Chapter Three

80 5 15
                                    

"Sabay na tayo kumain."

Nilingon ko si Hex na dire-diretsong kinuha ang bag ko sa lamesa at sinukbit sa kaniyang balikat. Medyo iritado ang mukha niya at hindi ko alam kung bakit. Kanina ko pa napapansin na nagsusuplado siya sa mga kaklase namin.

"Ba't ka ba naiinis?" tanong ko.

"Basta sa 'yo hindi."

Na-blangko ang utak ko saglit.

Kinuha ko ang tumbler at sumunod sa kaniya.

"Uy, Hex! Sama ka maya?" tanong sa kaniya ni JP.

"Ayoko," tipid na sagot ni Hex at nilagpasan ang kaibigan.

Tumabi sa akin si JP at bumulong-bulong.

"Ano bang nangyari? Kanina pa 'yan gan'yan. Inaway mo ba? Alam mo ngayon ko lang kayo nakitang ganito. May problema ba?"

"Pinagsasabi mo, JP?" malamig na sambit nito.

Umirap sa kaniya si JP.

"Hindi naman ako sasama sa kaniya kung magkaaway kami," sabi ko at sumabay kay Hex sa paglalakad.

"Ewan ko sa inyo!" sigaw ni JP sa likuran.

"So you won't go with me if we ever fight?" Diretso ang tingin ni Hex nang tanungin niya ako.

Ano ba talagang problema nito? No'ng nakaraan lang good mood siya, ah?

"S'yempre hindi. Tama ako palagi. At saka, hindi naman tayo mag-aaway."

"Hindi rin naman ako papayag," he uttered.

"Dapat lang. Bakit ka ba badtrip? May problema ba? Makikinig ako."

"Later." He sighed and looked at me. Ngumiti lamang ako sa kaniya.

Naghanap ako ng lamesa namin. Sa bahagyan gitna na lang ang libre kaya inokupa na namin iyon. Si Hex na ang nag-order ng pagkain namin at ako naman ay maghihintay.

Humikab ako at pinanood na lang ang paligid. Sa hindi inaasahan, napatingin ako sa grupo ng mga kalalakihan at kababaihan sa isang lamesa. Ang iba ay ginagawa ng upuan ang lamesa at nakakalat ang mga pagkain, maingay pa sila.

"Madaming outsider. Pansin ko lang," ani Hex nang makaupo sa harap ko.

"Oo. Hindi katulad no'ng nakaraan, sakto lang ang dami," sabi ko at kinuha ang pagkain sa kaniya.

"Si JP? Sa dami ng mga outsiders na pinapapasok nila, ayon, may nasungkit."

Nagtawanan kami.

Madalas si Hex ang nagkukwento at ako naman ay tumatawa. Tingin ko nga may girlfriend na ito dahil panay ang ngisi niya sa tapat ng kaniyang phone. Bibihira pa naman ito magkagusto dahil na rin siguro sa religion niya.

Kung magkakagusto man sa akin 'to, malaking imposible. Si Hex ay si Hex, lagi siyang sumusunod sa rules, at ang rules na 'yon ang hindi ko lang alam kung kayang mabali nang iba.

"Bakit ka nga pala iritado?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin, umirap, at bumuntong-hininga.

"May gusto kasi ako," panimula niya.

"And? Bakit kailangan mong magalit sa lahat?" sabi ko kasabay ng paghalakhak.

"I don't know? Siguro, nakakainis mukha nila?" hindi talaga siya sigurado.

"Pero sa akin, hindi ka iritado?"

"Kasi hindi naman nakakainis mukha mo."

Natawa ako. "Ang liit naman ng problema mo! Iyon na 'yon?"

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon