Inubos na namin ang natitirang oras bago kami umuwi. Kanina pa sa akin naglalambing si Acush. Nagising na lang ako na nakapatong ang isang braso niya sa akin, ni nawala na ang mga unan sa pagitan namin.
No'ng nag-almusal kami, hindi siya kumilos. Nakaupo lang siya at nakatingin sa akin na parang may pinapahiwatig. Iyon pala ay gusto niyang asikasuhin ko siya.
Nanonood kami sa sala nang lumapit siya sa akin at niyakap ang baywang ko.
"Love... Dito na lang tayo," he said softly.
Napailing ako at medyo nilaksan ang pinapanood naming palabas. "Hindi p'wede. May pasok pa tayo bukas..."
Hindi siya umimik. Naramdaman kong gumuguhit siya ng bilog sa aking tagiliran na nagbibigay ng kiliti sa akin.
"Kailan ba monthsary natin?" tanong niya. Ako na lang yata ang nanonood dahil kanina pa ako kinakausap ni Acush.
Napaisip ako. "September 17, ah? Kinabukasan ng birthday ni Clawd," sagot ko at sinulyapan siya. Tulala lang naman siya at hawak-hawak ang isa kong kamay.
"17? Ayoko ng date." Ngumuso siya.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya. "Bakit ayaw mo? Bawiin ko ba?" I blinked twice.
Napaayos siya ng upo at lumingon sa akin. "Huwag mong babawiin!" Napatingin ako sa naka-pout niyang labi at salubong ang kilay. "Ayoko..."
Hinarap ko ang katawan sa kaniya. Ipinatong ko ang siko sa sandalan at pinahinga ang pisngi sa kamay. Hindi ko alam kung ano ang trip nito ni Acush.
"Kailan mo gusto?" tanong ko.
"Gusto ko October 1..."
Tumango ako. "Okay. October 1, sinasagot kita sa araw na 'yon," sabi ko at bumalik sa pinapanood.
October 1? Ilang araw pa bago maglipat ng buwan! Hindi ko alam ang gusto nitong lalaki na ito.
Bumalik siya sa tabi ko. Naramdaman ko ang braso niya sa sandalan na parang nakaakbay sa akin. Naka-white shirt at black shorts si Acush. May itim na headband sa medyo mahaba niyang buhok. Siya kanina ang nag-ipit sa akin.
"Hindi ka ba napilitan?" tanong niya.
"Saan?" tanong ko, nanatili ang tingin sa pinapanood.
"Sa pagsagot sa akin. Hindi ka ba nabilisan? Na-pressure ka ba sa akin?"
Umiling ako. "Hindi naman. Bakit mo natanong?"
Nilingon ko siya, sakto namang tumingin siya sa pinapanood namin. "Wala naman..."
Tinapos namin ni Acush ang pinapanood. Pagkatapos no'n ay nagmeryenda kami. Hindi na kami lumabas at nagpa-order na lang, suggestion ko 'yon dahil baka umulan pa. Ayokong maabutan kami ng ulan at magkasakit.
Sa sala lang kami pumwesto habang nanonood ako. Nakasandal ako kay Acush habang yakap ako ng isa niyang braso. Kahapon ay tapos na ako sa binabasa ko at siya naman ngayon.
Sumubo ako ng french fries at nginuya. Sinubuan ko rin si Acush habang nagbabasa siya. Sana makapag-focus pa rin siya sa binabasa. Hininaan ko rin ang TV.
Nagiging clingy kami ni Acush sa isa't isa. Kulang na lang ay magtali kaming dalawa. Alagang-alaga niya rin ako.
Mamaya ay uuwi na kami. Sinusulit na lang namin ang oras.
Kinuha ko ang phone at tiningnan kung may mga messages. Nakita ko 'yong group chat namin, group chat sa school, message ni Kuya Kaver at Ate Xilieese, message ni Hex, at Peace.
Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Pero sa huli, 'yong message ni Ate ang binuksan ko.
Ate Xil:
Kailan ka uuwi sa Nueva Ecija?
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
Fiksi UmumNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...