Chapter Eight

34 3 2
                                    

"Siguro kaya tayo pinagtatagpo dahil may gustong sabihin ang tadhana sa atin."

"Paano ba 'yan? Pumasa ka. Sabi sa 'yo, eh."

Napatulala ako sa mga mata ni Acush habang halo-halo ang aking nararamdaman. Sandali kong naramdaman na para bang lumulutang ako. Sandali kong naramdaman na para bang may kumikiliti sa tiyan ko. At sandali kong naramdaman na para bang bumabagal ang takbo ng oras.

He chuckled that made his eyes slit.

Napailing na lang ako habang iniisip si Acush. Ilang beses lang naman kami nagkakaroon ng interaksyon ngunit ganito na ang epekto niya sa akin.

Bakit naman gano'n, ano?

Hindi mo naman gugustuhin na isipin siya pero pumapasok pa rin sa utak mo para isipin siya. Tapos, mapapangiti ka na lang at kapag may nagtanong, ide-deny natin.

Kung mapapansin, may special treat sa akin si Acush. Ayoko namang isipin na gusto niya ako at baka nagmamagandang loob lang dahil kaibigan ko si Alie at kailangan ko ng tulong.

For the past few days, naging busy ako sa pagkukumpleto ng requirements para sa enrollment ko. Dahil na rin kay Acush kaya mapapadali ang lahat sa akin.

"Oh? Nakapasa ka pala sa NMAT? Congrats," walang buhay na saad ni ate habang pinapatulog ang pamangkin ko sa sofa.

Hindi ako tumugon at tinanggal lang ang sapatos saka inilagay sa shoe rack. Papasok na sana ako sa kwarto nang marinig ang sinabi ni ate.

"Gastos lang naman 'yan. Kung call center ka na lang, wala pang babayaran, papasok ka lang at magtatrabaho. May pera ka na..."

Nilingon ko siya. "Sa 'yo ba nanggagaling ang perang ginagastos ko?"

Iyon lang ang sinabi ko na nagpatahimik na sa kaniya.

Huminga ako nang malalim at tuluyan ng pumasok sa kwarto.

Padabog kong hinagis ang aking shoulder bag sa kama. Inihagis ko ang sarili sa kama at nilagay ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan. Tumitig ako sa kisame.

Nangako ako sa sarili ko na magfo-focus ako sa sarili ko. Kahit pa gaano katagal at kahirap, kakayanin ko, basta sa pangarap.

Maikli lang akong nagpaalam kay ate na nakahanap na ako ng medical school at dorm sa Maynila. Sinabi niya lang na 'ingat' at wala na. Pumasok na siya sa kwarto nila at nag-lock ng pinto.

Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa pintuan. Saglit lang naman 'to, aabutin ko muna ang pangarap ko.

Ilang araw ang lumipas ay officially enrolled na ako sa medical school nila Acush. Tinanong ko siya kung nag-qualify ba ako sa scholarship ngunit sinabi niyang hindi. Lahat daw ng gastusin at ang bibilhin ko sa loob ng school na 'yon ay libre.

Hindi na ako nakapagsalita dahil nagpaalam din siya agad sa akin at kailangan niyang pumunta sa school nila dahil tinatawagan na rin siya nila Peace, binisita niya lang ako saglit para makita kung ayos na ba ang lahat.

"Acush..." sinubukan ko siyang tawagin ngunit nakatakbo na siya papalayo sa akin.

Binisita ko ang med school para hindi na ako manibago kapag pasukan na. Nalaman ko na rin ang section ko at ang mga professors na mukhang terror.

Sa tuwing naaalala ko na magiging doctor na ako, lagi kong naaalala ang pamilya ko. Hindi ko na alam kung ano na ang patutunguhan at kung palagi na bang ganito. Ginagawa ko rin naman ito para sa kanila.

Pero minsan napapaisip ako na huwag na lang kaya? Ayokong magkaroon ng kumparahan sa iba kong kapatid. If I'm given a chance to change something about myself, it will be my intelligence. Masyado akong matalino. Masyado akong magaling. Na umabot na sa puntong, ako na ang tinitingala ng mga kapatid ko na hindi dapat dahil nagiging dahilan din para magkalayuan kami ng loob.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon