Chapter Seven

31 3 11
                                    

"Hex! Nagreview ka?"

Sumabay ako sa paglalakad kay Hex kasama si JP na umiinom ng juice na nasa bote.

"S'yempre hindi. Madali lang 'yang exam natin. Basic lang 'yan sa'kin," pagmamayabang niya.

Sinapak ko ang kaniyang braso. "Yabang! Kapag bumagsak ka d'yan, lilibre mo 'ko, ha!"

"Sure. Pero kapag pumasa ako, kapag nakikita kita, ililibre mo 'ko, ah?"

"Utot mo. Araw-araw? Sa'kin nga one day lang," sabi ko.

"One day na kapag gumastos parang pang-isang buwan na," biro niya at tumawa.

"Fille, binisita mo raw Mama mo?" singit ni JP.

"Ah, oo!" sagot ko. "Tapos bago 'yon, iniwan ako ni Hex no'n sa bahay ni Angelo," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Hex at tumigil sa paglalakad para harapin ako.

"'Di nga?" Hindi pa nga siya naniniwala.

Umirap ako. "Oo! No'ng tumawag si Xady sa 'yo?"

Umawang ang kaniyang labi. "Oo nga pala! I'm sorry!" Guilty siyang tumingin sa akin. "Sorry if I left you. Sorry."

"Okay lang," sabi ko at kinagat ang labi.

"Sino kasama mo umuwi? Siguro naman si JP?"

Agad na umiling si JP nang marinig ang pangalan niya.

"Sino?"

Kumurap ako nang ilang beses kay Hex. Para kasing magagalit siya anytime gayo'ng dapat ako ang magalit kasi iniwan niya ako.

"Sila Acush."

Natigilan siya at kumunot ang noo. "Acush?"

I sighed and nodded. "Kaibigan ni Alie."

"Saan ka nila hinatid? Sa tapat ng bahay niyo?"

Unti-unti akong umiling. "Sa kanto lang."

"What? May humarang ba sa 'yo? Pinanood ka ba nilang umuwi mismo sa bahay niyo?"

"Hex... You're overreacting."

"Overreacting?"

"L-Ligtas naman akong nakauwi." Kumunot ang noo ko. "Dapat nga ako ang magalit sa 'yo!" Hinampas ko ang braso niya.

"I'm sorry, okay? It's just..."

"Mas priority mo si Xady, 'di ba? Okay lang."

Bumuntong-hininga siya. Kinuha niya ang mga bitbit ko at siya ang nagbuhat.

"Hey!" angal ko.

"Let me. Parusa ko para sa sarili ko."

"Dami mong alam, Hex!" Muli kong hinampas ang braso niya.

"Hays. Lagi naman akong extra dito," said by JP.

Ilang araw akong nagpakalunod sa pag-aaral. Isinantabi ko muna ang mga bagay na alam kong magiging sagabal sa akin. Katulad sa kaso ni Mama, binalikan ko ang phone shop kung saan ko pina-check ang phone ni Clark ngunit iyon na lang ang pagbagsak ng balikat ko sa nalaman.

"Wala na hong chance na gumana ulit itong phone."

Sana pala sa una niya pa lang sinabi para hindi na ako umasa.

Itinabi ko na lang ang phone ni Clark sa kabinet. Kahit ako mismo, mukhang hindi ko kayang buksan. Looks like there's no other chance to win my Mom's case.

Sabi ko pa naman, kung wala na talagang chance at wala na talagang ebidensiya na magpapatunay, titigil na ako. At mukhang ito na ang pagkakataon na 'yon para sumuko at tanggapin ang nangyari.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon