TAMING BENNETH
C H A P T E R - 3
Bulong."Tangena. Inaantok na ako ah."
Reklamo ng reklamo. Aba! Nagmura pa!Tinampal ko ng mahina ang bibig niya. "Hoy Benneth! Nasa ibang pamamahay tayo. Yang bunganga mo ha, tumigil ka diyan." Bulong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa bahay nung kapartner ko sa project. Inabot na kasi kami ng gabi. Gusto na kasi naming tapusin para hindi na kami magkandakarakara kapag oras na ng pasahan. Sinabi kong may kasama ako, at sinabi kong si Benneth iyon. Syempre, kilala itong babaerong 'to sa uni. Sinong tatanggi?
"Pwede bang bilisan na natin?" Baka makabali ako ng leeg ngayon. Itong babaeng ito hindi naman tumutulong eh. Sige lang ang titig kay Benneth. Tusukin ko kaya ng stick ang mata nito?
Biglang natauhan ang malandutay at simula ng gumawa. Si Benneth naman na nakahilig at nakasiksik ang mukha sa leeg ko ay bulong ng bulong. Inaantok na kasi ito eh. Badtrip na ito panigurado. Pinalitan pa kasi ang partner ko, ayos naman na sana at hindi kailangan.
"Gusto ko ng matulog." Bulong niya, sabay siksik uli.
"Benneth mahiya ka ha, kurutin ko iyang singit mo diyan eh. Kasalanan mo 'to, kaya itikom mo iyang ngalangala mo."
"Tsk, inaantok na nga ako e."
Lumalabas na ang pagkaisip-bata niya."Saglit lang okay? Saglit na lang." Ayaw ko ng patulan, baka iwan ko ito dito kapag nainis ako.
Hinarap ko si Maha. O, diba? Pangalan pa lang malagkit na. "Pwede bang ikaw na lang ang tumapos nito? Kailangan na naming umuwi e."
Bigla namang nanlaki ang mata niya ng biglang yakapin na ako ni Benneth sa bewang sa mismong dalawang braso na nito, at lalong nagsumiksik.
Hindi ko na pinansin ang reaksyon niya. Bahala siya sa isipin niya! "Inaantok na kasi si Benneth."
"Si-sige. Ako na ang magtatapos." Halatang nagulat ito sa mga ikinikilos ni Benneth.
"Ben, tara na." Bulong ko sabay tapik. "Uuwi na tayo." Bulong ko ulit.
Hala! Hindi na gumalaw! Baka patay na ito? Biro lang, pero kapag ito nagpabigat sa akin ay papatayin ko na ito ng tuluyan.
Bumulong akong muli. "Benneth, tatayo ka o iiwan kita rito?" Madiin kong bulong.
Bigla naman siyang napaupo at pupungas-pungas na tumingin sa akin. "Bakit mo 'ko iiwan dito?" Nakakunot ang noo ni Benneth. Kita mo 'to. Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi. Ganito siya kapag inaantok na, nagiging makulit, isip-bata.
"Wala akong sinasabi. Inaantok ka na diba? Tara na. Uuwi na tayo." Malumanay na ang boses ko, kapag ganito siya dapat nilalambing para tumahimik at sumunod.
Tumayo na ako at inalalayan ko ring tumayo ang damulag. E pano? Gegewang-gewang na! Parang lasing. Naku! Ang bigat pa naman nito.
Nang makatayo ay, lumigkis ulit sa akin. Yumskap tapos ay sumiksik sa leeg.
"Si-sige. Ingat kayo, Benneth." Hanggaleng! Si Benneth yung kinausap eh plakda na, ako ang kaharap at matino rito hindi pinansin? Manakawan sana itong bahay niyo!
"Pakitapos na lang ha. Uuwi na kami. Salamat." Parang mapupunit na ang labi ko sa plastik kong ngiti.
Hindi pa rin ako pinansin ni Maharot, este, Maha lang pala. Walang 'rot'.
Magnana sana iyang singit mo! Malandi!
Lumabas kaming hirap na hirap, para bang pasang-pasa ko ang mundo sa bigat nitong si Benneth! Nakakakunsume talaga itong tarantado na ito! Tignan niyo, ako ang hirap na hirap ngayon.
"Benneth, pwede bang magpagaan ka naman kunyare? Juskopo!" Pakiusap ko habang paisa-isa kami ng hakbang.
"Lecz, hindi mo 'ko iniwan don?" Bulong niya.
"Kung iniwan kita doon? Sa tingin mo naghihirap ako dito? Magpagaan ka naman!"
Inabot kami ng mga pitong taon bago nakarating sa sasakyan, parusa ba 'yon G? Kunyari si Sophie raw ako. Nang maiupo ko siya sa passenger seat at pagkatapos makabitan ng seatbelt ay isasara ko na sana ang pinto ng kotse kaso ay hinila niya ako at niyakap.
"Alam ko namang hindi mo ako iiwan doon e. Mahal mo kaya ako."
Bigla ko siyang itinulak kaya napatuwid ako ng tayo. Tignan niyo ito! Kung saan-saan umaabot ang imahinasyon!
"Che! iipit ko iyang ulo mo dito sa pinto e. Buti ka binuhat kita! Kundi baka ipinagahasa na kita sa Maharot na iyon!"
"Sus. Aaminin mo na, hindi ko naman ipagkakalat."
Sa inis ko ay piningot ko siya! Matanggal sana itong tenga mo! Tarantado!
"Ar-aray-Aray ko!"
"Aray ka diyan!"
"Ang sakit ah!" Sigaw niya.
Hindi pa kami nakakaalis. Nandito pa rin kami sa labas ng gate ng bahay nila Maha sa gilid ng karsada, isalvage ko na lang kaya ito para peaceful ang paguwi ko?
"SINISIGAWAN MO AKO?! HA?!"
"HINDI! BUMUBULONG LANG AKO!" Wow!
"Sinusubukan mo 'ko, Benneth?" Humina na ang boses ko at nanliit ang mata ko.
"Ikaw kasi eh! Umuwi na nga tayo." Sabay paharas na kinamot niya ang ulo niya, kinukuto na ata ito eh.
"Bwesit ka kasi eh! Kanina pa sana tayo nakauwi! Iyang ugali mo kasi. Kuuu!" Gigil kong isinara ang pinto ng kotse sa gilid niya at sumakay na sa driver seat. Oo, Ako ang magmamaneho. Alangan naman itong siraulo na ito, baka mamatay kami ng maaga. Marami pa akong pangarap. Hindi pa pwede.
"Sa akin ka ba matutulog?" Maya-maya tanong niya habang nagmamaneho ako. Medyo nahihimasmasan na siguro.
"Hindi. Ayaw kita makasama." Hindi siya sumagot.
Nagdaramdam na iyan. Iyan pa! Kabisado ko na ang takbo at lakad ng utak niyan. Nang makarating kami sa harap ng building ay hindi pa ako nakakapagparada ay bigla na lang siyang bumaba! Nang makapagparking ako ay sinundan ko siya. Pagkarating ko sa unit niya ay nakalock ang pinto. Hindi ko mabuksan!
Kinalampag ko ito. "HOY! BUKSAN MO 'TO KUNG AYAW MONG BIGLA KANG NAWALAN NG PINTO!" Sigaw ko.
Pero wala talaga. Siraulo talaga iyon! Kunting kere lang eh dinamdam agad! Alam ko bukas maghihiganti yan!
Abangan na lang natin."Bahala ka sa buhay mo!" Hindi na ako nagtagal pa at umuwi na lang, hindi rin iyon makakatiis.
Tignan natin Benneth.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Ficción GeneralClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...