Chapter Twenty Two

17 2 0
                                    

Maybe This Time by Michael Martin Murphey

***

Ala-singko ang usapan namin ni Acush na aalis kami patungong Antipolo. Naghanda lang ako ng isang bag dahil hanggang linggo lang kami ng hapon doon. Nagdala na rin ako ng librong babasahin ko.

Nag-iwan na lang ako ng isang note kay Kd. Bilang pambawi ay nagluto ako ng almusal at iniwang nakatakip sa lamesa.

Sinilip ko si Atelodia na mahimbing na natutulog. Mamaya titilaok na 'yan.

Lumabas na ako ng residence hall. Yumakap ang lamig ng hangin sa akin. Madilim pa ang langit.

Natanaw ko na ang sasakyan ni Acush. Napangiti ako at agad na sumakay pagkahinto. Inalalayan niya kaagad ako sa gamit ko at nilagay sa likuran.

"Good morning," bati niya.

"Good morning din!"

Naka-jacket na gray si Acush. Magulo pa ang buhok niya at suot ang kaniyang round eyeglasses. Kumpleto siya sa kaniyang accessories. Ako naman ay hindi tinanggal ang bracelet na binigay niya sa akin.

"Malamig. Suotin mo 'to." Nag-abot siya sa akin ng isang jacket na gray din. Sinuot ko iyon. Naka-stripes shirt ako, pants at sneakers. Sanay naman na ako sa lamig pero sinunod ko pa rin ang gusto ni Acush.

"Ano'ng sinabi nila Peace?" tanong ko at inayos ang seatbelt.

"Kay Clawd ako nagsabi na aalis tayo. Kung sinabi ko kay Peace, baka kasama na natin 'yon ngayon."

Narinig ko ang halakhak niya. Napangiti na lang ako.

Dumaan kami sa fast food para makapag-drive thru. Kinuha ko ang mga pagkain kay Acush at sinimulan naman niyang magmaneho. Kumagat ako sa burger.

"Gusto mo ng burger?" tanong ko at pinunasan ang gilid ng labi.

"Yes, please."

Inilapit ko sa kaniyang bibig ang burger. Kumagat siya roon at nginuya.

"Iyong bahay mo, ikaw lang ba nagpundar no'n? Saan ba 'yon?" tanong ko at tumingin sa labas.

"Sa Havila," tugon niya. "No'ng second year college ako, napagawa ko ang bahay na 'yon. Hindi pera nila Mommy ang ginamit ko kun' 'di ang sarili kong ipon. Ayokong may masumbat sila sa akin kaya nagsarili na lang ako."

Napalabi ako. "Hindi ba kayo close ng parents mo?"

Bahagya siyang umiling. "Hindi. Dati, no'ng bata pa ako, oo. Pero no'ng tumungtong ako ng senior high ay hindi na..."

"Bakit?" Gusto ko pang malaman ang tungkol sa kaniya. Isa pa, hindi ko alam ang buhay ni Acush. Nakakagulat lang na ganito na pala ang nangyayari sa kaniya.

"Si Ate Halley ang takbuhan ko sa lahat. Kahit no'ng magka-boyfriend siya, sumisingit pa rin ako sa oras niya. Lagi akong nagsusumbong sa kaniya... Hanggang sa ma-realize ko na sobrang hina ko, dumedepende ako kay Ate Halley dahil alam kong hindi niya ako iiwan."

"Ngayon hindi na. You're independent, Acush..." Pinunasan ko ang gilid ng kaniyang labi. I smiled.

"Because of you..."

Kinilig ako. Tumingin ako sa labas at ngumuya na lang.

"Alam mo ba... gustong-gusto kong mailabas si Mama. Alam kong inosente siya," sabi ko at kumuha ng fries.

Tumikhim si Acush. "It's okay... You don't have to say something to me if it's makes you uncomfortable..."

Tumingin ako kay Acush.

I really fell in love in this guy.

Iniliko ni Acush ang sasakyan para makapasok sa subdivision. Binati niya pa ang guard bago tuloy-tuloy na magmaneho. Namangha ako sa paligid. Malawak ang daan, may mga maliliit pang damo na masarap tambayan.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon