Chapter Twenty

17 2 0
                                    

Sinalubong kami ng bouncer. Hinanap niya sa guess list ang mga pangalan namin at malaya kaming nakapasok pagkatapos.

Maingay at marami-rami na agad ang tao sa oras na ito. Sigurado akong mas dadami pa ito mamaya.

Nakita agad namin si Clawd na lumalapit sa amin. Pansin ko ang hawak niyang baso ng alak. Itim na long sleeve polo ang kaniyang suot na nagpapaakit sa mata ng mga babae, isama pa na bukas ang ilang butones nito. Magulo na rin ang buhok ni Clawd at mamasa-masa.

"Hey! I thought you're not coming." Bumeso si Clawd kay Alie at nginitian ang mga kasama ko.

"Happy birthday!" bati ni Alie at inabot ang isang maliit na paperbag kay Clawd.

"Thanks."

Bumaling sa akin si Clawd. "Akala ko hindi ka na susupot." Clawd smiled. "Anyway, let's go?"

Sumunod kami sa kaniya. Maraming bumabati kay Clawd na kakilala niya. Lasing na ang mga ibang tao at sumasayaw. Mula rito ay natanaw ko ang pool na may naliligo. Mabula na rin ang tubig.

Pumwesto kami sa isang lamesa. Pa-curve ang mahabang upuan nito kaya magkakasya kami. Sa lamesa ay may mga alcohol drinks na rin na hindi pa nabubuksan.

Dumaan ang isang waiter at nilapag ang isang tray ng tequila.

Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at kumuha agad. Inabutan naman ako ni Acush ng isa na tinanggap ko at inisahang lagok.

Napapikit ako nang dumiretso iyon sa aking lalamunan.

Nagserve ang waiter sa amin. Maya-maya ay may dumating na barista at sa mismong harap namin nagtimpla. May hile-hilerang maliliit na baso sa lamesa at nilagyan niya iyon.

Nagtag-isang kuha kami at ininom iyon.

"Fuck. Ang sarap!"

Humalakhak ang bartender.

Kumindat si Natalie sa lalaki.

"Cheers!" Pinagtama namin ang mga baso namin. Uminom ako sa aking baso at naubos.

Maingay na ang paligid at dumadagsa na ang mga tao. Marami ring nakakakilala kay Natalie kaya nahihila siya ng mga ito.

Dumating ang mga staff nitong bar at may bitbit na tig-iisang letter sa 'Happy Birthday'. May malaki pang picture ni Clawd at may 'Happy Birthday' na nakalagay. Binuo nila ang salitang 'Happy Birthday'. Pumwesto sa gitna ang babaeng may bitbit na two-layered cake.

May ngiti sa labing lumapit si Clawd doon habang kinakantahan namin siya.

"Happy birthday, Clawd!" malakas na pagbati namin saka hinipan ni Clawd ang candle.

Nagsigawan kami sa saya. Habang ang dalawa niyang kaibigan ay pinaulanan siya ng alak. Hindi kami matigil sa pagtawa at sa pag-inom ng mga hard liquor.

Nagsayawan kami sa pwesto namin habang hawak ang sari-sariling baso. Nagsama-sama kaming mga babae at itinaas ang mga baso.

"Tara na, guys! I know it'll be fun!" Tumili si Natalie at nagtungo sa crowd.

Habang parami nang parami ang mga tao ay nagkakaniya-kaniya na ang iba sa pagtungo sa gitna. Umalis naman si Clawd nang may makitang dumating na kaniyang inimbitahan.

"Doon tayo sa may pogi!" Nagturo si Hannah sa kung saan at nagpaunahan sila.

Pumwesto na ang DJ sa itaas. Naghiyawan ang mga taong nasa gitna.

"You want to go?" tanong ni Acush na nasa tabi ko.

Tumayo si Peace at iniwan kami, kaming dalawa na lang ni Acush ang natira.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon