"Uy, Fille! Dito!"
Napabaling ako ng tingin sa lamesa ng mga babae. Maraming alak doon na nakatumba na at nakatapon. May balat din ng mga chips at isa lang ang masasabi ko, sobrang kalat. Naiinis pa naman ako kapag makalat kahit na hindi ko pagmamay-ari ang lugar.
I sighed and walk towards them. Hindi ko magawang magsaya dahil sa pagod. Wala talaga ako sa mood ngayon at kilala nila ako bilang masungit at snob. Hindi ko na lang pinansin, sayang lang energy ko sa kanila.
"Hi!" I tried to smile.
They greeted me back.
"Kumusta na? Future doctor, ah?" Tumawa si Rem at tinungga ang bote ng alak.
"Yeah. Stress," sabi ko pinasadahan ng daliri ang buhok.
"'Kala mo ikaw lang?! Kami rin, uy!" sabi ni Wendy. Basa ang buong katawan niya na mukhang kakagaling lang sa pool. Hindi ba siya nilalamig?
I handed my gift first to Nathalie. Nung una nagulat pa siya na may regalo ako sa kanya pero tinanggap niya rin naman.
"Akala ko hindi ka magbibigay! Naghihintay pa naman ako kanina sa sasakyan!" aniya at tumawa. Uminom muna siya ng isang shot bago iutos sa kanilang maid na iakyat sa kanyang room.
Naupo ako sa tabi.
Inabutan ako ni Nathalie ng isang basong naglalaman ng alak. Agad akong umiling.
"May pasok pa bukas," tipid kong sinabi.
"Sige na! Isa lang, eh!" pagpupumilit niya.
I sighed and take it. Inisang lunok ko iyon at naramdaman ko kaagad ang pait nito at pagdaloy sa lalamunan ko. I feel nausea. Shit. Isa pa lang iyon pero gusto ko ng sumuka. I guess mababa tolerance ko pagdating sa alak.
"I missed you, guys..." I said and smiled to them.
"Kami rin naman, Fille. Hindi ka nga masyadong online. Nag-aalala kami sa 'yo kasi baka masyado kang nagpapakalunod. Knowing college days, mahirap at nakakapagod. Pero you have to rest din naman," Rem with her concern face.
"Kaya nga! Akala mo hindi namin alam galaw mo sa school niyo? Duh, nagbabalita sa amin si Hexzel!" They both sighed. "Nakulong ang magaling mong nanay."
That caught off my guard.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Hindi ko akalain na pati iyon ay malalaman nila. S'yempre, sino pa ba ang walang nakakaalam kung kalat iyon sa lugar namin? Parang tanga lang, kailangan pa i-kwento sa buong mundo.
My eyes became teary.
"W-Wala siyang kasalanan..." my voice cracked.
"C'mon, Fille! We both know what truly she is-"
"But she's not a murderer!" mariin kong sinabi.
"Napagbintangan lang siya, Rem, Wend..." Umiling ako. Tuwing naaalala ko kung paano siya sinabihan ng guilty ay namumuo ang galit sa loob ko. Ang dumi nila! Kapag mahirap walang boses! Ni hindi nila pinakinggan ang side ni mama at sinabing kasinungalingan lang iyon. Pero may inilabas silang evidence at hindi ko alam kung saan galing iyon!
Kahit na mas pinipili ni mama ang iba kong kapatid dahil sa mas may pakinabangan sila ay mahal ko pa rin siya. Kahit ano pang gawin o sabihin niya sa akin, hindi matitibag no'n ang pagmamahal ko para sa ina ko.
"Oh! You looked familiar." Napa-angat ako ng tingin sa babaeng dumaan. She's tipsy. May hawak pa siya ng bote ng alak.
Hanggang sa bumilog ang bibig niya at tinuro ako.
"You're the daughter of murderer!" she blurted out and burst out laughing.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
General FictionNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...