka bang tiwala sa muscles ko?" Ginalaw galaw niya ang braso para lumabas ang kanyang muscles.







Ngumiwi ako. "Puro ka talaga kalokohan."









Tinawanan niya ako. Bahagya siyang napatigil at tinitigan lang ako, hinawakan niya ang dalawa kong kamay at bahagyang hinaplos haplos iyon. Tinignan ko naman siya ng may pagtataka. "Oh, bakit?"










Ngumisi siya pagkuwan. "Ang ganda mo talaga."








Akma ko sanang hihilahin na ang aking kamay dahil sa alam kong pinaglololoko niya lamang ako nang lalo niyang higpitan ang kapit. "Ano namang trip ito? Hoy, baka nakakalimutan mo? May flight pa tayo."





"Alam mo, buti na lang pala at nasagasaan kita ano?" Napatigil ako. "Kasi nakilala kita."








"A-Anong bang p-pinagsasabi mo diyan?" Nagtataka na ako sa ikinikilos niya, sa paraan ng mga sinasabi niya. At kapag tititigan ko rin pabalik ang kanyang mata, nakikita ko ang nararamdaman ko. Nakikita ko ang lungkot at sakit. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nakikita ko. Isa si Bret sa mga taong kilala kong masayahin, at nakakapanibagong ganito siya.










"Nakakamangha nga eh, kasi minahal kita sa loob ng maikling panahon."











Nagkatitigan lang kami habang nakatayo sa labas ng kanyang kotse, hawang niya ang kamay ko at magkaharap kami.








"Ano bang mayroon Brent? Hindi ko man masuklian ang mga ibinigay mo, hindi ko man kayang higitan lahat ng iyon ay isa ka sa mga mahalagang tao sa buhay ko, parte ka na rin ng buhay ko."











"Parte lang ako ng buhay mo. Ng buhay mo lang, at hindi ng puso mo."



"Brent..."






Niyakap niya ako. "Alam kong wala ng hihigit pa sa kanya para sayo, alam kong pinipilit mong tanggapin. Na kalimutan. Pero hindi mangyayari ang gusto mo Alecz kung nilalabag mo ang sinasabi ng puso mo."














Binitawan niya ako at ngitian. Binigyan niya ako ng isang ngiting malungkot at pagkatapos ay hiawakan niya ako sa balikat. Talikod siya at kinuha ang aking mga gamit sa likot ng kotse at inilapag iyon sa aking tabi.










"Mauna kanang pumasok doon, susunod ako. Tatawagan ko lang ang kukuha ng kotse."











Ngumiti lamang ako ng bahagya at tumango. At pagkatapos ay pinanuod ko siya ng saglit habang nakatalikod siya sa aking gawi at may kinakausap sa kanyang telepono. Maya maya rin ay tumalikod na rin ako at naglakad papasok sa loob ng airport.






















Tinatawagan ko si Brent pero hindi ko siya macontact, tinatawag na ang flight namin pero wala pa rin siya. Kanina ko pa siya hinihintay dahil sabi niya ay susunod siya kaagad. Tatawagan ko sana siyang muli ng may matanggap akong text mula sa kanya.









From: Brent Lagunzaga

Mauna kana, susunod ako. Sandali lang ako.












Nagdadalawang isip pa ako pero baka maiwan ako ng eroplano kaya minabuti kong iabot na ang aking ticket at passport, doon ko na lang siguro siya hihintayin.








Pero nang makaakyat ako sa eroplano at hanapin ang seat number ko ay nagtataka kong tinignan ang nasa tabi ng aking upuan. Wala pa rin doon si Brent. Baka maiwan siya! Akmang lalabas sana ako ng pigilan ako ng stewardess.






"Miss! Yung kasama ko! Wala pa siya!"




"Ma'am sakto na po ang mga nakaboard. Wala pong kulang. Baka iba po ang sasakyan ng kasama niyo, umupo na po tayo Ma'am."







"Huh? Hindi! Dito siya nakaupo sa tabi ko. Pareho ang flight namin at destination. Magkasunod lang ang seat number namin." Pinagpipilitan ko pa ring sabihin iyon pero, sakto na raw ang nasa loob ng eroplanong ito. Hindi iyon pepwede! Si Brent!









Umupo muna ako at agad na hinanap ang aking cellphone sa aking shoulder bag para tawagan si Brent ng biglang may umupo sa aking tabi.











"So, iiwan mo na lang talaga ako?"













Napatigil ako ng marinig ko ang boses ng lalaking tumabi sa akin. Nagangat ako ng tingin at nakita ko ang mukha niya ng iangat niya ang nakataklob na hoodie ng kanyang jacket sa kanyang ulo. Literal na lumaki ang aking mga mata at napanganga ako.











"B-Benneth?"





***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon