Chapter Thirteen

16 2 0
                                    

About You by The 1975

***

Hindi ko kailanman inisip 'yung mga unknown numbers na nagpapadala ng mensahe sa akin na naglalaman ng mga weird messages. Iniisip ko na lang na scammer o nangti-trip lang pero dumadalas na kasi.

Nag-delete ako ng mga unknown numbers na nare-receive ko. Hindi naman sila naka-notify sa akin as a spam.

Na-delete ko na lahat maliban sa isang unknown numbers. Naka-text ko ito isang beses lang, ito 'yung nireplayan ko ng 'Hello' na hindi na nagreply pabalik.

Nagising ako na nasa bahay namin. Napabangon ako sa kinahihigaan at napalingon sa paligid. Tumayo ako at naglakad palabas. No'ng tumingin ako sa bintana ay wala pang araw. Siguro ay madaling araw na.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang pasilyo na sobrang haba. Sa dulo no'n ay ang nagbabagang apoy.

Bigla akong kinabahan at natakot. Tumakbo ako nang tumakbo ngunit sa bawat hakbang ko ay mas lalong humahaba ang pasilyo.

Namataan ko sina Mama, Ate at Papa. Nababalot na rin sila ng apoy at nakatingin sa akin. Nakatayo lang sila ro'n, humahagulgol.

Natigilan ako sa pagtakbo nang sumulpot ang pigura ng isang lalaki. Matangkad siya sa akin kung kaya kailangan ko pa siyang tingalain ngunit hindi ko maaninag ang kaniyang hitsura. Ang buong katawan niya ay nababalot ng itim.

Na para bang kaharap ko ngayon si Kamatayan.

"Hanggang kailan pa? It's just life, Fille... It's too late for you before you know it."

Niyugyog nang malakas ang balikat. Dahil do'n ay nagising ako sa reyalidad. Tumambad sa akin ang nag-aalalang si Kd.

Hinabol ko ang hininga ko at umupo. Napahawak ako sa sentido ko habang kinakalma ang sarili.

"What are you feeling?" Naupo sa tabi ko si Kd. "Pinagpapawisan ka. You're having a bad dream," he whispered.

"I-I'm good..." sagot ko at napatingin sa paligid "Shocks..." bulong ko nang mapagtantong sa couch ako nakatulog. Nakakakalat pa ang mga libro sa lamesa.

"Mabuti na lang ay nagising ako. Baka hindi ka na magising, eh."

Napatingin ako kay Kd. Hindi ko alam kung biro ba 'yon o seryoso siya sa kaniyang sinabi. Hindi ko na siya pinansin at mabilis na niligpit ang gamit.

     "Huwaah! Naks naman!"

Sumimsim ako sa iniinom na kape habang nakatingin sa malayo.

"Thank you talaga sa 'yo!" Humalakhak si Hex. "Nagpasalamat sa akin si Sir at nilibre ako ni Kuya Ceo!"

Parang wala akong mood sa lahat. Tinatamad akong makipag-usap. Inaantok pa ako. Nagugutom din ako pero ayokong kumain.

"Hoy! Kanina ka pa matamlay, ah!"

Napatingin ako kay Hex.

"Nanaginip ako," sabi ko.

Nagtaas siya ng dalawang kilay sa akin at sumimsim sa kaniyang kape.

"Anong panaginip? Nand'yan ba ako?"

Napairap ako. "Oo, ikaw 'yung tiyanak sa panaginip ko. Hinagis kita sa bangin. Fly high."

"At least cute."

"Pangit mo kaya do'n."

"Pero seryoso, ano panaginip mo? 'Yan ba 'yung reason kung bakit ka matamlay?"

Sumandal ako sa kinauupuan. "Nando'n daw ako sa bahay namin. Tapos nakita ko ang mahabang pasilyo, sa dulo no'n ay nasusunog sila Mama. Tapos, may sumulpot na isang lalaking nakaitim sa harap ko. Ang sabi niya; "Hanggang kailan pa? It's just life, Fille. Huli na para sa 'yo bago mo pa malaman". Basta may pagkagano'n."

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon