Hopelessly Devoted To You by Olivia Newton-John
***
Hindi agad nakapagsalita si Acush.
"Baka hindi ako magustuhan ng Mommy mo..." sabi ko at tumingin sa kaniya.
"Fille... you don't have nothing to worry about. Kaya kong kausapin si Mommy. Alam kong bibigay din agad 'yon sa akin..."
Hindi ako nakapagsalita.
Basta ayoko.
"Nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. Gusto ko lang na makilala ka ni Mommy para naman malaya na kitang nadadala sa mga gatherings namin kasama ang relatives namin."
"Hindi naman na kailangan..."
"Kailangan." Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinalik-halikan iyon habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.
Nang magga-gabi na ay umuwi na ang dalawa. Si Acush naman ay naghuhugas ng pinagkainan. Naglinis naman ako sa sala.
Dim na ang lights. Inubos ko ang iniinom na hot chocolate habang sinasabayan sa paggalaw ang bagal ng kanta. Umakyat ako papunta sa kwarto. Nag-shower ako.
Lumabas ako ng banyo nang nakabalot ang tuwalya sa katawan ko. Kumuha ako ng damit sa bag ko at nagbihis sa harapan ng salamin. Pinagmasdan ko ang kalahati ng katawan ko. May shorts na sa ibaba, damit na lang ang kulang sa akin.
Pinasadahan ko ng isang daliri ang peklat ko sa bahagi ng right collarbone ko. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling.
Tumalikod ako sa salamin at inangat ang buhok ko. Nandoon pa rin ang iilang pasa na hindi na nawala. Katulad dati ay wala akong sakit na nararamdaman kapag hinahawakan ko.
Pinili ko ang damit kong pambahay na may zipper sa likod. Bumaba ako at naabutan si Acush na nakapandekwatrong upo. Nakahalukipkip siya at nakapikit.
"I've always been so glad to be with you..."
Si Acush na naman ang nagpapatugtog. Wala naman ako gaanong mga songs sa cell phone ko. Ayos lang sa akin kung old songs. Mas nararamdaman ko na romantic.
"Love..." tawag ko sa kaniya.
Dahan-dahan siyang napamulat at tumingin sa akin. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Ito ang unang beses na tinawag ko siyang 'love'. Lagi na lang siya ang tumatawag sa akin no'n, habang ako ay sa normal niya lang na pangalan.
"Hey..." Tumayo siya at gumapang ang dalawang braso sa baywang ko. Gumalaw kami kasabay ng bagal sa kanta.
"I have something to show you," mahina kong sambit.
"Yes. What is it?"
Huminto ako. Humakbang ako nang isang beses palayo sa kaniya. Pinapanood naman niya ang bawat kilos ko.
Pinagsama-sama ko ang buhok at inangat. Tumalikod ako sa kaniya.
"Can you unzipped my shirt?" I asked.
"Yeah, sure."
Ramdam ko naman ang pagbaba ng zipper hanggang sa lumantad na ang likod ko sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/331825336-288-k968086.jpg)
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
General FictionNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...