Chapter 40

33.7K 502 10
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 40
With you.


"Hello?"






"Kamusta?"




Tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang boses ni Brent. Matagal-tagal na rin ang huli ng makita ko siya, sinubukan ko siyang contactkin pero hindi ko na siya macontact pa. Laging sinasabi na hindi na raw nageexist ang number niya, kaya inisip kong baka nagpalit na siya ng numero.




Ngumisi ako at nagkunwari. "Hello? Sino 'to?"


Narinig ko siyang bahagyang tumawa. "Wag kang nang magkunwari. Kahit kailan hindi makakalimutan ng isang nasagasaan ang nakasagasa sa kanya."







Hindi ko napigilan at tumawa ako sa sinabi niya. "Napakataba talaga ng utak mo ano?




"Oo..." tumigil siya ng saglit. "... puro kasi ikaw ang laman."


Hindi ako nakapagisip ng ipangsasagot sa sinabi niya kaya tumikhim ako at iniliko ang usapan. "Kamusta?"

"Kita tayo?"
























"So..." Nilingon ko siya ng magsimula siyang magsalita. "... kamusta?"




"Ayos lang." Tumango tango ako at ngumiti. "Ayos lang."





Matagal akong tinitigan ni Brent, hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya. Pero sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa akin, pakiramdam ko ay parang isa akong puting kristal at nakikita niya ang nasa loob ko, ang nararamdaman ko.




"Bakit napakapeke ng ngiti mo?"





Nawala ang kurba sa aking labi, bumagsak ang aking mga balikat. Nagiwas ako ng tingin at tinignan ang dagat sa aking harap. "May masama ba sa pagngiti ng peke?"







"Wala naman. Ang ibig ko lang sabihin, bakit kailangan mo pang ngumiti? Ng peke? Ng hindi totoo kung hindi ka naman pala tunay na masaya?"





"Ang galing ko nga eh. Nagagawa ko pang ngumiti, hindi kailangan ng lahat na malaman kung ano ang nararamdaman ko. Natatago ko. Nakatago sa nakangiting maskara." Ngumisi ako pagkuwan.





Inabot ni Brent ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit. "Alecz, hindi mo kailangang magtago, nandito ako. Hindi mo kailangang magpanggap sa harap ko."





Naging hudyat ang sinabi ni Brent para tumulo ang luha ko. Bakit hindi 'to maubos-ubos? Niyakap ako ni Brent, at pakiramdam ko habang yakap niya ako ay nakahanap ako ng karamay. Karamay na masasandalan, na mapagsasabihan. Sinubukan kong ibaling ang nararamdaman ko, pero kahit na anong gawin ko, hindi ko maturuan ang puso. Dahi kahit kailan naman ay hindi naturuan ang puso. Gusto kong suklian ang nararamdaman niya para sa akin, ang nga ginawa niya para sa akin. Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay kay Brent at wala nang ihihigit pa.








"Sasama ako ha." Nangunot ang nuo ko ng sabihin niya iyon pagkuwan. Saan naman siya sasama?




Kumawala ako sa kanyang yakap at tinignan siya ng may pagtataka. "S-Saan ka naman pupunta? Sasama?"


    
"Oo." Saglit siyang may dinukot sa kanyang bulsa sa likod ng kanyang suot na pantalon.



"Sobre?" Tango lang ang isinagot niya sa akin ng tanungin ko siya.




"Buksan mo."





Lalong lumalim ang gatla sa aking nuo ng makita ko ang laman ng sobre.


"Bakit---"



Ngumisi si Brent ng makita niya ang pagtataka sa aking mukha. "Sabi ko sayo sasama ako eh." Mayabang niya akong tinignan.





Seriously?



"Paano mo nalamang aalis ako? Bakit magkapareho ang araw ng alis natin, oras at distenasyon?"





Pero ang gago ay nginisihan lang ako.







***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon