S p e c i a l c h a p t e r
After that day, wala nang nangyaring kibuan sa pagitan nila. It's been a week.
Yes, nagkakausap sila ni Brent. Matapos ang araw ng kasal nila Benneth, tumawag sa kanya si Brent. Pagkatapos noon, paminsan minsan ay naguusap sila. Masaya na rin siya para kay Brent, may kasalukuyan itong nililigawan sa ngayon. Ayon sa kwento nito, kababata niya daw iyon sa probinsya. Walang ibang ginawa si Brent sa kanya kundi kabutihan, lalo pa't nalaman niya kay Benneth na ito pala ang nakasabwat niya noong araw na akma na siyang aalis ng bansa. Kaya sa tingin niya, walang masama sa makausap si Brent. Hindi niya alam kung ano ang pinoproblema ni Benneth.
Kay liit lang ng tampuhan nila, pero ngayon ay lumala. Kabisado niya ang ugali ng asawa, masyado itong maseselosin. Kaya kung nagseselos man ito o ano, sa tingin niya ay galit ito sa kanya. May kaunting lungkot siyang nadarama, akala niya, lalambingin lang siya ni Benneth, magpapakipot siya, lalambingin ulit, tapos okay na. Pero hindi. Hihintayin niya na lang siguro na kibuin siya nito.
Napapansin niyang hindi na rin ito umaalis pa ng bahay. Nagtataka tuloy siya. Buong araw silang nagpapakiramdaman, hanggang doon lang at kahit ni sibil na paguusap ay walang nangyari. At nababahala na siya doon.
Nakaupo siya sa sala habang nanunuod. Pinapatay niya ang oras doon para hindi mabagot sa kakahintay kay Benneth, gabing gabi na kasi ngunit hindi pa rin ito umuuwi. Nasaan na kaya ang asawa niya? Hindi nagtagal, nang marinig niya naman ang kalampag ng pinto ay agad niya iyong binuksan. Napaatras siya ng pumasok si Benneth ng pasuray-suray.
"B-Ben?"
Hindi siya nito pinansin at tuloy lang sa paglakad papuntang sofa at naupo doon ng nakapikit. Isinara niya ang pinto at pinuntahan si Benneth sa kinauupuan nito. Nang magmulat ito ng mata ay mukhang nasa tamang huwisyo pa naman ito, tinanggal nito ang ilan sa pagkabutones ng damit at sumalampak ulit doon. Hindi man lang siya nito matignan.
Nagdadalawang isip tuloy siya kung magsasalita ba siyang muli o hindi. "K–Kumain ka na ba?"
Muli, wala pa ring kibo si Benneth. Pero unti-unti nang nagsasara ang mga mata nito. Napabuntong hininga siya at yumukod, kahit na hirap dahil sa malaki na ang kanyang tiyan ay nagawa niya pa rin. Hinubad niya ang sapatos ng asawa, ngunit ng akmang huhubarin niya na ang medyas nito ay nagulat siya ng biglang mapaupo sa sahig.
Tinulak siya ni Benneth!
Napaupo siya sa sahig. Nanlaki ang kanyang mata at binalot ng takot ang kanyang mukha. Ang baby niya! Pinakiramdaman niya ang sarili, taas baba ang kanyang dibdib sa kaba. Nang magtaas siya ng tingin ay nakatingin din sa kanya si Benneth, at katulad niya nanlalaki rin ang mga mata nito at namutla, nawala ang pagkalasing at bumalatay ang takot at sisi sa mukha. Nakaabot ang kamay nito sa kanya, nagdadalawang isip kung hahawakan ba siya o ano.
Nang wala siyang maramdaman ay nakahinga siya ng maluwag. Hinay-hinay siyang tumayo. At nang hawakan siya ni Benneth ay parang napapasong lumayo siya dito. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng takot sa asawa. Natatakot siyang baka saktan siya nito.
"By..." Aabutin sana siyang muli ni Benneth ng muli siyang lumayo.
Umiling siya. Natatakot. "Wag..."
Ibinaba ni Benneth ang mga kamay sa magkabilang gilid at ikinuyom. Kinuha niya ang oras na iyon para lumayo dito at umakyat sa kwarto. Sa ibang kwarto.
Siguro, kailangan niya munang lumayo kay Benneth.
***
AN: Ano bang nangyayari sayo Ben? :(
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiction généraleClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...