Chapter Twenty Seven

20 2 0
                                    

Saan? by Maki

***

Nagising na lang ako dahil sa paghalik ni Acush sa sentido ko. Gumapang ang isa niyang kamay sa balikat ko at hinaplos-haplos. Dahan-dahan ko siyang hinarap.

"2:30 na..."

Tumango ako at dahan-dahan na bumangon.

"Inaantok ka pa ba? Huwag na kaya tayong sumama?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umiling. "Sasama tayo."

Ngayong paalis na si Clawd, ayoko namang isa sa mga kaibigan niya ay hindi siya ihatid dahil lang sa akin. Saka gusto ko ring samahan sila ihatid si Clawd.

Tahimik siyang tumango at inalalayan akong makatayo. Lumabas kami ng kwarto at naabutan ang dalawa. Si Clawd ay pabalik-balik na naglalakad habang si Peace ay tinitingnan ang laman ng bag ni Clawd.

"Are you okay, Awd?" tanong ni Acush at naglakad papunta sa kusina.

Tumigil sa paglalakad si Clawd at nilingon ang dinaanan ni Acush papuntang kusina.

"Yeah. I'm just worried."

"Saan daw ba siya? Canada, 'di ba?"

Lumabas ng kusina si Acush at inabot ang isang baso ng hot chocolate sa akin. Kinuha ko iyon at humigop.

"Oo. Sabi ng kaibigan niya sa akin."

"Then, what are you worrying about?"

Umiling si Clawd.

"Clawd! Kulang brief mo! Tatlo lang?! Ano 'yan, isang araw, isang palit? Kapag kinulang at kailangan magpalit, 'yong B naman?"

Nilingon ni Clawd si Peace. "Tanga! Pagkakita ko sa kaniya roon, baka pauuwiin ko na agad dito! Nahiya naman ako sa 'yo. Sino ba itong nanghingi ng donation noong elementary dahil wala na siyang briefs? Hindi ba ikaw?"

Muntik ko nang mabuga ang iniinom. Pinakawalan ko lang ang tawa nang wala ng laman ang bibig ko.

"Ha?! Ha!" tanging sinabi ni Peace.

Natawa ako sa kanilang dalawa.

Bumiyahe na rin kami. Ako sa harap at ang dalawa ay nasa likod. Hinubad ni Clawd ang kaniyang salamin sa mata at pumikit. Kanina ko pa siya napapansin. Hindi siya mapakali.

"Ano'ng gagawin mo kapag nagkita na kayo, Awd?" tanong ni Acush at tumingin sa rear view mirror.

Tumingin sa kaniya si Clawd.

"I actually... don't know," mahinang sambit ni Clawd.

Tumingin sa kaniya si Peace at ngumisi.

"Paano ba naman, when she told you she likes you, you're like "yeah, really? Thank you."

Humalakhak ang dalawa.

Inirapan sila ni Clawd.

"Don't do it again, Awd." Pabirong sinapak ni Peace ang braso ni Clawd.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon