From: Clawd
Slr. Yes, we're busy, but this weekend we're not that busy. You need something? Tell me.From: Kapayapaan
Libre? Sama ako!🤩From: Acush
Hi, love! Sorry late reply. We just need to spend a lot of time in law school. I forgot to tell you. I'm so sorry🥺From: Acush
So yeah. Kita tayo? Siguro na-miss mo 'ko. The feeling is mutual!Kagigising ko lang at sila agad ang bumungad sa phone sa ko. Sunod-sunod pa at ang oras kung kailan sila nag-text sa akin ay pare-parehas.
Nagtipa ako ng mensahe sa kanila at sinabing gusto kong lumabas kami bago ako bumangon sa pagkakahiga.
Lumabas na ako ng kwarto para makaligo. Hindi ko lang inaasahan ang taong makikita ko sa sala.
"HOY! Nandito ka?!"
Bakas ang gulat sa mukha naming dalawa ni Hex. Hanggang sa tumawa siya at tinuro ako.
"Ang pangit mo! Para kang dugong na bagong gising!"
"May saltik ka na talaga, 'no?" sabi ko. "Ano ginagawa mo rito? Bawal ka rito ah?" Nilapitan ko siya.
"Kaklase ko siguro si Kd," pabalang niyang sinabi.
Hindi na ako nagulat. Kilala na siguro siya ng landlady dito. Lumingon ako sa paligid at hindi nakita si Kd. Maliban na lang kung hindi pa siya lumalabas sa kaniyang kwarto.
"Nandito ka pala hindi ka nagsasabi," aniya.
"Mag-message ka siguro sa akin, no, para magtanong?" Inirapan ko siya.
"Paano siguro ako magcha-chat sa 'yo kung naka-block ako sa 'yo, 'no?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mukha kang basura! Ang sarap mong itapon!" sabi ko at sakto namang may bumusina sa labas. Busina ng garbage truck.
"Tara na, Fille." Tumayo si Hex.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Saan pupunta?"
Ngumiti siya sa akin. "Tatapon na kita. Tara na. Laki mong basura rito, mahiya ka nga-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang humalakhak na siya agad nang paghahampasin ko siya.
"Itatapon na rin kita! Ang kalat mo!" sabi ko at hindi na naiwasang matawa rin.
Dahil parehas kaming baliw ni Hex, kunwari naming binubuhat ang sarili para itapon.
"Buang!"
Nagtatawanan kami.
"P'WEDE BA?! Huwag kayong maingay!" dinig naming sigaw ni Kd.
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng kaniyang kwarto bago magkatinginan.
"Bakit ka nga pala nandito? Ano kailangan mo kay Kd?" tanong ko.
Ngumiwi siya. "Hindi pa rin kasi siya pumapasok, nandito ako para magbigay ng handouts sa kaniya. Napakiusapan na rin ako ni kuya Ceo."
"Oh..." Muli akong napatingin sa kwarto ni Kd.
"Ikaw nga r'yan! Nakakatamad kaya hikayating pumasok 'yan." Sumimangot si Hex at bumulong-bulong. "Kung ako lang masusunod, hahayaan ko siyang huwag mag-aral."
"Baliw! Akin na nga. Ako na magbibigay," sabi ko.
"Weh?" Tiningnan niya pa ako na para bang hindi naniniwala sa akin.
"Mukha ba akong nagjo-joke?" Tinuro ko pa ang sarili. "Oo nga. Akin na."
"Okays. Tulungan mo rin akong papasukin siya, sabihin mo, malapit na siyang ma-drop. Wala kasing bayad 'to. Kainis."
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
General FictionNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...