TAMING BENNETH
C H A P T E R - 48
Dejà vu.Nagising ako ng may mabigat na nakadagan sa aking bandang tiyan, pakurap kurap kong iniangat ang ulo para tignan kung ano ba iyon pero ng makita ko ang mukha ni Benneth ay napabuntong hininga ako. Hinaplos ko ang buhok niyang gulo gulo. Nagbalik tanaw ang isip ko sa nangyari kagabi. Hindi ko mahanap ang pagsisisi doon, bakit ka nga ba naman magsisisi kung sa pagitan niyo naman pala iyon ng minamahal mo nangyari? Pinaramdam niya sa aking ako lang ang pinakamaganda sa kanya, pinaramdam niya sa aking mahal niya ako. Ginawa niya akong isang ganap na babae. Nakakahinga kami ng maluwag dahil sa wala ng kung ano pa ang humahadlang sa amin, hindi kami nagdadalawang isip kung tama bang magkasama kami. Pero kaya lang...
Kaya lang kasi, oo nga at mahal niya ako. Oo nga at mahal ko rin siya. Mahal namin ang isa't-isa. Nagmamahalan kami. Pero wala kaming label.
Ano ba ang tawag sa amin?
Balik zero? PKNPH? Parang Kami Na Parang Hindi? Magulong usapan na naman? Pabebe dito at pabebe doon? Kung ako ang tatanungin, mahirap ang ganoong stage ano. Naalala ko 'non, halos magsama na kami sa iisang bahay pero hindi naman kami, wala kaming relasyon at alam naming may limitasyon kaming sinusunod. Pero hindi ko inaasahan, biglang nagbago ang kilos at pananaw ng puso ko para kay Benneth ng hindi ko namamalayan, mahal ko na pala siya. Tago dito, tago doon. Ganoon na naman? Pero iba na ngayon, level up ika nga nila, alam niya namang mahal ko siya, at ramdam ko ring mahal niya ako, at hindi ko na alam kung ano ang susunod na level ang kasunod nito. Kailangan kong malaman ang susunod na level para malaman ko kung ano ba ang label namin.
Naputol ang kung ano-anong iniisip ko ng may lumapat na malambot sa aking labi. Gumalaw iyon, sumusunod sa hagod ng halik ni Benneth.
"Goodmorning." Lumipat ang kanyang ulo malapit sa aking dibdib na natatakpan ng manipis na kumot. Ngumingisi niya akong tinitigan.
"Goodmorning." Ngumiti ako at muling hinaplos ang kanyang buhok.
Napatigil ako sa paghaplos ng bahagya siyang umangat at umunan sa aking balikat, idinagan niya ang kalahating katawan, iniyakap niya sa akin ang braso at isiniksik ang mukha sa aking leeg.
"Umuwi na tayo."
Napalayo ang mukha ko sa kanya, tinignan ko siya ng may pagtataka. "Huh?"
"Ang sabi ko umuwi na tayo."
Muli kong inihiga ang ulo. "Ikaw kamo ang umuwi na."
"Bakit naman? Hindi mo man lang ba naappreciate yung ginawa kong pakikipagsabwatan sa pangit na Bret na 'yon? Yung malapit ko ng masirang bait dahil hindi kita mahanap?"
"Si Bret..."
"Oo si Bret. Iyong pangit na mahal ka rin at--- saan ka pupunta?"
Tumayo ako kipkip ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Kailangan kong kausapin si Bret. Nawala sa isip kong kailangan ko siyang makausap dahil sa naging ukupado ni Benneth ang utak ko ng magdamag. Hinahanap ko ang cellphone ko pero hindi ko iyon mahanap maski sa bag ko.
"Nakita mo ba yung phone ko?" Natataranta ako sa kakahanap sa kung saan.
"Bakit?" Maangas niyang tanong.
Huminto ako at sinulyapan si Benneth. "Kailangan kong kausapin si Bret!"
Walang pakelam na umupo si Benneth, wala lang sa kanya na nakikita ko ang kinabukasan niya sa harap ng dalawang mata ko. Nang magangat ako ng tingin ay tinaasan niya ako ng kilay. Gumanti rin ako at itinaas ang aking kilay, tinuro ko ang pangalawang ulo niya.
"Takpan mo 'yan. Baka maputol ko yan."
"Sige nga. Hawakan mo nga." Aba. Gago 'to ah.
"Sinusubukan mo 'ko?"
"Sinusubukan mo rin ako?"
Nagtitigan kami pero biglang nalukot ng parang tinapay ang nuo ni Benneth. Sumimangot siya at kinuha ang kumot para takpan ang dapat takpan. Tumalikod ako at pumunta ng cr para magtoothbrush. Mamaya ko na lang siguro kakausapin si Bret kapag nahanap ko na ang cellphone ko.
Habang nagtotoothbrush ako ay biglang sumupot sa aking likuran si Benneth, nakasuot na siya ng basketball shorts. "Ishave mo ako."
Tinapos ko ang pagsisipilyo. "As in ikaw? Buong katawan?"
"Kaya mo? Ishishave mo talaga lahat?" Hinawakan niya ako sa bewang at iniupo sa sink. Iniabot niya sa akin ang shaver at shaver cream.
Nilagyan ko ang baba niya. "Hanggang ngayon ba, kailangang ako pa rin ang gagawa nito?"
Pumwesto siya sa pagitan ng hita ko. "Ikaw lang ang gusto kong gumagawa nito saken."
Napatigil ako at ngumiti sa kanya. "E bakit noon si Ayola?"
"Hindi ka niya mapapantayan. You're the one on my pedestal."
"Talaga lang ha." Sinisimulan ko na siyang ishave ng pigilin niya ang ako. Hinawakn niyang palapulsuhan ko at ibinaba iyon. Tinignan ko naman siya ng may pagtataka. "Bakit?"
"Gusto ko lang malaman mong masaya ako at kasama na kita ulit." Inilagay niya ang takas na buhok sa aking tenga.
"Mukhang matino kana ah."
Itinukod niya ang braso sa gilid ko at yumukod sa akin. "Matino man ako o hindi, wala ka ng rason para makaalis. You can't get away from me baby, I'll sure you that."
Ikiniskis niya ang tungki ng ilong sa akin. "Pwede bang kainin ka ulit?"
"Gusto mo bang maputulan ka talaga?"
Hindi pa rin siya matino. Manyak pa rin siya.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Genel KurguClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...