Maaga akong nagising kinabukasan. Agad na akong naligo at nagbihis ng uniporme. Maya't maya ang pagsulyap sa akin ni Kd na tahimik na kumakain ng kanin at ulam na natira kagabi.
"Bakit ang aga mo?" tanong niya at uminom ng tubig.
"Bawal?" tanong ko pabalik.
Maaga lang talaga akong nagising. Gusto ko sanang tumambay saglit sa library para makabawi sa pagre-review.
"Pahiram pala ako ng book. Isa lang," sabi ko.
"Bukas ang pintuan ng kwarto ko," aniya, nakatingin pa rin sa akin na parang sinusuri ako.
Tumango ako at tumungo sa kaniyang kwarto. Malamig dahil umulan kagabi, kaunting umaambon pa ngayon. Huwag sanang umulan nang malakas.
Pinasadahan ko ng kamay ang mga libro hanggang sa mahanap ang librong gusto kong basahin. Lumabas ako ng kwarto at nilagay sa aking bag.
"Hindi ka kakain?" tanong ni Kd na nasa pintuan ng banyo.
Umiling ako. "Hindi na. Doon na lang," sabi ko. "Alis na ako!"
Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin ang sasakyan ni Acush na nakaparada sa harap. Humihikab pa siya habang may hawak na payong sa kanan at nakahalukipkip ang kabilang braso. May suot din siyang gray cap. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Good morning," bati niya.
"K-Kanina ka pa?" gulat kong pahayag.
"Uh-huh. Mga thirty minutes."
Umawang ang labi ko. Tumakbo ako palapit sa kaniya at nakisilong sa payong.
"Bakit ka nandito?" tanong ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. Para kailan lang din no'ng hinatid niya ako! Oh my ghad. Liligawan ako nito?!
"Napadaan lang."
Napanganga ako. Hindi naman pala!
Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Posible ngang daanan niya ito pero malayo ito sa school niya! Iyong dadaanan niya ay ang pinakamalapit para makarating doon! Medyo malapit lang naman kasi ang condo ni Peace doon sa pinapasukan niya hindi kalayuan dito sa tinutuluyan ko pero malayo ang UP sa school niya!
"Pero thirty minutes ka nang nandito?"
Hindi siya agad nakapagsalita.
Nagpapalusot pa, hindi pa ako diretsuhin.
Mabuti na lang ay inagahan ko kung hindi, kanina pa ito nandito at nilalamig na dahil sa ulan. Ang lakas ng loob nito!
"T-Tumirik iyong sasakyan..." aniya.
Napangiti ako, hindi labas ang ngipin. "At saktong dito sa tapat ng dorm namin ikaw nahinto?"
Tumango siya at nag-iwas ng tingin.
Mahina akong natawa. Kunwari pa!
"Hahatid mo ba ako?"
Napatingin siya sa akin at mabilis na tumango.
"Pero tumirik iyong sasakyan mo, hindi ba?" tanong ko.
Unti-unting sumilay ang multong ngiti sa kaniyang labi hanggang sa umiling siya. "Okay na siya kasi nand'yan na 'yong source of power niya," hirit niya bigla.
Ako naman itong hindi nakapagsalita. Binuksan ko ang pintuan ng front seat at naupo. Sinundan ko ng tingin si Acush na natatawa pang pumasok.
"Nag-breakfast ka na?" tanong niya at binuhay ang makina.
"Hindi pa," iling ko.
"Saan mo gusto? Restaurant?"
Napangiwi ako. "Masyadong maaga para sa restaurant. Saka baka sarado pa," sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
General FictionNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...