Chapter One

138 6 30
                                    

When I Met You by Apo Hiking Society

***

I will only say this once, trauma can be caused by a negative event that causes a lasting impact on the victim's mental and emotional stability. Some common sources of trauma include physical abuse.

Don't be scared to speak out. I know. I know it is hard. Sino ba namang hindi?

Takot ka?

That's okay.

Pero huwag kang papayag na lamunin ka ng takot at maging isang delusyonal. Tandaan mo, bawat pagiging delusyonal mo ay may kaakibat na sakit.

Again, the pain you feel can cause trauma.

-Salfvian Tenell

Nathalie Demardo
active now

Nathalie
Sis, chat me na lang kapag nakapunta ka na.

Napabuntong-hininga ako bago mabasa ang mensahe. Sa totoo lang, ayokong pumunta kaso si Alie iyon kaya alam kong magtatampo siya. But I had no choice. Nakabili na ako ng gift para sa kanya at idadaan na lang.

Sinarado ko ang locker ko at dumaan muna sa faculty. Binigay ko ang mga papers ng mga kaklase ko. Nagpasalamat muna sa akin ang mga teachers bago ako lumabas.

"Bye, Fille!" kaway sa akin ni JP, kaklase ko.

Tinanguan ko siya at kumaway.

Huling lumabas ng room namin ay si Hexzel. Siya kasi ang nagpresinta na magla-lock ng pinto imbes na ako para lang daw mabawasan kahit papaano ang gawain ko.

"Uy, Hex. Sabay na tayo," sabi ko.

Nilingon ako at ngumiti nang matapos. He pats my head tightly.

"Pagod ka, ah?" aniya.

Sabay kaming naglakad sa hallway.

"Sobra. Feel ko na lang humiga buong araw at gumive-up."

He chuckled. "Kaya mo 'yan. Malapit na rin graduating natin. Magiging worth it lahat ng pagod mo."

Yumapos ako sa kanyang braso. "Ang sweet naman ni Hex. Parang hindi siya." Ngumuso ako.

Tinawanan niya lang ako at naglahad ng salonpas sa harap ko. I look at it with a confused face.

"Aanhin ko 'yan?"

"Kunwari ka pa. Nakita ko kanina panay ang hawak mo sa leeg mo saka sa balikat. Take this," aniya.

"Aww... Ang sweet." I pouted.

Nginiwian niya ako pero sa huli ay tumawa lang din.

Kinuha ko ang salonpas na binigay niya at nilagay sa bag. Saktong-sakto at magagamit ko ito dahil mukhang buong damag akong nakayuko sa lamesa.

Kailangan ko pa kasing mag-aral dahil busy na sa mga subjects. Pagod pa ako dahil palakad-lakad ako sa hallway dahil sa mga inuutos. Ako pa kasi ang representative ng section namin plus SSG President kaya dapat gamay ko lahat.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon