Chapter 16

36.5K 657 16
                                    


TAMING BENNETH
C H A P T E R - 16
It's real.


Dry.






As in tuyot na tuyot  na ang utak ko sa loob ng unit nato. Mabubulok na ang kakaluwa ko pero hindi pa rin ako nakakalabas. Jusko marimar.


"Kailan mo ba ako balak na palabasin rito ha?" Sinundan ko siya nang talikuran niya ako at pumunta ng kusina. "Kailan Benneth? Kailan?"


"Nah. Bakit ba ang kulit mo? Dito lang tayo. Bawal lumabas." Sabay laklak niya ng juice na nasa karton pa. Pogi nga wala namang manners. Tsk.



"Anong dito lang tayo? Anong bawal lumabas?" Nangunot ang nuo ko sa mga kung ano anong pinagsasabi niya. Hindi ko malaman kung trip ba itong ginagawa niya o ano.

"Alam mo ang ibigsabihin 'non, Alecz. Dito lang tayo. Tayo lang."


Inilapag niya sa counter ang karton ng juice, pagkatapos ay lumapit siya sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bewang ko. Nangangat ako ng tingin dahil sa tangkad ni Benneth, talagang manliliit ka talaga kapag nasa paligid mo lang siya. Nagdedemand ng atensyon ang presensya niya. Nagkatitigan kami bago ako muling nagsalita.

"Alam ko nga, Ben. Pero hindi ko alam kung ano ang rason. Kung bakit."


Ibinaba niya ang kanyang mukha pagkatapos ay ipinatong niya sng kanyang nuo sa nuo ko. "Bakit? Ayaw mo ba?"

Nangunot na naman ang nuo ko. "Ben, ano ba 'to? Trip mo na naman ba 'to?"



Tinanggal niya ang mga kamay niya sa pagkakapulupot sa akin pagtapos ay lumayo ng bahagya. "Bakit ba lagi mo na lang iniisip na nagtitrip lang ako? Bakit hindi mo ako seryosohin ha?"


Natawa ako at nailing. "Seryosohin kita? Eh wala namang seryoso sa atin eh. Alam natin kung ano lang tayo, Ben. At hanggang doon lang tayo."

Nakita ko ang sakit na lumitaw sa kulay tsokolate niyang mata. Tumango-tango siya. "Oo nga naman pala. Tama ka nga."




Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako. Matagal akong napako sa kinatatayuan ko ng maaalala ko ang nakita sa mata ni Benneth. Bakit siya nasaktan? Nasaktan nga ba siya? Pero sinasabi ko lang naman ang totoo at alam kong alam niya rin iyon. Higit sa akin, siya ang mismong dapat na hindi makalimot ng bagay na 'yon. Nang mapagpasyahan kong bumalik sa sala ay nakita kong bahagyang nakabukas na ang pinto.



Nakabukas na? May nagbukas? Pero sirado ito. O baka naman binuksan na ni Benneth? Sinarado ko ang pinto at pagkatapos ay pumunta ng kwarto para tanungin siya. Pero nasa hamba pa lamang ako ng pinto ng marinig kong may kausap siya sa telepono.

"Yeah. I missed you too Zif. Oh. Okay. Okay. Hahaha. Just text me if you're free.... take care too. Bye."

Kaming dalawa. Pero may ganon? Oo nga naman. Parang hindi ko kilala si Benneth, walang uurungan iyon basta babae. Babaero is always a babaero and it'll never change. So, why bother hope that maybe he'll be serious? That maybe the words he said earlier is not just a lie? Pero suntok sa buwan iyon. Hindi siya ganoon. Hindi siya nakokontento sa kahit na anong bagay. Napailing ako at pumunta sa vanity table ng kwarto at dinampot ang suklay. Sinusuklay ko ang buhok ko pero tinitignan ko rin ang kanyang repleksyon sa salamin.

"Aba. May date huh." Ngumisi ako para kunyari ay interesado ako na may bago siyang babae.


"Sort of." Maikling sagot niya habang mabilis na tumitipa sa kanyang cellphone.


Ibinaba ko ang suklay at pagkatapos ay kumuha ng damit pambihis. Hinarap ko siya kung saan nakaupo siya sa kama. "Labas muna ako."



"Yeah." Balewala niyang sagot habang hindi pa rin naaalis ang mata niya sa cellphone na hawak.


Tumango lang ako't tinungo ang cr para magbihis. Nang makapasok ako ay agad kong hinawakan ang aking dibdib. Bakit ba ganito ako? Bakit masakit sa akin na ganoon si Benneth? Bakit ako nasasaktan?


Tinungo ko ang salamin at pinakatitigan ang aking pigurang kaharap. Iniisip kung bakit iba na ang sagot ng mga kilos ko sa mga kilos ni Benneth. Kung kailan nagsimula. Pero paulit-ulit lang na bumabalik sa bakit at bakit ang hindi ko masagot. Ginulo ang buhok ko sa inis. Pagkatapos ay sinabunutan ang sarili ko.


"Mahal ko na yung gagong yon?!" Nagsalita ako pero walang tinig. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin ng tinging hindi makapaniwala. "Bwesit!"



Sinabunutan ko pa ang sarili ko ng ilang beses pagkatapos ay binuksan ang shower at tumapat doon kahit na nakadamit pa rin.





Tangena. Totoo pala si Pagibig.





***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon