Chapter Twenty Nine

25 2 0
                                    

Umiyak ako buong gabi. Maliit lang naman ang isyu ngunit pinalaki ko. Naiinis lang ako. Hindi ko alam ang mga dahilan ng pagkagalit at inis ko.

Napatingin ako kay Gene na nahuli ko ang tingin sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingin at naglakad palayo.

Sinundan ko siya hanggang sa maabutan ko siya sa hallway.

"Gene," tawag ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong harapin at para bang nagpipigil siya sa kung ano ang gagawin sa akin.

"Could you say the truth?" kalmado niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at naguluhan sa kaniyang tanong.

"What? You think I did it? Si Clarity nga-"

"That's not what I am talking about."

"Eh, ano?"

Tumikhim siya.

"May history ka ba na tinatago?"

Napalunok ako.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko.

"May pinatay ka ba?"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Bigla akong namutla at hindi agad nakasagot sa kaniyang tanong.

Mataman niya akong tiningnan.

Mahina akong natawa.

"Nababaliw ka na ba? Ano'ng sinasabi mo? Ako? May pinatay?" natatawa kong tanong. Umiling ako sa kaniya, hindi makapaniwala.

"I'm serious."

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya saka umiling.

"You are watching or perhaps reading mysteries? You are addicted." Humalakhak ako. "I just want to ask you about Julia."

He looked away and bit his lip in guilt.

"She's okay. She has a problem in her family. So I am here for her. If it is okay to you?"

Umangat ang isang kilay ko.

"Ano namang kinalaman ko sa inyo? Wala naman akong sasabihin kung maging kayo man?" I am not sure.

Mahina siyang tumango sa akin.

"Okay. See you around."

Tumango ako sa kaniya.

Mabuti naman maayos ako pakitunguhan ni Gene. I admire him.

Nang tumalikod siya ay nakitaan ko siya ng bahid ng dugo sa likod ng kaniyang damit.

Umawang ang aking labi. Kumurap nang ilang beses ang mga mata ko habang nakatitig sa likuran ni Gene. Hanggang sa matumba siya.

Tumakbo ako palapit sa kaniya ngunit sa isang kurap ay bigla siyang naglaho sa pwesto niya.

Nadulas ako at mabilis na napaluhod. Tulala akong napatitig sa makinis na sahig.

No...

"Hey!"

"What the hell!" Hinampas ko ang braso ni Hex.

Humalakhak siya. "Kanina ka pa tulala! May naalala ka na?"

Kumunot ang noo ko.

"Naalala?"

Tumango siya sa akin. "Sorry, ah. Nino-normalize ko na. Gusto ko lang maging masaya," pabitin niyang sabi.

"Ano nga?"

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon